21 - Secretary

5.8K 39 0
                                    

Chapter Twenty-one

Natapos ko ang one week na training ko sa previous secretary ni Sir David na si Ate Lauren. Sabi nito ay ready na daw akong pumalit dito. So this week ay hindi na ito papasok. I am officially Mr. David Ferrer's new secretary.

"Kumusta naman ang trabaho mo, anak?" tanong sakin ni mama habang sabay kaming kumakain ng breakfast. This is the first time that she asked me about my job.

"Okay naman po, ma. Nag-eenjoy ako kasi dream job ko to," naiilang kong sagot sa kanya.

First time din akong pinansin ni mama magmula ng umuwi ako ng hatinggabi na.. galing sa apartment ni Shaun. Hindi siya nagsalita pero alam kong may ideya siya kung saan ako nanggaling at kung sino ang kasama ko. Natagalan akong makauwi kasi pinatuyo ko pa ang buhok ko dahil baka magtaka si mama kung umuwi akong basa ang buhok.

Sinabihan niya lamang ako na sa susunod ay magtext kung gabi na ako makakauwi para alam niya. Pagkatapos ay inutusan akong i-lock ang pinto bago siya umakyat papunta sa kanyang silid. Since then ay hindi na ako kinausap pa ni mama. Not until today..

"May pera ka pa ba?" muli niyang tanong sakin.

Mabilis akong tumango. "Opo, ma. Sakto pa ang pamasahe at pangkain ko, malapit na din naman ang sahod ko."

Napatango siya. "Ipunin mo ang sahod mo. Wag ka nang magbigay sakin at ako na ang bahala sa lahat ng gastusin dito sa bahay."

Hindi na ako tumugon. Lihim akong nakahinga. Nag-aalala kasi ako kung paano ko iba-budget ang sasahurin ko kasi plano kong bayaran ang tuition ni Shaun ngayong semester.

"Ah, ma, may OT po pala ako mamaya. Baka hatinggabi na ako makauwi. Nagtext sakin kagabi si Sir David," pagpapaalam ko sa kanya.

Napatigil siya at sumulyap muna sakin bago dahan-dahang tumango. "Mabait ba yang boss mo?"

"Oo naman po. Strikto lang yon pagdating sa trabaho. Pero kapag tapos na ang trabaho ay okay naman siya."

After eating our breakfast, si mama na ang nagprisintang maghugas ng mga pinagkainan namin. May oras pa naman daw bago ang pasok niya. Pinapunta niya na ako sa aking silid upang makapagbihis dahil first day ko daw bilang official new secretary ng CEO ng Ferrer Construction.

Ang napili kong outfit ngayong araw ay isang baby pink sleeveless turtleneck jumpsuit. Tinernuhan ko ito ng isang dark pink plain blazer at isang dark pink din na wedge. My accessories was just a gold necklace with a cross pendant and a matching bracelet. Regalo sakin to ni mama noong debut ko. Plinantsa ko lang ang buhok ko at hinayaang nakalugay. I simply put a pearl-embedded pin and I'm off to go.

The moment I stepped inside the building of Ferrer Construction, all of the eyes of my co-workers were on me. Bakit, nakapagtataka bang naka-all pink ako? Nagulat siguro sila kasi noong nakaraang linggo ay puro dark colors ang outfit ko. Ipinadala ko palang kasi sa laundry shop yong mga damit ko at sa kasamaang palad ay ganitong mga kulay na lamang ang natira sa aking closet. Hindi ko nalang pinansin ang mga matang nakasunod sakin at pumasok na ako sa elevator.

Pagdating ko sa Office of the CEO ay wala pa si sir. Buti nalang! I deposited my bag in my desk, then I went to plug in the water dispenser. Baka kasi magpatimpla ng kape si sir mamaya. Ayaw daw nun ng brewed coffee sabi ni Ate Lauren. Isinaksak ko na din yong desktop computer at printer ko.

Eksaktong nagbubukas ako ng blinds ng biglang bumukas ang pinto. "Good mor--" Sir David's voice was cut off when he saw me. Nanlaki ang kanyang mga mata. "Ikaw ba yan, Charity?"

Napangiti nalang ako sa kanyang reaksyon. "Opo, sir. Walang maisuot na iba eh."

He shaked his head. "That's not what I mean. Nabigla lang ako sa kulay. Pero bagay sayo. You look fashionable today.. but you're gorgeous everyday."

Bawal na Pag-ibig (SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon