25- Conference

3.3K 42 2
                                    

Chapter Twenty-five

Charity

When I got home, I was surprised na nandun si mama. Dayoff pala niya ngayon.

Naiyak na naman ako ng makita ko siya. Niyakap niya lamang ako at hinayaang humagulhol sa kanyang balikat. She did not say anything nor asked me about it and just combed my hair until I fell asleep.

Dala siguro ng pinaghalong puyat, pagod at sama ng loob, mahigit 12 hours akong nakatulog. Paggising ko ay madilim na. When I looked at the wall clock, its almost midnight already. 9 AM lang ata ako nakatulog kanina.

Sa sofa namin sa sala na ako nakatulog. Nilagyan lamang ako ni mama ng unan at kumot. Bumangon ako at tinupi yong pinaghigaan ko.

I went to the kitchen to see if there is food. Nakakaramdam na kasi ako ng pagkalam ng sikmura. Luckily, mayroong hinanda si mama sa mesa na adobong atay ng manok, my favorite. Napangiti ako, she is really my mother. She knows how to make me feel better.

Nilantakan ko na ang pagkain. Tahimik na ang kabahayan, siguro tulog na tulog na si mama. Naubos ko ata ang isang kaldero ng kanin dahil sa gutom ko. Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko kaagad ang aking pinagkainan. Then I picked my pillow and blanket from the sofa and went to my room upstairs.

Kinuha ko ang aking travelling bag mula sa cabinet. This one's a gift from Zion, Zari's brother. Hindi ko akalaing magagamit ko siya someday. Naghanda na ako ng mga damit na dadalhin ko sa Hongkong. Sir David said it would only be a three-day conference, pero nagdagdag lang ako ng spare clothes in case of emergency.

Napatingin ako sa aking vanity table ng marinig kong tumunog ang message ringtone ng aking cellphone na nakapatong doon. Kinuha ko iyon at binasa, only to be hurt once more..

Shaun: Cha, I'm sorry..

Those three words hurt me like hell. Hindi lahat ng sugat ay kayang gamutin ng salitang iyon. Hindi lahat ng pagkakamali ay kayang ibaon na lamang sa limot.

Muli ko na namang naramdaman sa aking puso ang hapdi at kirot ng pagkabigong hatid sakin ni Shaun. I quickly deleted all of his messages in my inbox, then I blocked his number in my phone. Sana balang-araw, magawa ko na ring burahin ang kanyang mga alaala sa aking pagkatao.



David

I watched Charity as she looked down at the clouds with awe from the window of the plane. Kanina ay nakiusap siya sakin kung pwedeng siya daw ang maupo sa may bintana. Mabilis ko naman siyang pinagbigyan. It was her first time riding a plane and travelling abroad.. and I'm glad she's with me.

Sa loob ng isang buwan na nagtrabaho si Cha bilang secretary ko, tuluyan nang nahulog ang aking loob sa kanya. I remembered how my world literally stopped the first time I saw her. She bumped into me at the lobby of my office building. I was speechless when I saw her face, she looks like an angel. It was love-at-first-sight because my heart was thumping wildly upon seeing her. Ngunit bago pa ako makapagsalita at maitanong ang kanyang pangalan ay tinalikuran niya na ako. Mabuti na lamang at siya pala yong ni-recommend sakin ni Cholo na pumalit sa secretary ko.

Cha instantly became my crush. I know I'm too old for this, but that's what I felt. I was uneasy whenever she's around. I even became conscious with my physical appearance because of her. Unti-unting nahulog ang loob ko sa kanya sa bawat araw na nakakasama ko siya. I fell for her wit, her talkativeness and her ability to lighten up any situation. Kahit noong inis na inis ako kay Beatrice ay napangiti niya ako sa pagiging tsismosa niya. I was surprised na hindi ako nainis sa kanya ng maglakas-loob siyang tanungin ako tungkol kay Bea.

Narinig ko na noon sa usapan nila ni Zariah na may boyfriend na si Cha, ngunit hindi ko akalaing ang kinikilala pala nitong uncle ang boyfriend nito. Noong unang beses siyang tumangging ihatid ko siya ay palihim ko siyang sinundan. I saw her went into an apartment unit, at isang lalaki ang nagbukas sa kanya ng pinto. That was the first time I realized that I have already fallen for her.. kasi nasaktan ako. I was so heartbroken seeing how she smiled when she saw him. Kaya tumalikod na ako at umalis sa lugar na yon. Pumunta ako kina Cholo at niyaya ko siyang mag-inom. Kinulit niya ako ng kinulit hanggang sa napaamin ako sa kanya na may gusto ako kay Cha. Since then, he has been teasing me whenever he had a chance.

Pero ngayon ay tila naging ibang tao na si Cha. Nawala na ang pagiging masayahin nito. I miss seeing the twinkle in her eyes whenever she thinks of being naughty. I miss her talkativeness whenever she thinks of a good gossip to talk about. Charity indeed became the sunshine of my office.

I couldn't help but envy the guy.. that Shaun. Kasi sobrang minahal siya ng babaeng mahal ko. Nadurog ang aking puso sa nasaksihan kong ginawa at sinabi ni Cha kahapon. Napakaswerte ng lalaking yon kasi may babaeng nagmahal sa kanya ng ganun, pero sinayang niya. Sinaktan niya lang si Cha. Gustong-gusto ko siyang gulpihin kahapon, pero alam kong masasaktan si Cha dahil mahal niya pa ito. Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang panoorin ang babaeng mahal ko na nasasaktan dahil sa lalaking mahal niya. Hindi ko nga alam kung paano siya aaluin kahapon kaya humingi ako ng tulong kina Cholo at Zariah.

Muli kong sinulyapan ang magandang mukha ni Charity sa aking tabi. Nakasandal na siya sa upuan at nakapikit ang kanyang mga mata. Haaayyy.. kung sana ako nalang ang minahal mo, hindi ka na masasaktan ng ganito. Pero matuturuan nga ba ang puso kung kanino ito titibok? Kasi kung oo, matagal ko ng tinuruan ang puso kong wag kang mahalin. Kasi napakasakit na habang minamahal kita ay may minamahal kang iba.

Alam kong may ideya na si Cha tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya. I am very vocal with expressing my appreciation towards her, pero sadyang pinipilit lamang niyang balewalain iyon dahil loyal siya sa lalaking mahal niya. Bihira ang babaeng kagaya ni Charity kaya inggit na inggit ako kay Shaun. Kung ako lang mamahalin niya, hinding-hindi ko siya sasaktan at pakamamahalin ko siya ng higit pa sa buhay ko.

~~~

Ayan, nalaman na po natin ang POV ni Sir David.
Ang lungkot naman ng chapter na to 😭😭

Please vote, comment and share this story. Thank you!

Bawal na Pag-ibig (SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon