Liham #23

26 6 1
                                    

Para sa paborito kong manunulat na si Inay Mia,

Isang mapagpalang araw sa iyo Binibini! Una sa lahat ay nais ko munang bumati ng isang Maligayang Kaarawan! Ibig ko lang pong sabihin sa inyo na lubos po akong nagpapasalamat dahil ang iyong mga akda ang siyang naghubog sa akin upang mahalin at pahalagahan ang ating kasaysayan. Una kong nabasa ang iyong gawa na I Love You Since 1892 apat na taon na ang nakakaraan. Hindi ako yung tipo ng taong nagbabasa at mas hindi ko lubos akalain na sobrang magugustuhan ko ang isang kwento na may tagpuan (setting) sa makalumang panahon. Simula noon, napamahal na ako ng lubusan sa mga bagay at pangyayari na niluma na ng panahon. Kayo po at ang iyong mga obra ang dahilan kung bakit nais ko pang palawakin ang aking kaalaman sa ating kasaysayan. Pagkatapos ko pong mag-aral ng Nursing ay isusunod ko ang pagiging Historian, kaya wish me luck Inay🤧.

Muli, isa po ako sa milyon-milyon niyong masugid na mambabasa at nabago ang pananaw mula sa mga kwento na inyong inilikha. Ipagpatuloy niyo lang po Inay Mia ang pagsusulat ng magaganda, nakakabasag-damdamin, at higit sa lahat ay puno ng aral na mga kwento. Kung alam niyo lang po na madami po kayong nabigyan ng inspirasyon at isa na po ako doon. Feliz Cumpleaños de Nuevo Binibining Mia! Sinisinag ka namin💛🤗

Sincerely yours,
ariahsupmat
Binibining Shaira📜💕

Sincerely Yours, SunshinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon