Dearest Binibining Mia,
I, as one of your sunshines, will always be proud of you. Lahat ng gawin mo, lahat ng isulat mo, lahat ng puntahan, lahat ng i-explore mo ay susuportahan ko, namin. Hindi ko rin alam kung bakit pero kapag nakikita o nae-encounter na kita, sobrang saya ko na. Makatanggap lang ako ng heart react mula sa'yo dahil sa comment ko sa post mo, sobrang saya ko na. Kinikilig ako palagi. Tuwing update ng mga akda mo, palagi kong inaabangan. Parang palagi na siyang kasama sa routine ko. Everytime na i-o-open ko na ang wattpad app ko, pangalan mo palagi at account mo ang isa sa una kong binibisita. Hindi mo alam, Inay Mia, kung paano mo nabago ang mga pananaw ko sa buhay. Kung paano mo ako napapasaya. Kung paano mo akong sinasamahan sa mga hamon ko sa buhay, instrumento ang mga akda mo para maramdaman kong kasama rin kita. Na kapag malungkot ako, akda mo lang ang katapat ko, gumagaan na ang pakiramdam ko. I badly want to write this message in full filipino language but I can't. This is really how I feel and this will be the only way I can say and describe to you how I adore and love you. Siguro kasi ramdam kong napakabuti mong tao kaya ganito nararamdaman ko sa'yo. Ang platonic lang. Lahat ng mga akda mo, palaging tatatak sa pagkatao ko. Sinisinag kita, Inay Mia!
Sincerely yours,
Weneen💛
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Sunshines
Non-FictionHandog ng pagmamahal, pasasalamat, at pagpapahalaga ng Sunshines para sa pambihirang binibini ng ika-19 na siglo - Binibining Mia ( Undeniably Gorgeous). Tuklasin ang mga damdamin at kuwentong nakakubli sa bawat kurba ng mga titik mula sa samu't sa...