23 - Heartbreak

4K 43 3
                                    

Chapter Twenty-three

Nagpatuloy ang pagiging secretary ko sa CEO ng Ferrer Construction na si Engr. David Ferrer-Khan. Patuloy din ang pagpapalipad-hangin sakin ng boss ko sa pamamagitan ng pasimpleng mga banat, ngunit patay-malisya lamang ako.

As time goes by, dumadalang na ang communication namin ni Shaun. He is busy with his studies as well as his part-time job. Binayaran ko na ang tuition fee niya ngayong semester kaya ang ibang bayarin nalang at allowance ang poproblemahin niya. I just asked their university's accounting officer to make my name anonymous. Kahit na alam kong ako ang pagsususpetsahan ni Shaun, hinding-hindi ako aamin.

He has been ignoring my texts and calls for a month now kaya nag-aalala na ako. I planned to visit him in their apartment after work today. Tinext ko muna si Chester kanina at tinanong yong sched ni Shaun.

"Cha, sandali lang! Ihahatid na kita!" habol sakin ni Sir David ng nagmamadali akong bumaba ng building pagkatapos ng trabaho. Feeling close na pala siya at tinatawag na ako sa aking palayaw.

"Wag na po, sir. May pupuntahan kasi ako ngayon," seryoso kong tanggi sa kanya. Noong mga nakaraang araw ay sumasabay ako sa kanya paminsan-minsan lalo na kapag OT kami at wala na akong masakyan.

Hindi na siya nakapagsalita at hinayaan na lamang akong makalayo. Mabilis kong pinara ang isang taxi at sumakay. Nagpahatid ako sa apartment nina Shaun at Chester.

My surprise visit turned out I was surprised instead. Pagbukas ni Shaun ng pintuan ay bumungad sakin ang isang magandang babaeng naka-unifirm ng university nila, nakaupo ito sa may ibaba ng double-deck nila. Wala si Chester sa apartment at silang dalawa lamang ang naroon.

Shaun was not even surprised seeing me. Parang expected na niyang darating ako, o sadyang wala lang siyang pakialam sakin. My heart suddenly clenched at the thought.

"H-Hi! Are you busy?" I still managed to give him a sweet smile.

His expression did not change. He looked at me like he did not want to see me. Nasaktan ako, kasi hindi ganito tumingin sakin si Shaun. He always looks at me with love visible in his eyes. Bakit nagbago ang lalaking mahal ko?

"Bakit ka pa pumunta dito, Charity?" he asked me instead, breaking my heart.

Tears started to pool from my eyes. Only Shaun has this effect on me. "Why? Don't you want to see me? Don't you miss me, mahal?"

I saw the shift of emotions in his eyes, but it immediately went back to being cold. "Why would I want to see a cheater like you? Why would I miss you when I know you're seeing your boss?"

Napatigil ako. Cheater? Boss? "Are you insinuating that I am in a relationship with my boss? Kaya ba hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko ha?"

His lips tugged up for a smirk. "Bakit, Charity? Akala mo ba hindi aabot sakin ang tungkol sa kalandian mo? Do you think I would not know na sweet sayo ang boss mo at palagi ka niyang hinahatid pauwi?"

I scratched my head frustratedly. "Oo, inaamin ko! Sweet sakin ang boss ko. Nararamdaman kong gusto niya ako. Pero hindi ba sinabi sayo ng kung sino man yang informant mo kung paano ako umiiwas sa kanya? Saka anong palagi akong hinahatid pauwi? Sumasabay lang ako sa kanya kapag OT kami at wala na akong ibang masakyan! Pero hangga't maaari, iniiwasan kong magpahatid sa kanya kasi alam kong darating ang araw na to!"

Shaun looked into my eyes seriously, still with his cold expression. He sighed and spoke after a while. "Let's just end this, Charity. Its not working anymore."

It dropped like a bomb infront of me. Sandaling tumigil ang aking mundo dahil sa sinabing iyon ni Shaun. Is he serious?

I laughed like a crazy woman infront of him, while my tears are flooding non-stop. "Ganun lang kadali yon para sayo, Shaun?! Itatapon mo yong ilang taong pinagsamahan natin dahil lang diyan sa selos mo?! I can't believe you!"

"Hindi lang selos ang dahilan ko!" I can't believe he raised his voice at me! Nag-iba na talaga si Shaun. Hindi na siya ang lalaking minahal ko. "Wala na tayong panahon para sa isa't isa. We both have different priorities now. Kaya hindi na mag-wowork out ang relasyon na to."

I tried drying up my tears. I looked at him. He seems to be unaffected that I am hurt. Nasaan na ang Shaun na mahal na mahal ako? Nasaan na ang Shaun na ayaw akong makitang nasasaktan?

He looked so desperate.. desperate of breaking up with me.

I composed myself. "Is this what you really want?" walang emosyon kong tanong sa kanya. I want to save the last thing I've got in me.. my pride.

When he nodded, I did my best not to burst out infront of him. Tumango din ako at mahinahong nagsalita. "Sana sinabi mo nalang na hindi mo na ako mahal, Shaun, at may mahal ka ng iba." I couldn't help but look at the girl that is sitting inside their unit. "Hindi yong gagawan mo ko ng kasalanan kahit na alam mong hinding-hindi ko yon magagawa sayo. Siguro nga hindi pa talaga kita ganun ka kilala."

Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita. Nagmamadaling tinalikuran ko na siya. My tears began to fall once again the moment I turned my back at him.. the moment I walked away from the only man I ever loved.

Nagulat ako ng makita ko ang isang pamilyar na kotseng nakaparada sa may kanto.. isang black sedan! Sir David immediately went our of his car when he saw me. Nagtagis ang kanyang panga ng makitang hilam ako sa luha, pero hindi siya nagsalita. Maingat niya akong inalalayan papasok sa kanyang kotse.

He gave me a white handkerchief when we got inside his car. "Pasensya na, sinundan kita. Mabuti nalang pala ginawa ko yon," he said while looking at me intently.

Kahit anong pigil ko, talagang nag-uumalpas ang aking mga luha. My chest was clenching painfully at the thought of Shaun with another woman. Bakit ba hindi ko naisip na darating ang panahong ito na magsasawa din siya sakin? Bakit naging sobrang kampante ako?

David caressed my back slowly, letting me pour out my emotions. Napakasakit ng nararamdaman ko ngayon! Parang hinihiwa ang puso ko ng pino. Bigla akong nawalan ng gana sa buhay. Si Shaun ang buhay ko.. bakit kailangang mangyari to?

"Sir, dalhin mo ko kahit saan. Ayoko munang umuwi sa bahay," sabi ko sa kanya pagkaraan ng ilang sandali. He looked shocked with my decision, pero hindi naman siya nagsalita at nag-drive nalang.

I sent a text to my mother, saying I can't come home tonight and not to worry because I'm safe. Then I turned off my phone.

"Welcome to my unit." David brought me to his condo. It was spacious and it has two rooms. Sinamahan niya ako papunta sa guest room. "Magpahinga ka na, Cha. Feel free to use all the things inside this room. Good night!"

Binigyan ko siya ng isang pilit na ngiti. "Salamat, David."

~~~

I really hate writing scenes like this! Ang sakit sakit! Huhuhu! Naiiyak din ako habang nagsusulat. 😭😭😭

Please don't forget to vote by hitting the ⭐ icon below. Thank you!  ❤

Bawal na Pag-ibig (SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon