14 - Plan

6.9K 38 0
                                    

A/N: Isingit natin ang Pocholo-Zariah lovestory

Chapter Fourteen

Pocholo

"ANO?!"

Napatingin sakin lahat ng mga tao sa canteen dahil sa lakas ng boses ko. Paano ba kasi, nakakagulat 'yong suggestion sakin ni Charity. May saltik ata ang babaeng to eh!

"You heard it right, Cholo-babe," she said, teasing me with that cringy endearment. Hindi ko alam kung may lihim na pagtingin sakin ang babaeng to!

"Ooppss, may boyfriend na ako 'tol! Kaya nope.. wala akong gusto sayo," aniya pa. Mas lalo akong na-weirduhan sa kanya. Mind-reader din siya!

"Why are you so weird?" I can't help but blurt it out. "You call me tol, even if we're not siblings. You call me babe, even if we're not in a relationship. Then, you are suggesting absurd ideas to me!"

Napailing siya habang nakatingin sakin. "Tsk tsk tsk! Now I know kung bakit ayaw kang sagutin ni Zariah.. ang talino mong tao pero dense ka!"

I stared at her with wide eyes. Hindi ako makapaniwalang pinipintasan ako ng babaeng ito! "Bakit mo naman nasabi yan, aber?!"

"Well.." she crossed her arms while looking at me seriously. Baliw talaga at ang babaeng to! Kanina lang niyuyurakan ang pagkatao ko, ngayon naman ay seryosong-seryoso.

"Based on my observation, Zariah really likes you. But I think, one thing is just hindering her from falling for you. I don't know what that thing is." I tried listening to her. Kahit naman pala may pagka-weird, sometimes she makes sense.

"At ano naman ang maitutulong ng suggestion mo sakin kanina?"

"Simple.. Kapag nagpanggap kang nililigawan mo ko, Zari will be jealous. Kung talagang gusto ka niya.." Ang ganda na sa pandinig ng sinabi niya, dinagdagan pa eh!

"How sure are you that it would be effective?" I asked her with my brows up. I am still hesitant with her suggestion. Baka lalong lumayo lang sakin si Zariah.

"Don't you trust me? Sa ating dalawa, ako ang may lovelife. So I know better. Effective sa amin ng jowa ko ang strategy na yan."

"I can't guarantee you that it would be a hundred percent effective because we are different people," dagdag niya pa ng hindi ako umimik. "But life is a gamble.. pag hindi ka sumugal, hindi mo makikita ang resulta."

That last sentence convinced me. Bahala na si Batman. Para kay Zari to..

Charity

Kinabukasan..

Nag-umpisa na ang palabas namin ni Cholo. Magkasabay kaming pumasok ng university. Pero siyempre, hindi ako nagpasundo sa bahay namin at baka magwala si Shaun.

He gave me a bouquet of sunflowers. Actually, para kay Zariah talaga to because this is her favorite flowers.

Pagdating sa classroom namin, sakto nandun na si Zari. Napatingin ito sa amin. I swear I saw her brows up a bit when she saw who was with me.

"Nakita mo yon? Mukhang effective tong plano ko ah! This is exciting!" bulong ko kay Cholo.

"Siguraduhin mo lang, baka mas lalong hindi ako pansinin ni Zari dahil dito sa plano mo," ganting-bulong ni Cholo.

"Sige na, salamat sa paghatid saka salamat din dito sa flowers," I said in a louder voice, sinadya ko talagang marining nilang lahat.. lalong-lalo na ng bestfriend kong pakipot.

I heard gasps from my classmates. Parang mga bubuyog din silang nagbulungan. Ang iba ay kinikilig, ang iba naman ay naiinggit.

Cholo smiled sweetly at me. Bilib din ako sa galing umarte nitong kumag na to eh. "Sige, Cha. Sabay tayong mag-lunch mamaya ah?"

"Sure," I said then winked at him. Naglakad na ako papasok ng aming room pagkaalis niya.

Sinalubong ako ng tudyo at pang-aalaska ng aking mga kaklase. "Uyyy, dalaga na si Cha! May manliligaw na sa wakas!" anang classmate kong si Michelle.

