31 - Five years

3.7K 44 0
                                    

Chapter Thirty-one

Five years later..

Charity

"Ma, papasok na po ako!" nagmamadaling paalam ko kay Mama.

"Hindi ka ba mag-aalmusal muna, anak?" tanong nito.

"Hindi na po, sa office nalang," sagot ko. Lumabas na ako sa parking lot ng bahay na nabili ko dito sa Villa Portia, ang high-class subdivision na pag-aari ni David. Itinapat ko ang automatic key sa kotseng gagamitin ko ngayon upang bumukas iyon.

Mang Lito, our security guard, immediately opened the gate for me. David was suggesting a high tech automatic security system upgrade for my house, but I refused it. Ibig-sabihin kasi noon ay mawawalan ng trabaho si Mang Lito. Kapag mawalan siya ng trabaho ay wala nang ibang tatanggap sa kanya dahil may edad na siya. As much as possible, gusto kong makatulong sa mga maliliit na trabahador na katulad niya.

Today is Monday at sinadya kong maagang pumasok ngayon upang hindi ako maabutan ng traffic. Nagbunga ang tatlong taon kong pagiging secretary ni David. Nakabili ako ng malaki-laking bahay sa Villa Portia, at ng dalawang brand-new na kotse. Napahinto ko na din si Mama sa pagtatrabaho. Siya na ang full-time na nangangasiwa sa bahay namin, kasama ang dalawang kasambahay.

All of the employees are greeting me the moment I entered the building of Ferrer Construction. Nag-improve na din ang opisinang ito at napalaki ni David.

"Good morning, Miss Cha!" bati sakin ng bagong secretary ni David ng mapadaan ako sa office nito. Siya ang pumalit sakin. Magaling din ang bagong secretary na to, pero wala daw makakapantay sakin.. sabi ng bolerong lalaking yon.

I smiled at her. "Good morning, Michelle! Wala pa ba ang boss mo?" tanong ko sa kanya.

"Wala pa po eh," she replied. "Naipit daw siya sa traffic."

Napailing ako. "Ang lalaking yon talaga, late na naman sigurong nagising. Alam niyang Monday ngayon. Sige, pakisabi nalang sa kanyang puntahan ako sa office ko kapag dumating siya."

Nang tumango si Michelle ay tumalikod na ako at naglakad papunta sa office ko. Yes, I already have my own office here in this company. After being the CEO's secretary for 3 years, I was promoted to be the HR officer last year. At ngayong taon lang, muli akong na-promote bilang VP for External Affairs.

"Good morning, ma'am!" I was greeted by my secretary, Chloe Pimentel. Siya yong magandang babaeng nakita ko noon sa apartment nina Shaun, noong araw na nakipaghiwalay ito sakin. She is Chester's ex-girlfriend.

Naikwento na niya sakin noon na hindi sila kailanman nagkaroon ng relasyon ni Shaun. Pinapunta lang daw siya ni Chester sa apartment nila ng araw na yon. She was clueless about Shaun's plan to break up with me during that time. Wala naman daw naikwento si Chester sa kanya. Wala din daw siyang nabalitaang ibang babaeng na-link kay Shaun mula ng magkahiwalay kami. Kaya kung hindi ibang babae.. ano kaya ang dahilan ni Shaun sa pakikipaghiwalay sakin noon?

Noong pinakahuling beses na may nangyari sa amin ay ramdam kong nangungulila siya sakin at mahal niya parin ako.. pero hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataong makapagsalita. I choosed to save what's left on me.. my pride. Tinalikuran ko si Shaun at sinabihang lubayan niya na ako, kahit na mahal na mahal ko parin siya. That was the last time that I saw him. Kumusta na kaya siya ngayon?

"Good morning, babe!" isang baritonong boses ang nagpatigil sa aking pagmumuni-muni. Standing in the door of my office is Engr. David Ferrer-Khan, one of the youngest billionaire engineers in the Philippines.

I glared at him. "Babe mong mukha mo!" singhal ko sa kanya.

"Oh, ba't highblood na naman ang sweetie pie ko?! Ang aga-aga?" lambing niya sakin matapos akong tabihan ng upo sa sofa ng office ko.

"Tigilan mo nga ako sa mga corny na endearments na yan, David!" naiimbyerna kong saway sa kanya. Naiinggit daw kasi siya sa endearment ng mag-fiancé na sina Cholo at Zari. Yes, going strong ang relationship ng mga bestfriend kong yon. At oo din, tanggap ko nang bestfriends kami ni Cholo. Nagsawa na din kasi ako sa ilang taon niyang pamimilit sakin.

"Asus, anong gusto mo? Mahal?" he teased me at sinubukan akong akbayan. I slapped his arm. "Aray ha! Ang sakit mong magmahal, Charity!"

"Kailan ka ba titino, David?!"

He raised his both hands in surrender. "By the way, you will go to a party in behalf of me," seryoso niyang saad habang iwinawagayway ang isang dark blue na invitation card sa harapan ko.

Kinuha ko iyon mula sa kanya. "60th birthday ni Ysmael Aldeguer?" nakunot ang aking noo habang binabasa ang nakasulat doon. "At bakit pinadalhan ka ng invitation ng closest rival mo?"

He shrugged. "I dunno, maybe to show off. I-aannounce din daw sa party na yan ang formal retirement ni Engr. Aldeguer."

"Which means, may papalit na sa kanya bilang CEO ng Aldeguer Builders?"

"Precisely!"

"Pero diba walang anak si Engr. Aldeguer?" nagtataka kong tanong. "Who could his successor be?"

"Well, five years ago ay nahanap na daw ni Engr. Aldeguer ang kanyang nawawalang anak. Pero inilihim niya iyon sa lahat. Ngayon lamang lumabas ang balitang ito," pagkukuwento ni David. "Hanggang ngayon ay wala paring nakakakilala sa anak ni Engr. Aldeguer. There's a huge possibility that he would formally introduce him to the public in that party."

"So I really need to be there?" nakataas ang kilay kong tanong.

Humalukipkip siya at seryoso akong tinitigan. "Like what I'm always telling you.."

"..you must know your competitors," dugtong ko sa kanyang sasabihin sana. I rolled my eyes. "All right, I'll be there."

"I already called Zariah to make a gown for you," ani David. My bestfriend Zariah pursued her long-time dream, which is to become a fashion designer. She is now well-known here in the Philippines. Three years ago ay nagtayo siya ng kanyang sariling clothing line, ang Z Garments, of course with the help of her ever supportive fiancé.

Speaking of Zariah, heto na nga at tumatawag na siya ngayon.

"Bes!" ang kanyang matinis na boses ang bumungad sakin pagkapindot ko palang ng answer button. "Pupunta ka ba dito o ako na ang pupunta sayo?"

"Ako nalang ang pupunta diyan," sagot ko sa kanya. "I know you're busy with the wedding preparations, thank you for still accommodating me even if its a rush order."

"Ano ka ba, bes?! Para ka namang others diyan! Siyempre malakas ka sakin!" ani Zari.

"Asus, ang sabihin mo, nasuhulan ka ng boyfriend ni Cha," singit ng isa pang makulit na boses sa usapan namin, walang iba kundi ang bago kong bestfriend na si Cholo.

Napasimangot ako. "How could he possibly do that when we already broke up five years ago?" pagmamaang-maangan ko kahit na alam ko kung sino ang kanyang tinutukoy. I felt the man beside me tensed.

Natawa si Cholo. "Absent ata ang sense of humor mo ngayon, bestfriend? What I mean is, acting boyfriend."

"Hoy, taksil kong pinsan! Itinatakwil na kita!" hindi na nakatiis si Davis at napasingit na din sa usapan namin. Kaya ang ending ay silang dalawa ang nagbangayan sa phone.

I cancelled all of my appointments for this morning, at ipinasa ko iyon kay David. Kaya wala siyang nagawa kahit na gusto niya akong samahan sa Z Garments.

~~~

If you want more updates, please don't forget to click the ⭐ below to let me know. Thank you! ❤

Bawal na Pag-ibig (SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon