This is the update you've been waiting for! 🥰
❗WARNING❗
This chapter is rated SPG. Read at your own risk!Chapter Twenty
Kinabukasan ay ang pag-eencode naman ng paperworks ang itinuro sakin ni Ate Lauren. I decided to call her ate because she is 5 years older than me.
"You have average typing speed. Sanay ka sigurong humawak ng computer noh," she commented. She asked me to encode the MOA of Sir David and his new client. By the way, engineer nga din pala si Sir David.
"Oo, ate. Ako ang palaging taga-encode ng thesis namin noong college," sagot ko sa kanya.
Natapos ang araw namin na puro Microsoft Word at Excel ang aking kaharap. Hindi naman ako nahirapan kasi may background na ako, salamat sa ICT classes namin noong college. Honestly, I'm starting to love my job. Noon pa man ay gusto ko na talagang maging secretary.
It was six PM and I was standing outside the building of our office, waiting for a cab. Biglang may humintong isang black sedan sa aking harapan. When its windows went down, I came eye to eye with Sir David's familiar brown eyes.
Nawindang ako ng ngitian niya ako. Its a first time! May mas iga-gwapo pa pala siya! "Saan ka ba nakatira, Charity? Ihahatid na kita," aniya.
"Naku, huwag na ho, sir!" mabilis kong tanggi. "Hindi pa po kasi ako uuwi eh. May dadaanan pa ako."
Mabuti nalang at may nakita akong isang bakanteng taxi sa likod. Mabilis ko iyong pinara. "Excuse me po, sir." At dali-dali akong sumakay doon.
Naku, nakakahiya kasi tinanggihan ko yong boss ko! Pero mas nakakahiya kung sumakay ako sa kotse niya at nagpahatid sa kanya.
"Manong, diyan lang po sa kanto." Bumaba ako sa pamilyar na apartment. Yes, this is Chester and Shaun's apartment. Dayoff kasi ni Shaun ngayon at naisip kong sorpresahin siya.
Kumatok ako sa Unit 404. Isang pawisang Shaun Ysmael ang nagbukas sakin ng pinto.
"Cha!" Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ako. He was obviously surprised. "Pasok ka!"
Pinaupo niya ako sa isang monobloc chair. Maliit lamang ang espasyo ng kanilang apartment. May isang double-deck, isang round table, dalawang monobloc chairs, mayroon din silang tig isang study table ni Chester malapit sa higaan nila, at isang built-in cabinet. Isang butane stove ang kanilang lutuan at mayroon din silang rice cooker. Kumpleto sila sa kitchen utensils at may maliit na lababo. Their unit looks very clean, hindi mo aakalaing mga lalaki ang nakatira dito.
"Bakit ka nandito?" tanong niya sakin ng umupo siya sa aking tabi. He kept enough distance, siguro nahihiya dahil pawisan siya.
"Binibisita lang kita. Bakit masama ba?"
"Hindi naman, nagulat lang ako kasi hindi ka nagpasabi," aniya habang nagpupunas ng kanyang pawis. "Pawisan ako kasi katatapos ko lang maglinis dito sa unit namin. Nagpapirma kasi ako ng clearance sa university kaninang umaga."
"Kailan nga ba ang enrollment niyo?" tanong ko sa kanya.
"Next week pa. Mabuti na lamang at natapos ko ang clearance ngayong araw para sa enrollment nalang ako aabsent," sagot niya. "Ikaw, kumusta sa trabaho mo?"
"Okay naman, nag-eenjoy ako. Alam mo namang dream job ko to."
"Sandali lang, Cha. Maliligo lang ako," paalam niya sakin bago kumuha ng tuwalya at pumasok sa maliit nilang CR. While Shaun was taking a bath, I entertained myself by playing a Tong-its game in my phone.
BINABASA MO ANG
Bawal na Pag-ibig (SPG) COMPLETED
Storie d'amoreThe story of how young Charity dela Vega-Cruz fell inlove with her uncle, Shaun Ysmael dela Vega. WARNING❗: THIS STORY CONTAINS MATURE SCENES. Disclaimer: This is written in Taglish, or a mix of Tagalog and English. This is raw and unedited, so expe...