Mahal kong Binibining Mia,
Isa kang salamin na nagpapakita ng tunay na mukha na hindi nakikita ng pansariling mga mata. Mga bulaklak sa parang na nagbibigay ng halimuyak na tila inihahatid kami sa paraisong hindi namin inaakala. Kasabay ng malamig at sariwang hangin na hatid ng tagsibol ay sagisag ang panibagong yugto ng aming buhay.
Puno ka ng salita na parang mga bituin sa langit na kay ningning sa dilim ng hatinggabi. Hindi mabilang, walang karampatang hanay, walang kasiguraduhan at makabubuo ng mga bagay na hindi pa nakikita ng mga mata. Na sa bawat pahina ay dinadala kami sa paglalakbay na hindi ginagamit ang mga paa.
Kung maihahalintulad kita sa isang salita, isa kang marilag. Nakahahalina na ang layon ay ang mabuting gawa ang maihayag. Kahit na mapunan ang bawat kabanata ng mga luha, alam naming puno ito ng aral na siya naming ikapapayapa.
At sa pinakaespesyal na araw nating ipinagpapasalamat, na siya namang nais naming mag-iral. Taos puso naming tatanggapin ang mapagkalinga mong pagmamahal. Patuloy kang magugunita kaakibat ng mga ipinamalas mong asal. Ang kabutihan mo parati ang aming dasal.
Sinisinag ka namin na kasing init ng tag-araw. Hahangaan ka namin patuloy at mananatiling ikaw.Maligayang kaarawan, Binibining Mia. 💛
Sincerely yours,
johnnyalf -Harold
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Sunshines
Non-FictionHandog ng pagmamahal, pasasalamat, at pagpapahalaga ng Sunshines para sa pambihirang binibini ng ika-19 na siglo - Binibining Mia ( Undeniably Gorgeous). Tuklasin ang mga damdamin at kuwentong nakakubli sa bawat kurba ng mga titik mula sa samu't sa...