"Ang swerte mo naman, Cha! Isang Pocholo Ferrer ang nanliligaw sayo!" kinikilig namang turan ni Julie.

Tiningnan ko si Zariah. Seryoso lang siyang nagbabasa ng kanyang libro, pero alam kong nakikinig ang tainga niyan sa mga chismis sa paligid niya. Kilalang-kilala ko na yan eh.

"Morning, bes!" I happily greeted her.

She just nodded without looking at me. Hmmm.. confirmed! I can smell jealousy in the air!

"Siya ba yong secret boyfriend mo? Bakit di mo pinakilala sakin?" pabulong na tanong sakin ni Zari, nakatingin pa rin sa kanyang libro.

"Hindi noh!" tanggi ko.

This time ay napatingin na siya sakin. "What do you mean, 'hindi'?"

I shrugged. "He's just courting me."

"At pumayag ka kahit na may boyfriend ka na?!" aniyang may bahid ng inis sa boses. Lihim akong napangiti.

"Eh sa naaawa akong bastedin.."

"Or you just enjoy their attention? Kagaya ni kuya na matagal mo munang pinaasa bago mo binasted," sumbat niya sakin.

"Hoy, Zariah! Maghinay-hinay ka sa pananalita mo!" nainis na rin ako sa kanya. "Of all people, ikaw ang mas nakakaalam na hinding-hindi ko pinaasa si Zion. Hindi ko rin pinapaasa si Cholo, I told him frankly that I have a boyfriend already."

Hindi na siya umimik. I know she realized something. Hindi na rin ako nagsalita pa.

Magkasabay nga kaming nag-lunch ni Cholo. First time na hindi sumabay sakin si Zari. May lunch date daw sila ni Ate Bry. If I know, siya ang nag-aya dito. Ang hindi niya alam, natimbrehan ko na si Ate Bry because I know Zariah would talk to her.

"Ba't hindi mo kasabay si Zari?" may disappointment sa boses ni Cholo ng makita akong nag-iisang lumapit sa kanya.

"May lunch date daw sila nung jowa ng kuya niya," sagot ko. "Don't worry, tol, everything is going according to plan."

"Akala ko pa naman, sasama sayo ngayon si Zari para paalalahanan ako sa panliligaw ko kuno sayo. Wala ba siyang pakialam sa bestfriend niya?" disappointed paring ani Cholo.

I smiled at him. "Tama ka, wala siyang pakialam sakin. Kasi mas may pakialam siya sayo!"

Kumunot ang kanyang noo. "What do you mean?"

"Nag-aalala siya na baka pinapaasa lang daw kita. Bakit daw hindi pa kita binasted, eh may boyfriend na ako. Nagkasagutan nga kami kanina kasi nag-eenjoy daw ako sa attention mo," pagkukwento ko.

"Kaya hindi sumabay saking mag-lunch yon ngayon kasi nagtatampo.. saka like what I said, nagseselos," I added. "Sige na, bumili ka na ng pagkain natin. Ilibre mo ko. Kasalanan mo pag sinabunutan ako ni Zariah mamaya."

Tila maamong tupa namang sinunod ni Cholo ang aking utos. Napailing nalang ako, patay na patay talaga kay Zariah. Sana magka-girlfriend na to bago kami gumradweyt para mabawasan ang pagka-dense.

"Siguradong kakalat ang chismis na nililigawan kita, hindi ba kayo magkakasira ng boyfriend mo?" nag-aalalang tanong ni Cholo habang kumakain kami.

"Ako na ang bahala dun." Pero ang totoo, kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Shaun.

"Sino ba yang boyfriend mo? Taga dito ba yan?" curious niyang tanong.

"Taga ibang university.. wag ka ng chismoso at hindi ko sasabihin sayo. Si Zari nga hindi alam."

"Siguro panget yang jowa mo kasi hindi mo ipinapakilala," ani Cholo.

I smirked. "Mas gwapo pa yon kaysa sayo, tol! Ayoko lang na may makaalam ng tungkol sa relasyon namin kasi mas maraming makikialam."

He shrugged. "You have a point there."

~~~

Narrations lang muna. SPG would be on the next chapters.

Please don't forget to click the ⭐ icon below 👇. Thank you!

Bawal na Pag-ibig (SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon