46 - Wedding day

3.7K 63 0
                                    

Chapter Forty-six

Charity

Alas 10 ng umaga na kami nagising ni Shaun.. that was just about 4 hours of sleep! Kaya naman kahit bangag pa ay nagmamadali kaming naghanda para sa kasal ni Zari.

After munching an egg sandwich and a cup of coffee for breakfast, we immdeiately drove to the hotel kung saan kami nanggaling kagabi. Doon din kasi aayusan lahat ng mga kasali sa entourage.

"Ui, ayusin mong lakad mo mamaya ah? Baka naman manginig-nginig pa ang mga tuhod mo niyan?!" I teased Shaun while he was driving. Anim na oras ba naman siyang napasabak kaninang madaling-araw.

"Kinukuwestiyon mo ba ang stamina ko? Baka ikaw ang pipilay-pilay diyan mamaya," he teased me back. Sinimangutan ko nga.

Nang makapag-park sa parking lot ng hotel ay dumukwang siya sakin upang halikan ako sa noo. "Love you, mahal ko!" Napangiti na ako sa kanya. Magkahawak-kamay kaming naglakad papasok ng hotel. Inihatid muna ako ni Shaun papunta sa dressing room ng mga girls, bago siya pumunta sa dressing room nila.

Light yellow na one-strapped flowy dress ang suot ng mga bridesmaids ni Zari. Lahat sila ay may yellow ribbonette sa buhok. Ang mga cute na flower girls naman ay naka-backless ball gown na dark yellow ang kulay. Their hair is accented with a beautiful flower crown.

My gown was different from the rest of the entourage because I was the maid of honor. It was an off-shoulder with side slit gown in the shade of cyan. My long hair was done into a braid and was accented with cute white flowers all over. Pagkatapos kaming ayusan ay sabay-sabay na kaming sumakay sa service na van papunta sa St. Pius Cathedral kung saan idadaos ang kasal.

My son Noah is Zari and Cholo's ringbearer. Nauna na sila ni Papa Mael dito kanina. Napakaguwapo ng anak ko sa suot nitong tux na may yellow tie. My fiancé is wearing the same dark blue tux like the rest of the entourage, but his undershirt was cyan and not white like the others. Napakaguwapo nitong bestman.

Finally, the bride has arrived. Medyo na-late kasi si Zariah, kaya naman ay kanina pa aligaga si Cholo. The groom is wearing a black tux with a white tie. Zariah's wedding gown is a simple corseted tube gown with intricate beads and sequins accent. She has a tiara that holds the veil in her head. The aisle where she walked is decorated with an arch of beautiful yellow flowers. Zariah and Cholo's wedding si very simple, yet solemn. 100 guests lamang ang inimbitahan nila dito, only their immediate family and friends. Hindi na nga naimbitahan ang business partners ng mga Ferrer.

Honestly, I was expecting to see Kuya David and my biological father here. Oo, inaamin ko na medyo maiilang parin ako. Pero kailangan kong sanayin ang sarili ko because I want to involve them in my wedding. Actually, it was Shaun's idea. Tama naman kasi siya.. kahit anong mangyari, Engr. Rafael Khan would always be a part of my existence.

"Congrats, bessy!" I greeted Zariah noong nandun na kami sa reception.

"Thank you, bestfriend!" Kaya lang ay ang epal nitong asawa ang sumagot.

I just rolled my eyes at Pocholo. "Alagaan mong mabuti ang bessy ko ha? Wag na wag mong sasaktan yan, kundi i-uunfriend talaga kita!"

"Luh, sino kayang may history ng pananakit?" aniyang tila may pinatatamaan. Sakto namang dumating si Shaun at inakbayan ako. "Speaking of the devil.." Sinamaan ko nga ng tingin tong hilaw kong bestfriend.

"Oh, ikaw, bessy.. kailan ka magbibigay ng wedding invitation mo sakin?" Zariah asked me.

"Walang imbi-imbitasyon, pumunta nalang kayo," I joked.

"Mahal, naman!" protesta ni Shaun. "Dapat mas maganda pa kaysa sa kasal ni Cholo ang kasal natin! Minsan lang mangyayari yon sa buhay ko."

"Hay, naku! Parang ikaw pa ang babae sa inyong dalawa ah?" napailing nalang si Zari sa fiancé kong maarte.

"But I bet, babe, walang bridal shower na magaganap sa kasal ng mga ito," nakangising ani Cholo.

Napasimangot si Shaun. "Mismo! Na-trauma na ako noh! Saka hindi ko rin iimbitahan ang David na yon."

Napahagalpak kami ng tawa. "Loko loko! Eh bayaw mo yon!" natatawang sabi ni Cholo. Kaninang umaga kasi ay nagpadala ng isang video message si kuya, congratulating the newlyweds. He also asked us if we enjoyed his gift. Masama ang tingin ni Shaun sa screen ng laptop ni Cholo, na tila gusto niya itong ibalibag.

Nagsimula na ang ceremonial first meal together as husband and wife nina Zari at Cholo. The emcee of the reception was Brianna. Napakaganda ng wedding cake nila. It was a 5-tier chocomoist cake covered in white chocolate frosting and accented with different yellow flowers. Sa itaas ng cake ay mayroong isang figurine na caricature ni Zari. Sosyal, kamukhang-kamukha! Kaso, nasaan si Cholo? Ba't siya lang?

Pagtingin ko sa first tier ng cake ay nandun ang figurine ni Cholo! Pilit itong umaakyat at nakaangat pa ang isang kamay sa figurine ni Zari na nasa itaas na at nakapamaywang na nakatanghod sa kanya sa ibaba. Grabe ang tawanan ng mga bisita sa very artistic na pagkakagawa ng cake nila.

The foods were all great. Shaun even asked Cholo about the contact number of the caterer. Kaso hindi ako pinainom ng alak ngayon ni Shaun. Baka daw kasi matunaw yong ipinunla niya sakin kagabi, sayang naman yong pagod niya sa magdamag. Loko loko talaga!

After the reception ay nagpaalam na ang bagong kasal. They headed to the hotel's helipad on the top floor, doon ay naghihintay sa kanila ang private chopper ng mga Ferrer. Dadalhin sila nito sa Greece kung saan gaganapin ang kanilang honeymoon. Fascinated kasi si Zari sa Greek mythology at gusto daw nitong makakita ng Greecian temples sa personal. Baka ang baby na mabuo nila, disyerto ang ipangalan.

Pagkaalis nina Zari at Cholo sa reception ay nagpaalam na din kami ni Shaun. Kasama naming umuwi sina Papa Mael at Noah. Shaun's father became our son's babysitter dahil hindi pa nakakauwi si Mama mula sa bakasyon. Pero okay lang naman daw dito, gusto nitong bumawi dahil hindi nito naalagaan si Shaun noong bata pa.

Pagdating sa mansiyon ay pinagpahinga na kami ni Papa. Noah just kissed our cheeks, and he happily went to his grandfather. Dumiretso na kami ni Shaun sa kwarto upang magbihis. I simply took off my gown and layed on the bed with only my undies on. I just covered my body with the comforter. Ganun din ang ginawa ni Shaun kaya maya-maya pa ay tumabi na siya sakin at nakisukob sa kumot. Pinaunan niya sakin ang kanyang isang balikat, while possessively hugging my waist with his other arm. Nakatulog kami sa ganung posisyon. We really need a long sleep!

~~~

Wag kalimutang mag-vote. Salamat! ❤

Bawal na Pag-ibig (SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon