Liham #52

18 2 0
                                    

Mahal kong Inay Mia, 

           Maligayang kaarawan inay!! Gusto ko lang ibahagi na ikaw ang kauna-unahang manunulat na pumukaw sa aking interes sa pagsusulat at hanggang ngayo'y ikaw pa rin ay nananatiling inspirasyon ko sa pagsusulat. Wala pa man akong lakas ng loob na ibahagi ang aking mga likha sa mundo, makakayanan ko namang isigaw sa mundo ang laman ng liham na ito. Sinisinag kita inay, at sana'y pag dumating ang araw na nabuo na ang aking loob na ibahagi ang aking mga akda'y maibahagi ko ito sayo dahil ikaw ang inspirasyon ng mga akdang ito. Salamat inay, sana'y maramdaman mo ang tunay na kaligayahan sa itong kaarawan at sa mga susunod na taon ng iyong buhay. Mahal kita so much inay🫶🫶🫶

Sincerely yours,
dysee_reyn

SINAG 

Undeniably Gorgeous/ Binibining Mia, 
Sa ika-dalawampu't-anim na taon ng iyong buhay,
Ibinahagi mo sa amin ang labing-apat na akda, 
Na isinulat mo nang buong husay.

Nagbigay ng masasakit na alaala 
Gamit ang kanyang mga akda, 
Na siya ring nagbigay sa aming puso't isipan 
Ng mga bagay na dapat naming matutunan. 

"Hindi lahat nang bagay na iyong naisin 
Ay makukuha mo sa isang ihip ng hangin, 
Maaring di mo ito makuha, gaano mo man ito gustuhin"
Ang pinakamahalagang leksiyon na tangi kong iisipin. 

Kaya't Binibini patuloy mong asahan 
Ang aming patuloy na pagsuporta 
Sa mga susunod na akda at pangalan 
Hanggang sa iyong huling isusulat na kabanata 

Sincerely Yours, SunshinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon