44 - Bridal shower

3.8K 51 3
                                    

Chapter Forty-four

Charity

"Ewan ko sayo, Shaun! Basta, hindi na ako magpapalit! Ito na ang isusuot ko!" naiinis na sabi ko dito sa possessive kong fiancé. Today is Zariah's bridal shower, kasi bukas na ang kasal nila ni Cholo.

I was choosing what clothes to wear, and this overprotective man decided to be the judge. Ang kaso lang ay hilong-hilo na ako sa kapapalit ng damit, wala parin siyang nagugustuhan sa mga isinukat ko! One hour nalang at mag sstart na ang party, magta-travel pa ako.

The last outfit that I fitted was a maroon off-shoulder jumpsuit. I decided to wear this one, pagod na pagod na akong magpalit. Bahala siya sa buhay niya!

I just paired my outfit with a 2-inch black wedge with straps. Nakasimangot si Shaun habang nakatingin sa akin na nagkukulot ng buhok. Inilugay ko lamang ang aking lampas-balikat na buhok at kinulot ang dulo nito. I was wearing a matching maroon matte superstay lipstick. My accessories were a necklace with cross pendant, a matching bracelet and earrings.. all were silver.

"Halika na at bibiyahe pa tayo," yaya ko kay Shaun na masama parin ang loob habang nakahalukipkip. He silently stood up from my bed and followed after me. Alam niya kasing wala na siyang magagawa pa dahil nakapagdesisyon na ako. Ang arte kasi!

We brought his car, the black sedan. Iisang building lang naman ang pupuntahan namin, sa magkaibang silid lamang gagawin ang bridal shower at bachelor party ng dalawang ikakasal. Noah was with his Lolo Mael in the Aldeguer mansion. Si Mama naman ay nagpaalam na bibisita daw muna sa kanyang hometown, kung saan nakalibing ang kanyang mga magulang pati na rin si Papa Edgar.

My handsome fiancé is wearing a simple baby blue longsleeve polo na nakatupi ang manggas, paired with a white trousers. He looks dashing despite his frowning face. Kumapit ako sa kanya habang naglalakad kami pababa ng bahay. "Ang bango-bango naman ng mahal ko!" I said as I sniffed his scent. Ewan ko ba, these past few days ay parang gustong-gusto ko na palaging naaamoy si Shaun.

I saw his Adam's apple moved when I sniffed his neck. Bango bango! Hindi siya nagsalita, pero halatang nabawasan ang pagsimangot niya. I kissed his cheek. "Love you, fiancé ko!" And damn, he blushed!

Napayuko na lamang si Shaun, tila nahihiya sakin. "Alam mo talaga kung paano ako paaamuhin noh?!"

Simula ng umuwi kami galing sa Villa Priscilla ay araw-araw niya na akong kinukulit dahil ayaw nga niyang pumunta kami ngayon. Nahihiya naman ako kina Zari at Cholo, kaya nagmatigas ako kay Shaun na talagang pupunta kami. Ewan ko ba sa taong to, ang KJ! Minsan lang naman mangyayari to eh.

Pagkarating namin sa Charlotte Hotel kung saan gaganapin ang party, magkasabay kaming naglakad papasok ni Shaun. Nakasabay namin sa elevator ang magsyotang Zion at Brianna, na kasama din sa entourage. Nagbatian kami. Nagkahiwalay lamang kami ni Shaun pagdating sa second floor. Kailangan na kasi nilang bumaba ni Zion, because the stag party will be held here. Kami naman ni Brianna ay sa third floor pa, kung saan nandun na rin ang iba pang mga abay.

Maganda yong pagkaka-decorate sa room na pagdadausan ng bridal shower, all credits to Brianna. All shades of yellow din ang motiff, like the wedding. Ako naman ang magiging MC ng munting seremonya ngayong gabi.

"Ladies, welcome to this event! Thank you so much for coming here tonight to celebrate with us the momentous last night of being single of our beloved friend.. Zariah Mae Leviste!" pag-uumpisa ko ng makitang kumpleto na kami. Brianna prepared a mini-stage with a wonderful backdrop with a balloon arch and a royal chair in the middle.

"Without further ado, let us all welcome our beautiful bride-to-be! A round of applause, please!" Nagpalakpakan kami ng lumabas mula sa CR ng hotel room si Zari na nakasuot ng isang yellow backless flowy dress. Nakalugay ang kanyang buhok na pinalalamutian ng isang flower headband. Para siyang isang diwata! At blooming ang bessy ko!

Bawal na Pag-ibig (SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon