30 - Aldeguer

3.9K 64 4
                                    

Chapter Thirty

"ANO?!"

Ganyan ang naging reaksyon ni Chester ng ikwento ko sa kanya ang nangyari kanina sa CR ng Ferrer Construction building.

"Pare, naman! Ba't mo ginalaw?! Hiwalay na kayo eh. Guguluhin mo na naman ang isipan ni Cha!" pangaral sakin ng bestfriend ko.

Inisang-lagok ko ang alak na nasa aking baso. Pagkauwi namin galing sa FC ay bumili ako ng hard na inumin sa nadaanan naming grocery store. "Ako nga ang naguguluhan ngayon eh."

"What do you mean?" nakahalukipkip niyang tanong.

"Naguguluhan ako kung tama ba tong naging desisyon ko? Kasi parang naka move-on na sakin si Cha eh. She said she only let me do that to her para daw lubayan ko na siya," pagkukuwento ko.

"In short, nakarma ka!" nakangising saad ni Chester. Masaya pa siya na nasasaktan ako. Tunay na kaibigan talaga!

"Pare, natatakot akong ma-inlove siya sa iba. Lalo na sa David na yon, kasi wala akong panama dun eh!" muli kong nilagok ang bagong tagay na alak. Tila naging manhid ang aking katawan dahil hindi ko maramdaman yong hapding dulot ng alak sa aking lalamunan.

Chester tapped my shoulder. "Basta pare, ang isipin mo nalang, para saan ba yang sakrispisyong ginagawa mo? Worth it ba ang magiging kalalabasan niyan sa sakit na idinulot sa inyong dalawa? Ikaw lamang ang tanging makapagsasabi kung dapat mo pa bang ipagpatuloy yan," seryoso niyang saad.

Napaisip ako. Hindi dapat ako na-iinsecure kay David Khan. Mayaman ang aking tunay na ama. Hindi na magtatagal at magiging engineer na rin ako kagaya niya. Ang tanging lamang ko lang sa kanya ngayon ay mahal ako ni Charity.. ngunit hanggang kailan? Paano kung mahulog si Cha sa kanya? Mababawi ko pa ba ang babaeng pinakamamahal ko ngunit nasaktan ko ng sobra?

Bago ako nakatulog dahil sa kalasingan ay nakabuo na ako ng isang pasya..

Nagising ako kinabukasan na parang binibiyak ang aking ulo dahil sa sobrang sakit. Damn, first time hangover!

Hindi na ako nakapasok pa sa FC. Nag-submit na lamang ako ng LOA. Pagkatapos ay naghanda na ako para sa susunod kong hakbang.. magpapakilala na ako kay Ysmael Aldeguer.

The next day..

Mabilis na naiproseso ang paglipat ko ng aking internship dito sa Aldeguer Builders dahil sa mga koneksyon ng aking ama.

Mabilis akong tinanggap ni Ysmael Aldeguer bilang kanyang anak. Kahit daw walang DNA test at wala yong kwintas na ibinigay niya kay Mama Priscilla bilang pruweba.. alam na alam niyang anak niya ako sa unang tingin pa lang. Bakit? Because I am the male version of my mother. Kamukhang-kamukha ko daw si Priscilla Reyes, the only woman he ever loved.

Napaiyak si Papa Mael at niyakap niya ako ng mahigpit ng magpakilala ako sa kanya. Humingi siya ng tawad sakin dahil sa mga nasayang na panahon. Kung naipaglaban lang daw niya ang aking ina noon, buo na sana ang aming pamilya ngayon. Kung hindi sana siya nagpakasal kay Almira ay hindi kami mawawala sa kanya. Hindi sana namatay ang aking ina, at hindi sana ako napunta sa ibang pamilya.

Pero sa totoo lang, wala akong pinagsisisihan sa lahat ng mga nangyari sa buhay ko. I was very thankful na napunta ako sa Pamilya dela Vega dahil nakilala ko si Cha. Nagpapasalamat akong na-inlove ako kay Charity dahil kahit papaano ay naranasan kong tunay na maging masaya.

Mabilis na na-iproseso ni Papa ang aking mga papeles. Kahit sobrang tagal na panahon na at patay na ang aking tunay na ina, because of his connections, he was able to give to me my real identity. Maluha-luha kaming pareho habang nakatingin sa aking pangalan na nakasulat sa bagong Certificate of Live Birth.. Shaun Ysmael Reyes Aldeguer.

Sobrang saya ni Papa dahil sa wakas daw ay mayroon na siyang tagapagmana sa kanyang mga naipundar na ari-arian. Hindi masasayang ang lahat ng kanyang mga pinaghirapan. Masaya naman ako dahil sa wakas ay hindi na kami legally related ni Cha, hindi na ako isang dela Vega.. at malaya na akong mahalin siya.

Gustong-gusto ko nang balikan si Charity ngayon at agawin siya mula kay David.. ngunit alam kong kailangan ko pang ayusin ang aking sarili. I also need to prove myself to my father that I am a worthy heir to all his assets. Kaya nagdesisyon akong hindi lang muna magpapakita kay Cha sa ngayon. I will make her my inspiration in making myself a better man.

I told my father everything that happened between me and Charity, kahit yong lihim naming mga pagtatalik habang wala si Ate Fatima. Pinangaralan niya ako na mali ang aking ginawa dahil kawalan iyon ng respeto sa pamilyang kumupkop sakin. I accepted all my mistakes.

"Like what Fatima said, you need to make things right, anak," Papa said to me. "But I'm proud of you because you had the courage to tell her the truth."

"I need to fix myself, Pa," determinado kong saad. "Gusto ko kapag muli akong magpakita kay Cha ay magiging karapat-dapat na ako sa pagmamahal niya.. hindi na isang duwag na nagawa siyang saktan at talikuran." Nalungkot ako sa huli kong sinabi. I know getting back Charity would not be easy, but I would do everything to make her fall inlove with me again.. because I love her so much and I can't see myself spending the rest of my life with anyone but only Charity dela Vega-Cruz. Mahal na mahal ko si Charity, at babawiin ko siya kay David Khan..

"Hindi isang kahinaan ang ginawa mo kung alam mong ginawa mo ito para sa ikabubuti ng lahat, Shaun. True love really requires sacrifices, kagaya ng ginawa ko noong pinakasalan ko si Almira, instead of your mother. Pero ang tanging pagkakamali ko lamang ay hindi ko kayo naipaglaban noong dumating ka na sa buhay namin. Nagtiwala ako kay Almira na susunod siya sa kasunduan namin at lulubayan na kayo kapalit ng paglayo ninyo sakin," puno ng kalungkutan ang mga mata ng aking ama. Mahal na mahal niya talaga ang aking ina, because I can see myself in him. "Patawarin mo ako, anak, kung hindi na kita hinanap. I should've digged deeper. Dapat nalaman ko na pinalabas lamang ni Priscilla na nakunan siya para hindi ka na hanapin ng mga tauhan ni Almira."

I tapped his shoulder. "Nagpapasalamat parin ako kasi hindi ako pinabayaan ng aking ina hanggang sa huli. She gave me to a wonderful family. Kung hindi ako napunta sa kanila ay hindi ko makilala si Cha, I would not be that happy."

Napangiti siya sakin. "I'm so proud of you, son. I will do everything to help you. Gusto kong magkaroon ka ng happy ending, gusto kong maiba ang kapalaran mo sakin."

"Hindi mo ba gustong subukang magmahal ulit, Pa?" I curiously asked him.

He looked at me intently. "Kapag nawala ba sayo si Charity, magmamahal ka ulit ng ibang babae?"

Mabilis akong umiling. "Of course not. My heart is loyal to her. Wala akong nakikitang ibang mamahalin nito bukod sa kanya."

He smiled. "That's my answer to your question. Nagmana ka sakin, Shaun. Isang beses lang magmahal ang isang Aldeguer. Anyway, hindi ko na kailangan ng babaeng makakasama sa buhay dahil nandito ka na. I will dedicate my life in taking care of my granchildren with you someday."

"I will give you lots of grandchildren, Pa," I promised him.

This time ay malaki na ang kanyang ngiti. "That's my son!"

~~~

Isa nang Aldeguer si Shaun! Nakaka-excite ang susunod na mangyayari! 🤗

Please vote for me to update the next chapters. Thanks! ❤

Bawal na Pag-ibig (SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon