Minamahal kong binibining Mia,
Magandang araw po saiyo binibining Mia! Bago ko simulan ang aking liham para saiyo, nais ko munang magpasalamat sa pagkakataong ito na ibinigay sa akin upang maipahayag ko ang aking pagbati at pasasalamat saiyo. Maraming salamat po sa paggawa ng mga akdang naging bahagi na ng aking pagkatao. Lalong-lalo na ang I Love You Since 1892. Tandang-tanda ko pa noong iminungkahi ng aking pinsan na basahin ko ang iyong akdang I Love You Since 1892 noong taong dalawang libo't dalawangpu, kasagsagan ng pandemya. Nagsilbing aking libangan ang pagbabasa ng iyong mga akda at ito'y nakatulong upang maglaho ang aking mga pangamba dulot ng pandemya. At doon nagsimula ang paghanga ko saiyo at sa iyong mga akda. Hanggang isang araw di ko namalayan na hinahanap-hanap ko na pala ang iyong paraan ng pagsusulat. Alam nyo po bang matapos kong basahin ang iyong akdang I Love You Since 1892 ay nagbago ang pananaw ko sa buhay. Ako po ay kagaya ni binibining Carmela noong hindi pa siya napupunta sa nakaraan, na binabalewala at walang ganang malaman ang kasaysayan ng ating bansa. Ngunit nang makabalik na si Carmela sa kasalukuyan mula sa nakaraan, kagaya niya ay dala ko rin ang mga aral na aking natutunan mula sa kaniyang paglalakbay sa nakaraan. Mga aral na papahalagahan at dadalhin ko habang buhay. Nagpapasalamat ako sa Panginoon sapagkat ginawa ka niyang instrumento upang mapukaw ang aking pagkalinga sa ating inang bayan at sa nakaraan nito. Nagpapasalamat ako na sa pamamagitan ng iyong mga akda, tinuruan mo po akong pahalagahan ang kasaysayan ng ating inang bayan. Alam niyo po bang nagagalak ng sobra ang aking puso noong malaman kong pupunta kami sa museo dito sa aming lugar! Ako'y nananabik na malaman ang kasaysayan ng aming probinsya! Maraming salamat po dahil tinuruan niyo akong pahalagahan ang kasaysayan ng ating pinagmulang bayan.
Hindi man nagkakatuluyan ang mga mga bida sa iyong istorya, sapat na ang wakas ng iyong kwento upang mabigyan ng kapayapaan ang puso kong nasaktan. Hindi man nauuwi sa masayang wakas ang iyong mga akda, naniniwala akong hindi niyon mahihigitan ang mga aral na aking natutunan. Tumatak po talaga sa aking puso at isipan ang linya ni Sebastian/Marcus na "Hindi man natin nakikita, pero may mga aral at mabubuting bagay rin tayong natutunan sa mga kwentong may malungkot na wakas. Hindi madaling ipaliwanag, pero alam mo sa puso mo na tinamaan ka. Sapat nang dahilan 'yon para may matutunan ka. Na ang buhay ay hindi palaging masaya. At sa kabila niyon, makikita mo ang bagong pag-asa. Kahit na hindi nangyari ang gusto mong mangyari, maaaring dahilan iyon para mas maging handa ka sa mga susunod pang unos na darating. Mas magiging matatag ka."
Walang mapagsidlan ang aking kaligayahan noong nagkaroon ako ng libro ng isa sa iyong akda na Salamisim. Tandang-tanda ko pa ang pananabik kong mahawakan at mabasang muli ang Salamisim!!! At noong nagkaroon ako ng Salamisim Book 1, gusto ko na ring magkaroon ng book 2 nito! Natutuwa ako sa mga nakikita kong larawan ng Salamisim Book 1 at book 2 kapag pinagsama! Kaya nung pag-uwi ko galing sa immersion namin, kahit na pagod ako hindi ko pinalampas na masilayan na ang book 2 ng Salamisim! At mas lalo akong namangha na sa wakas ay napagsama ko na ang Book 1 at Book 2!! At nito lang ding Marso ay dumating na ang inorder kong libro ng Sirene!! Matagal ko na po talagang gustong makabasa ng Wattpad story na tungkol sa sirena kaya super dream come true ang mabasa ang iyong akdang Sirene. Sana po in the near future ay makita ko po kayo in person at makapunta ako sa iyong booksigning. Maraming pong salamat sa lahat, I love you always Inay! Maligayang kaarawan!! I wish you all the best and God bless po!
Sincerely yours,
Yang-Jaz - Jazzy
![](https://img.wattpad.com/cover/334040016-288-k811696.jpg)
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Sunshines
Non-FictionHandog ng pagmamahal, pasasalamat, at pagpapahalaga ng Sunshines para sa pambihirang binibini ng ika-19 na siglo - Binibining Mia ( Undeniably Gorgeous). Tuklasin ang mga damdamin at kuwentong nakakubli sa bawat kurba ng mga titik mula sa samu't sa...