Mahal kong Inay Mia,
Buenos dias, Inay! Nais kitang batiin ng isang pinakamaligayang kaarawan 🥳🎉
Kamusta po kayo? Nawa'y nasa mabuti po kayong kalagayan. Sana ma-enjoy niyo po ang araw na ito kasama ang iyong mga mahal sa buhay. Taong 2018 noong una kong nadiskubre ang iyong akdang ILYS 1892 na siyang naging dahilan kung bakit ako naging "Sunshine" hanggang ngayon. Hindi ko akalain na nang dahil sa iyong mga nobela ay magbabago ang aking pananaw sa buhay na hindi sa lahat ng panahon ay may happy ending at hindi sa lahat ng pagkakataon ay pagbibigyan ang ating mga kagustuhan. Marami akong mga aral natutunan mula sa iyong mga akda. Isa ako sa iyong mga sunshines na sumusubaybay sa iyong pagpost ng UD dahil "you always leave us wanting for more" HAHA! Alam kong mga 0.0001% ang chance po na mapansin mo ito at mabasa ng buo ngunit hindi ako mawawalan ng pag-asa sa posibilidad na makatanggap ako ng tugon mula sa iyo. Handa ko pong hintayin ang iyong tugon inay kagaya ng kung paano hinintay ni Socorro ang kaniyang sinisinta! Napakapalad ko po dahil kayo po ang nagmulat sa akin kung paano i-appreciate mayaman nating kultura/heritage sa Pilipinas. Sa lahat po ng mga akda sa wattpad, ang iyong mga nobela ay namumukod-tangi. Para po akong nasa rollercoaster kapag binbasa ko ang mga ito lalo na sa mga parteng may plot twist! Salamat po sa mga handog niyong akda na nagbibigay saya, lungkot, kilig, at kung anu-ano pang emosyon na dulot ng mga ito sa akin. Stress reliever ko po ang iyong mga akda inay! Pati rin po sa aking pagpapantasya sa aking mga Mi Ginoo. Sa'yo ko rin natutunan na di lahat akda dapat masaya ang wakas dahil mas nakabubuti kung yun (sad) ang ending. Ang mahalaga ay nagbibigay ito ng makabuluhang aral sa mga mambabasa. Isa po kayo sa mga inspirasyon ko upang patuloy na lumaban para maabot ko ang aking mga pangarap sa buhay. Salamat sa pagbibigay inspirasyon sa mga sunshines mo lalo na po sa akin.
Cheers to more years with you po, Inay! Looking forward po ako sa mga memories na darating pa kasama ang isa sa mga paborito kong author sa Wattpad world! Ingat ka po palagi at sinisinag po kita, always! Muli, maligayang kaarawan inay! Always continue to slay and shine like no other!
Sincerely yours,
ILoveFuschia_ - Kalachuchi
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Sunshines
Non-FictionHandog ng pagmamahal, pasasalamat, at pagpapahalaga ng Sunshines para sa pambihirang binibini ng ika-19 na siglo - Binibining Mia ( Undeniably Gorgeous). Tuklasin ang mga damdamin at kuwentong nakakubli sa bawat kurba ng mga titik mula sa samu't sa...