42 - Rehearsal (SPG)

6.4K 70 5
                                    

WARNING❗: MATURE CONTENT

Chapter Forty-two

After that heated confrontation a week ago, napansin kong medyo lumayo sakin si David. Hindi na kami nagkita pang muli dahil formally resigned na ako bilang VP for External Affairs ng Ferrer Construction, with the help of my handsome fiancé.

Speaking of Shaun, business partners na daw sila ngayon ni David dahil sa merging ng kanilang companies. Pero tila iniiwasan ako ng aking kapatid dahil hindi nito pinauunlakan ang mga imbitasyon ni Shaun sa bahay namin o sa mansiyon nila. Maybe he's ashamed about what happened last time..

"Oh, bessy, nandito na ang sundo mo," boses ng bestfriend kong si Zariah ang pumukaw sa aking pagmumuni-muni. Katatapos lamang ng rehearsals namin para sa wedding entourage niya. Three days from now kasi ay kasal na nila ni Pocholo. Ako ang kanyang maid of honor. Cholo's bestman is my brother, David. Pero pinalitan niya iyon kay Shaun dahil may biglaang convention daw sa abroad si kuya at hindi makakadalo sa araw ng kanyang kasal. Hindi ko alam kung totoo ba iyon o nagdadahilan lamang siya. Pero alam ko namang makikipagkita din sakin si kuya kapag ready na siyang makipag-usap..

Shaun was not able to attend the rehearsals today dahil sinamahan niyang magpacheck-up si Papa Mael. Nagrereklamo kasi ito ng pananakit ng dibdib. Pero nangako siyang susunduin ako dito pagkatapos ng rehearsal.

"Hi, mahal!" he greeted me before giving me a peck on the lips. Nangisay naman na parang bulateng inasinan si Zari habang pinapanood kami, na animo wala din siyang sariling lovelife.

"Tapos na ba kayo? Kukunin ko na ang fiancé ko ah? May pupuntahan pa kasi kami," paalam ni Shaun kay Zari habang nakapulupot ang isang braso sa aking baywang.

"Oo, wrap-up na kami ngayon. Sige, dalhin mo na yan at sayo naman talaga yan," pabirong sagot ni Zari. "Oh, basta, bes, ha? Wag na wag kang mawawala sa bridal shower ko!"

I just nodded at her. Iginiya na ako ni Shaun palabas ng simbahan kung saan idadaos ang kasal ni Zari.

"Saan ba tayo pupunta, mahal?" tanong ko sa kanya. Sabi niya kasi kanina kay Zari ay may pupuntahan kami.

"Bakit may bridal shower pa?!" nakakunot ang noong tanong ni Shaun, ignoring my question.

Napakunot-noo din ako sa kanya. "Normal, ikakasal na si Zari! Its part of the tradition," sagot ko.

"Kailangan ba talagang nandun ka?" muli niyang tanong.

"Of course, Shaun! I'm a part of her entourage," mahinahon kong sagot. "Mayroon ding bachelor party si Cholo, at kasama ka doon dahil ikaw ang bestman niya."

He frowned. "Ayokong sumama doon, mahal."

"Ikaw, ang KJ mo talaga! Nakakahiya kina Zari at Cholo!" Napipilitang napatango na lamang siya ng makitang naiinis na ako sa kanya. He softly guided me towards his car.

"Saan nga kasi tayo pupunta?" muli kong tanong sa kanya.

He gave me a loopsided grin. "Secret. Its a surprise."

Nakasimangot na humalukipkip nalang ako. "Siguraduhin mong matutuwa ako sa surprise na yan, ha?"

He just smiled mysteriously. Nakakainis na lalaki to! Bakit parang mas gumuwapo siya sa paningin ko ngayong fiancé ko na siya?!

"By the way, kumusta nga pala ang check-up ni Papa?" naalala kong itanong sa kanya.

He glanced at me. "Acid reflux lang daw, sabi ng doktor. Nothing serious. Binigyan na siya ng gamot."

Bawal na Pag-ibig (SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon