48 - Details

3.5K 52 7
                                    

Chapter Forty-eight

Charity

"Good morning, Mr. Aldeguer!" the wedding coordinator greeted Shaun as we arrived at the Korean resto. Nauna na pala ito doon. She offered a handshake to the both of us. "Maam.."

"I'm Charity Cruz," pakilala ko sa kanya, accepting her handshake. She has a strict-looking face, but when she gave me a friendly smile.. dun ko na-realize na totoo talaga ang kasabihang 'don't judge the book by its cover'.

"Soon to be Mrs. Charity Aldeguer!" singit ng bida-bida kong fiancé sa usapan namin. Natawa nalang kaming dalawa sa kanya.

"I'm Mirabella Fuentes. Nice to meet you po!" aniya habang nakangiti sa amin.

I observed the lady. She is tall for a woman, probably 5'6 in height. Ako kasi ay 5'3 lang kaya ako palaging nagsusuot ng heels o wedge. Ngayong naka-flats ako ay mas ramdam ko na bansot ako.

May lumapit na waiter sa amin at kinuha ang orders namin. I ordered a serving of tempura, sushi and kimchi for me.

"First of all, ma'am, sir.. what motiff would you like for your wedding?" she asked us after the waiter left to get our orders.

"Red!" mabilis na sagot ni Shaun. Hinayaan ko na, alam naman niya kung anong gusto ko.

"Would it be a church wedding, beach wedding or garden wedding?" muling tanong ni Mirabella.

This time ay napatingin si Shaun sakin. "I want an underwater wedding," seryoso kong saad.

"Po?!"

"What?!"

Napanganga silang dalawa sakin. "Mahal naman! Mahal kita at pakakasalan kita.. pero hindi ako marunong lumangoy! Baka mabiyuda ka agad!" maktol ni Shaun.

Sinimangutan ko siya. "Joke lang kasi! Hindi rin naman ako marunong lumangoy noh!" Hinarap ko si Mirabella. "I want it to be a beach wedding during sunrise."

"Wow! Ganda ng idea, mahal!" Shaun seemed impressed with what I said.

The wedding coordinator just nodded while she take note of every detail. Dumating na ang order namin kaya pansamantala kaming natigil. Kahit katatapos pa lamang naming mag-brunch ni Shaun sa mansiyon kanina, magana kong nilantakan yong order ko. Shaun just stared at me with awe. Ako din ay medyo naninibago sa pagiging magana ko sa pagkain lately. Baka manaba ako nito eh..

"I want the flower decorations to be red roses," bigla kong saad. Pumapasok kasi ang mga idea sa utak ko habang kumakain ako. I just realized right now na nakaka-excite din pala ang magplano ng kasal. "The aisle would be decorated by a wooden arch covered with vines and a bunch of red roses at the middle."

"And oh! My bouquet should be made of white and pink roses. Pati yong mga petals na isasaboy ng flower girls ay dapat mixture din ng white and pink roses," dagdag ko pa.

"Let's go to your entourage, ma'am," ani Mirabella matapos i-note ang detail na yon.

"We already have a list. Brianna Gonzales would be my maid of honor, while Zion Leviste would be his bestman," sagot ko. Yon ang napagkasunduan namin ni Shaun, since hindi na pwede ang bestfriend ko. Zariah would just be my matron of honor.

"Our son, Noah Ysmael Aldeguer would be our ringbearer," dagdag ni Shaun. Napangiti ako, kinumpleto na din namin ang lahat ng miyembro ng entourage.

Pinag-usapan din namin kung ano ang magiging lay out ng invitation. Sabi ko ako na ang bahala doon, magpapatulong ako kay Pocholo sa pag-eedit. Nagustuhan ko kasi yong invitation sa kasal nila ni Zari. Uuwi na naman sila from honeymoon next week. My wedding gown and the gowns of my entourage, as well as the suits of the males, would be supplied by Zariah's store, Z's Wardrobe.

We decided to invite only a hundred guests, kasama na yong entourage ko. Sa isang isla kasi gaganapin ang kasal namin dahil nga beach wedding. Mahihirapan kami sa transportation kapag marami kaming guests. We will only invite our closest family and friends.

"About the catering, ito ang contact number nila. I want you to get in touch with them," ani Shaun habang ibinibigay kay Mirabella yong contact number na nakuha niya kay Cholo noon. He was really impressed with that catering service.

Habang nag-uusap sila ay biglang tumunog yong message alert tone ng phone ko. Kinuha ko iyon mula sa dala kong Hermes tote bag. Napasinghap ako ng mabuksan ko ang message..

Chloe: Ma'am Charity, nakauwi na po pala noong isang araw pa ang mag-amang Rafael at David Khan. Pero naka-leave pa din si Sir David. Nasa mansiyon lang po sila.

Si Chloe ay yong pumalit sakin bilang secretary ni kuya. Siya yong ex ng bestfriend ni Shaun na si Chester. I made her to be my eyes in the Ferrer Construction. Nakakaramdam kasi ako na something is off, dahil doon sa biglang pag-iwas sakin ni Kuya David at sa pag-alis nilang mag-ama ng bansa. I have a gut feeling that it is not just a simple business convention. I can't explain it, pero kinakabahan ako. I composed a reply to her..

Me: Thank you sa info, Chloe! I'll just pay them a visit later.

"I guess we're done for today, maam, sir," ani Mirabella. "I'll just call you for the schedule of our next meeting." Tumayo na ito. "Mauna na po ako, susunduin ko pa kasi sa school yong anak ko."

"Oh?! You have a child already?" I asked her, surprised. Parang kaedad lang namin siya, pero hindi siya mukhang kekerengkeng ng maaga kagaya ko.

She just smiled. "Yes, I have a 4-year old lovely daughter."

"But you're not married?" naitanong ko na bago ko pa napigilan ang bibig ko. Wala kasi akong nakitang singsing sa palasingsingan niya.

I saw the shift of emotions in her eyes, but she still managed to smile. "I'm a single parent."

"Oh, I'm sorry!" mabilis kong paghingi ng paumanhin sa kanya. "Pasensya na talaga, Mirabella. Hindi ko napigilan ang pagiging chismosa ko."

This time ay malaki na ang ngiti niya sakin. "Okay lang po, ma'am. I have already moved on, and I'm proud being a single parent." But I was not convinced with the first line, on her last sentence. Nagpaalam na siya sa amin.

"Mahal, pakihatid mo nga ako kina Kuya David," sabi ko kay Shaun ng maiwan kaming dalawa doon.

His forehead knotted. "Dumating na daw sila, noong isang araw pa," I explained.

He just nodded and guided me to the resto's parking lot. Walang imik siyang nag-drive. "Pagkatapos mo kong ihatid, mahal, daanan mo na rin si Noah sa school. Pero itext mo muna si Papa para hindi na siya pumunta pa doon."

"Hindi ba ako pwedeng sumama sayo?" naka-pout niyang tanong.

Seryoso ko siyang tinitigan. "Sabi ko nga! Ikaw talaga, Shaun! Hindi nga pwede eh!" pagkausap niya sa sarili habang napapakamot pa sa ulo.

Napailing nalang ako sa kanya. Kailangan ko talaga ng isang sako ng pasensya kasi pakakasalan ko na ang lalaking ito. Habangbuhay ko na siyang makakasama. Habangbuhay na akong makukunsumi sa kanya.

~~~

Cameo appearance si Mirabella sa ating last chapters. Promoting my next story entitled 'Ganti ng Pusong Api'. Pero slow update lang muna sa ngayon kasi uunahin kong tapusin ang librong ito.

Two chapters to go at epilogue na! 🤗

Finally, makakatapos din ako ng isang story! 😱

Sana suportahan niyo pa din po sina Charity at Shaun hanggang katapusan! 🥰

Bawal na Pag-ibig (SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon