Liham #15

35 5 1
                                    

Mahal kong Binibining Mia, 

         Maligayang kaarawan sa napakagandang binibini, napakasipag, at napakagaling na manunulat, Binibining Mia! Una sa lahat, ako ay nagpapasalamat dahil nakilala po kita. Hindi man kita kilala sa personal pero alam ko na may taglay kang kabutihan sa iyong puso. Nakilala kita sa taglay mong galing sa pagsulat. Ang una kong nabasang kwentong naisulat mo po ay ang nobelang "I Love You Since 1892" noong ako ay nasa ika-pitong baitang pa lamang na siyang labis na nagpaluha, nagpahanga, nagpakilig, at nagbigay inspirasyon sa akin. Ang paborito ko namang akdang naisulat mo po inay ay ang nobelang "Salamisim" na isa sa may taglay na kakaibang daloy ng kwento. Nagturo ito sa akin ng katapangan, katatagan, pagmamahal, sakripisyo at nagdulot sa akin ng iba't-ibang emosyon. Napakagandang basahin ang nobelang ito na maituturing ko na isang obra-maestra. Ako ay nangako sa aking sarili na mag-iipon ako at kapag nailathala na ang librong "Salamisim" ay bibili talaga ako. Nang ito ay inilabas sa iba't-ibang plataporma ay bumili kaagad ako at nagkaroon ng sariling kopya na tuluyang ikinagagalak ko. Nawa'y madami pang puso ang maantig sa taglay mong galing sa pagsulat. Ipinagmamalaki po kita ng sobra. 

           Alam ko na lahat tayo ay may kanya-kanyang laban sa buhay kaya umaasa ako at nananalangin na malampasan mo ang mga pagsubok na iyon sa tulong ng Diyos. Nawa'y ang lahat ng iyong mga hangarin at pangarap sa buhay ay matupad. Magpatuloy ka lamang sa iyong mga hangarin at nandito lang kaming mga tagahanga mo na handang sumuporta. Maraming salamat at hinihiling kong makita kita sa personal, Inay Mia! Mahal Kita! 🥰🤍

Sincerely yours,
impanalo

Sincerely Yours, SunshinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon