27 - Accident

3.4K 40 2
                                    

Chapter Twenty-seven

David

Mabilis na lumipas ang mga araw. Ngayon ang huling araw ng convention namin. Hindi muna kami uuwi ni Cha bukas, nagkasundo kaming mananatili pa dito sa Hongkong ng isang araw upang mamasyal at mamili na rin ng mga pasalubong.

I realized Charity was the best secretary I've got. Hindi naman sa biased ako dahil crush ko siya. But truthfully speaking, she is a very efficient secretary. Napatunayan ko yon dito sa conference. She is very competitive. Palaging nananalo ang team namin sa mga tasks na ipinapagawa sa mga workshop. She is a bright and optimistic woman. She is indeed a cum laude. Mas lalo lamang nadagdagan ang paghanga ko sa kanya.

After the buffet dinner at the banquet hall, niyaya ko si Cha na maglakad-lakad sa labas ng hotel. The hotel was located inside a resort so there is a beach outside. Total ay tapos na naman ang conference kay inumpisahan na namin ang pamamasyal.

Charity saw a group trying to ride a banana boat pero kulang sila ng member. Hinawakan niya ako sa kamay at mabilis na hinila papunta doon. Hindi pa ako nakakabawi sa paghawak niya sa aking kamay ay naramdaman ko naman ang pagyakap sa akin ni Cha mula sa likod ng makasakay na kami sa banana boat.

My body stiffened. Aatakehin ako sa babaeng to! "Relax, boss. Hindi kita chinachansingan ah. Kailangan ko lang talagang humawak sayo kasi baka malaglag ako," she whispered in my ears.

Nakiliti ako dahil sa pagtama ng kanyang mainit na hininga sa aking tainga pero hindi ako nagpahalata. "Sus, kunwari ka pa! Ang sabihin mo, sinadya mo talagang sumakay tayo dito para mayakap mo ko!" I teased her.

Napaaray ako ng paluin ako sa braso. Sadista! "Joke lang, Cha! Sige lang, yakapin mo lang ako hangga't gusto mo. Hindi ako papalag, promise!"

This time ay kurot naman sa tagiliran ang inabot ko. Hindi na ako nagsalita pa at baka sa paghinto nitong banana boat ay bugbog-sarado na ako. Ninamnam ko nalang ang sarap na dulot ng yakap niya sa akin.

After the banana boat ride ay gusto namang i-try ni Cha ang dragon boat. I just realized that she's into extreme sports. She loves challenges. Another trivia for me!

Pagod na pagod kami pareho ng lumubog ang araw. Nagpasya si Cha na bukas nalang i-try yong iba pang water activities tutal ay may isang araw pa kami. Naupo kami sa isang bench at pinanood ang sunset habang kumakain ng dirty ice-cream na nabili niya kay manong kanina. Charity was indeed a cowgirl. Isa siya sa mga babaeng nakilala ko na walang kaarte-arte sa katawan. She reminds me so much of my mother, which made me fall for her even deeper.

I find this scene very romantic. Kasama ko ang babaeng mahal ko na nanonood ng sunset. Kaya may isang tao akong palihim na kinuntsaba upang kunan kami ni Cha ng picture sa phone ko. I want to have a remembrance of this day na kasama ko siya.

After watching the sunset ay naglakad na kami pabalik sa hotel. On our way ay may natanaw si Cha na isang beer house. "Dave, punta tayo dun mamaya!" aya niya sakin.

Dahil sa pagkagulat ko sa pagtawag niya sakin sa aking palayaw, wala akong ibang nagawa kundi ang tumango na lamang sa kanya. She happily walked into her room to take a bath and change her clothes. Napailing na lamang ako sa aking sarili. You're totally whipped, Dave!

Napakurap-kurap ako ng makita si Cha pagkatapos naming magbihis. She is wearing a challis off-shoulder croptop and an above-the-knee maong skirt. To complete her cool get-up is a black leather boots. She looks like a rockstar!

"Hindi ba masyadong maiksi yang suot mo, Cha?" tanong ko sa kanya ng makabawi sa pagkagulat.

She rolled her eyes at me. "Malamang po, kuya, sa bar kasi tayo pupunta. Alangan namang yong office attire ko ang isuot ko, di pinagtawanan ako dun! Wag ka ng kumontra, kasama naman kita."

Nawala ang pag-aalala ko ng makita ang loob ng bar. It looks decent. Iginiya ko si Cha papunta sa isang private room. Mahirap na baka may manyakis dito, mapaaway pa ako. Ang sexy pa naman ng secretary ko ngayon.

"Kuya, may videoke po ba ang private room ninyo?" tanong ni Cha sa bouncer na gumiya sa amin papunta doon.

"Yes, ma'am," sagot nito. "Teka lang po at aayusin ko."

Nang makaalis yong bouncer ay mabilis na hinagilap ni Charity yong songbook upang maghanap ng kanta. Ako naman ay tumawag sa intercom upang umorder ng inumin.

Panay mga rock songs ang unang kinanta ni Cha. She has a nice voice. Ang pinakauna niyang kinanta ay 'Sweet Child of Mine' by Guns n Roses. Gayang-gaya niya yong hoarse na boses ng original singer. Bagay din yong kanta sa outfit niya ngayon kaya aliw na aliw akong panoorin siya. I even took a video of her secretly.

Beer lang ang inorder kong inumin saka pulutang mani. Ayokong magpakalasing. Pero si Cha ay may balak atang magpakalasing dahil sunod-sunod ang inom niya at panay patagay sa kanyang baso. Nagagalit naman kapag hindi ko binibigyan, kaya hinayaan ko nalang.

Maya-maya pa ay mga love songs na ang kinakanta ni Cha. She sang 'All or Nothing' by O-Town. To my shock ay bigla siyang humagulhol habang kumakanta. Mabuti nalang at soundproof ang private room kaya ako lang ang nakakarinig sa kanya. After singing the song ay nilaklak niya yong isang mug na beer. Pagkatapos ay muli siyang kumanta. This time ay 'Kabet' naman by Gloc-9. Parang baliw na tumatawa pagkatapos ay biglang iiyak si Charity.

I can feel her pain, pero wala akong ibang magawa kundi ang pakinggan siya at samahang uminom. "Order ka pa ng beer, boss," utos niya sakin ng makitang ubos na ang inumin namin. "Kaltas mo nalang sa sweldo ko."

I shaked my head. "Lasing ka na, Cha."

"Shinong lashing?! Hindi pa akho lashing! Bakha ikhaw!" aniyang nahihilo na ata dahil napayukyok na sa mesa.

Hinawakan ko siya sa balikat. "Cha, halika na. Balik na tayo sa hotel. Diba mag sscuba diving at snorkelling pa tayo bukas?"

"Shaun.." Napaigting ang aking panga ng marinig ang pangalang iyon. "Gusto kong makita si Shaun," aniya habang nakayukyok parin sa mesa.

I looked at her frustratedly. "Wala na si Shaun. Hiwalay na kayo, Cha. Kalimutan mo na siya!" Alam kong lasing siya at hindi ko dapat patulan, pero hindi ko mapigilan eh.

Napahikbi siya. "Hindi ko kaya! Mahal na mahal ko si Shaun. Hindi ko kayang mabuhay ng wala siya!"

Her words broke my heart. Napakasakit marinig mismo sa bibig ng babaeng mahal mo na may mahal siyang iba. "Subukan mo, Cha. Hindi lang naman siya ang lalaki dito sa mundo eh. Wag mo nang ipilit ang sarili mo sa kanya, kasi mas nasasaktan ako pag nasasaktan ka ng dahil sa kanya. Nandito naman ako, Cha. Handa akong mahalun ka ng higit pa sa pagmamahal niya sayo."

Hindi na sumagot si Cha, nakatulog na pala. Maingat ko siyang inangat mula sa pagkakayuko sa mesa. Pero bigla siyang yumakap sa aking leeg at siniil ako ng mapusok na halik sa mga labi!

I was caught off guard. She expertly kissed me and probed her sweet tongue inside my mouth. Dahil na rin sa espiritu ng alak, hindi na ako nakapagpigil at gumanti ng halik sa kanya. I kissed her back with all my emotions.

"Shaun.."

Napahinto ako sa paghalik kay Cha ng marinig ang pangalang ibinulong nito. Napakatanga ko! Kinarga ko na lamang siya upang dalhin pabalik sa kanyang hotel room.

Sana ay hindi maalala bukas ni Cha ang nangyaring ito. It was an accident! For God's sake! Why did I kissed her back?! Baka mailang sakin si Cha.

~~~

Ohh..eem..gee 😱

Please comment down your reactions 😁

And don't forget to click the ⭐ below. Thanks! ❤

Bawal na Pag-ibig (SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon