Mahal kong binibining Mia,
Maligayang Kaarawan sa binibining hinahangaan ko mula noon hanggang ngayon. Ikaw ang naging inspirasyon ko sa pagsusulat ng tula at maging ng kwento. Naalala ko noong nakasali ako sa KATHA workshop, labis ang saya ko noon tuwing may meeting tayo. Excited ako kapag malapit na ang araw na hinihintay ko upang makinig sa lessons. Inay, palagi kong pinag-iipunan ang mga librong gusto kong bilhin. Kaya natuwa ako noong may lagda mo ang nabili ko. Hindi pa kita nakikita sa personal pero magaan na ang loob ko sa iyo. Anim na taon na kitang hinahangaan. Anim na taon na rin kitang paboritong manunulat. Hindi ako nagsisisi na nakilala kita at minahal. Gusto ko ang mga babae sa iyong mga akda. Sila ay matatapang at malalakas ang loob. Paborito ko sa lahat si Esteng. Pangarap ko po na maging isang abogada, gagamitin ko ang sahod ko para maka-attend ng meeting at book signing mo. Sana po ay magawa mo ang mga nais mo sa buhay. Maging masaya ka po sana palagi at huwag mong kakaligtaan na narito kaming lahat na nagmamahal sa iyo. Kung ano man ang pinagdaraanan mo, manalangin ka lang po. Inay, wala man akong regalo sa iyo, ngunit buong puso ko namang isinulat ang mensahe na ito. Sana po ay mabasa mo. Maraming salamat inay Miang sa mga kwento na nagbigay buhay sa mga mambabasa. Walang tapon. Lahat ay magaganda. Kung pwede lamang kitang makita at mayakap. Sa muli, binabati kita. More blessings to come. Sana po ay maraming opportunities pa ang dumating at mga stories pa po ang iyong mailimbag. Sinisinag kita, binibini!🌻 Maligayang Kaarawan! 🎂💛
Sincerely yours,
Mufayyy - Mafe
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Sunshines
Non-FictionHandog ng pagmamahal, pasasalamat, at pagpapahalaga ng Sunshines para sa pambihirang binibini ng ika-19 na siglo - Binibining Mia ( Undeniably Gorgeous). Tuklasin ang mga damdamin at kuwentong nakakubli sa bawat kurba ng mga titik mula sa samu't sa...