13 - Jealous (SPG)

10.9K 67 3
                                    

WARNING❗
MATURE CONTENT
My longest chapter, so far.. Enjoy! ☺

Chapter Thirteen

"Cha, sige na naman.. ilakad mo 'ko sa bestfriend mo.."

Yan ang text sakin ng nag-iisang major stalker at hindi sumusukong manliligaw ni Zariah.. no other than the great Pocholo Ferrer.

Napangiti at napailing nalang ako sa aking nabasa. Hindi ko mabilang kung pang-ilang beses na pangungulit na sakin 'to ni Pocholo. Kung may category sa Guiness Book of World Records ang 'Pinakamakulit na Tao sa Buong Mundo', I would gladly nominate him.

Me: Oo na, tutulungan na kita.. matahimik ka lang.

Ilang minuto ding hindi nag-reply si Pocholo.. nagulat ata na for the first time ay pumayag ako sa pabor na hinihingi niya, sa napakatagal na panahon din naman niyang nangungulit sakin.

Pocholo: Hmm, I smell something fishy. Anong nakain mo at finally nag give-in ka sa pangungulit ko ngayon ha?

Napangisi ako.. sabi ko na nga ba, ganito ang magiging reaksyon niya. He would not be our batch summa cum laude for nothing.

Me: Pumayag na nga akong gawan ka ng pabor, pinag-iisipan mo pa ako ng masama! Eh kung bawiin ko kaya ang pagpayag ko ha?!

I smiled smugly after hitting the send button. Kala mo ha!

Naramdaman ko ang bahagyang pag-usog ni Shaun papalapit sakin. Nakaupo kasi kami sa magkabilang dulo ng sofa. Nakisilip siya sa cellphone ko upang tingnan kung sino ang katext ko.

"Sino ba yang Pocholo na yan?!" nakataas ang kilay at may bahid ng inis ang boses niyang tanong sakin. Lihim akong napangiti.. here comes my jealous boyfriend.

Actually, sinadya ko talagang hindi siya pansinin. Kanina pa umakyat sa kanyang silid si mama at kaming dalawa na lamang ni Shaun ang natira dito sa sala. I can see at the corner of my eyes while I was texting Pocholo awhile ago that Shaun was looking at my phone like he wanted to throw it away. Sorry nalang siya, nasa mood akong asarin siya ngayong araw.

"Summa cum laude ng batch namin," kaswal kong sagot. "Anak to ng mga Ferrer, 'yong may-ari ng sikat na wine distillery."

Mas lalong nagdikit ang kanyang mga kilay.. kaya mas lalong nagbunyi ang aking pilyang side. "Eh ano ngayon? Bakit ka ba niya tinetext?"

"May hinihingi siyang importanteng pabor sakin," muli kong sagot sa kanyang tanong. "Ang swerte ko nga kasi katext ko ang isa sa school heartrobs ng university namin," panggagatong ko pa sa inis niya.

To my shock, he quickly grabbed my nape.. and in one swift move, he claimed my lips aggressively. Nanlaki ang aking nga mata dahil doon! Baka biglang bumaba si mama at makita kami! I tried pushing him off, but he's too strong.

After an approximately five minutes of kissing me torridly, he finally let go of my lips. But his face remained closer to mine.

"Shaun! Bakit mo ginawa yon? Kung nakita tayo ni mama!" sumbat ko sa kanya ng may takot sa aking boses, tumingin pa ako sa itaas ng hagdan.

"I don't care, so be it. I told you, don't you ever make me jealous, Charity," he said while looking into my eyes seriously.

Napalunok naman ako dahil doon. He looks so dangerous when he speaks like this! I don't know, but I got turned on.

"I w-was j-just teasing you!" I reasoned out. Damn, nabulol pa ako dahil sa kaba!

"Don't ever make fun of my feelings, Cha. You won't like what I would do to you."

Bawal na Pag-ibig (SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon