18 - New job

4.6K 38 0
                                    

Chapter Eighteen

Charity

"You're hired, Miss Cruz! Can you start tomorrow?" the HR officer of Ferrer Construction asked me.

"Definitely, ma'am! Thank you so much!" I replied excitedly.

"You were highly recommended by Mr. Pocholo Ferrer. Congratulations!" kinamayan niya ako.

You heard it right. Cholo recommended me this job right after our graduation. Mabilis ko namang tinanggap kasi kailangan ko ng pera. Mama insisted that I should just stay at home and rest for a while. Pero mabo-bored lang ako doon at malulungkot.

It has been a week magmula ng pinalayas ni mama si Shaun sa bahay. Wala naman siyang sinabi na maghiwalay kami, pero pinutol niya na ang ugnayan nila ni Shaun. Hindi niya na ito itinuturing na kapatid. Masyado niyang dinamdam ang pagtatapat namin ni Shaun. I can't blame her, sobrang sakit nga naman ng ginawa namin sa kanya. I can even hear her crying in the middle of the night.

Right after I heard her decision, I immediately contacted Shaun's bestfriend, Chester. Pinakiusapan ko siya kung pwedeng patuluyin niya si Shaun sa kanyang apartment. I sent him an amount for the rent, for a month. Mabuti na lamang at mayroon akong natatabing pera mula sa aking allowance. Pinakiusapan ko rin siyang huwag na itong banggitin kay Shaun. Shaun is now working as a service crew in a fastfood restaurant habang summer break. Kapag muling magbukas ang klase ay magiging part-time na lamang siya.

This is the reason why I need to have a job. Gusto kong tulungan si Shaun. He is now in his fifth and last year in his course, hindi siya dapat mahinto sa pag-aaral. Kaya ng mag-offer sakin ng trabaho si Cholo bilang kabayaran daw sa 'utang-na-loob' niya sa akin, mabilis ko itong tinanggap. Wala namang sinasabi si mama. Kinakausap niya ako pero iniiwasan niyang pag-usapan namin si Shaun.

Speaking of my boyfriend, I composed a text message for him..

Me: Mahal, tanggap na ako! May trabaho na ako bukas!

Mabilis siyang nag-reply. Break time niya yata ngayon..

Shaun: Congrats, mahal! Wag kang magpakapagod. I can't communicate with you always because of my job. So please take care of yourself for me, hmm? I love you, Cha!

I smiled and replied to him..

Me: I love you, too, Shaun! I missed you, mahal!

Malungkot kong ibinulsa ang aking cellphone. Isang linggo na kaming hindi nagkikita ni Shaun. Magmula ng umalis siya sa bahay ay puro text at tawag lang kami.

"Ayy, ano yan?! Yan ba ang mukha ng natanggap sa trabaho?" Isang matinis na boses ang sumira sa aking pag-eemo.

Tiningnan ko ng masama si Zari. Nakaakbay sa kanya ang possessive niyang boyfriend na si Cholo.

Napasimangot ako kay Cholo. "Ano ba yan?! Bakod na bakod! Sabagay, first time magka-girlfriend eh!" I teased him.

Siya naman ang napasimangot. "Inggit ka lang!"

I just laughed at him. "Bes, mag-celebrate tayo! First day of work mo bukas!" baling sakin ni Zari.

"Wala akong pera. Saka ko na kayo ililibre kapag sumahod na ako."

"Sinabi ko bang ikaw ang manlilibre?" singit ni Cholo. "Siyempre ako!"

"Naku, nakakahiya naman sayo. Binigyan mo na nga ako ng trabaho.."

"Ewan ko sayo, Charity. Para kang others," ani Cholo. "Bestfriend ka ng girlfriend ko, kaya bestfriend na din kita."

I glared at him. "Ayokong maging bestfriend ka!"

Zariah laughed at me, while Cholo was frowning. "Sige na, bes, hayaan mo siyang manlibre. Monthsary namin kahapon."

"Eh diba dapat kayong dalawa lang ang magkasama?"

Zari smiled. "Tapos na kaming mag-celebrate na dalawa kahapon. Ngayon ikaw naman ang iti-treat namin."

Pagdating sa mall, hinayaan nila akong pumili kung saan kami kakain. Siyempre, pinili ko yong fastfood na pinagtatrabahuan ni Shaun. Sisilay ako sa aking irog..

"Girls, have a seat. Anong order niyo, ako na ang pipila doon?" Cholo presented, being the gentleman that he is.

"Cheeseburger, large fries saka iced tea lang sakin, babe," ani Zari. "Ikaw, bes?"

"Gusto ko yong waiter.." wala sa sarili kong saad habang nakatingin kay Shaun na nag-aabot ng order sa table na may kalayuan sa amin. Kahit nakatalikod ay kilalang-kilala ko siya. He looks incredible in his uniform. Hmm, yummy..

Natigilan ako sa pagmumuni-muni ng bigla akong paluin sa braso ni Zari. "Hoy, malanding babae! Ipapaalala ko lang sayo na may boyfriend ka na ha?! Lakas ng loob mong magnasa sa waiter!"

I smirked at her. Kung alam mo lang, bes. Boyfriend ko ang pinagnanasaan ko.. "I want a supermeal with large fries and large coke. Gutom na gutom ako, naubos ang energy ko sa interview," walanghiya kong saad kay Cholo na naghihintay sa order ko.

Nanlaki ang mga mata ni Zariah. Napangiti naman si Cholo. "Wala ka na bang nakalimutan, bestfriend?" he even teased me.

I rolled my eyes at him. "Plus takeout ng poging waiter," I joked.

He laughed and saluted at me jokingly. Pumunta na siya sa pila. Medyo natagalan si Cholo dahil maraming nakapilang senior citizen at kailangan niya itong paunahin. Kaya pagbalik niya sa aming table dala ang mga orders ay nakapangalumbaba na ako at tila nanghihina dahil sa gutom.

"Hoy, Charity! Umayos ka nga diyan! Nandito na ang pagkain!" ani Zari.

Dali-dali akong umayos ng marinig ang salitang 'pagkain'. Pag-angat ko ng tingin ay nagkasalubong ang aming mga mata ni Shaun. He looks amused at me. Nasa likod siya ni Cholo, tinulungan niya itong magdala ng orders namin.

"Tito Shaun!" I exclaimed. Pinaningkitan niya ako ng mga mata.

I felt Zariah stiffened. I smirked at her, and jokingly looked at her boyfriend who is busy arranging our foods in the table. She glared at me as a warning. I just shrugged.

Bago tumalikod ay pasimple muna akong sinulyapan ni Shaun. Kinindatan ko lang siya. Pagkaupo ni Cholo sa tabi ni Zari ay nagsalita ako. "Ano ngang sabi mo kanina, bes? Huwag tumingin sa ibang lalaki kapag may boyfriend na?" I teased my bestfriend.

Kung nakamamatay lang ang tingin ay kanina pa ako nakabulagta dahil sa talim ng tingin sakin ni Zari. I just gave her a peace sign while taking a bite on the big chicken leg. I'm sure Shaun choosed this for me, alam niya kasing paborito ko ang hita ng manok. Lihim na lamang akong napangiti. I should thank him later.

Pagkatapos naming kumain ay busog na busog ako. I even burped while touching my tummy. "Oopps, sorry!" I said when I caught Cholo and Zari staring at me with awe.

"Bes, sandali lang.. CR lang ako," paalam ko.

To be continued..

~~~

SPG will be on the next chapter..

Please support me by voting for this story. You can also drop your comments below. Thank you!

Bawal na Pag-ibig (SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon