Mahal kong Binibining Mia,
Maligayang kaarawan Binibining Mia! Ako'y nagpapasalamat dahil sa iyong mga akda. Marami akong natutunan na mga aral sa buhay at mga napagtanto dahil sa iyong akda. Sa tuwing ako'y malungkot ay nagbabasa ako ng iyong mga akda. Naging comfort ko ang mga nobela mo. Ikaw din ang aking inspirasyon at ang mga akda mo para magpatuloy sa buhay at wag sumuko anuman ang mangyari. Maraming Salamat din kung hindi dahil sayo, dahil sa i love you since 1892 at iba pang mga akda mo ay hindi ko mapagtanto ang kahahalagahan ng kasaysayan. Napagtanto ko na napakaganda pala ng kasaysayan at ang kulay ng kultura ng mga pilipino. Napagtanto ko din kung paano nag hirap ang ating mga ninuno noon dahil sa pang aabuso ng mga espanyol at paano nila ibinuwis ang kanilang buhay para ipaglaban ang bayan. Kung hindi ko nabasa ang iyong akda ay marahil hanggang ngayon ay hate ko parin ang AP subject at hindi nagbabasa ng tungkol sa kasaysayan dahil na boboringan. Ikaw din ang dahilan kung bakit nanatili pa rin ako sa wattpad.
Muli, maligayang kaarawan po Binibing Mia. More birthdays to come po and enjoy your day. We love you!
Sincerely yours,
aizel_zel
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Sunshines
Non-FictionHandog ng pagmamahal, pasasalamat, at pagpapahalaga ng Sunshines para sa pambihirang binibini ng ika-19 na siglo - Binibining Mia ( Undeniably Gorgeous). Tuklasin ang mga damdamin at kuwentong nakakubli sa bawat kurba ng mga titik mula sa samu't sa...