39 - Propose

4.8K 65 3
                                    

Chapter Thirty-nine

Zariah

I was laughing out loud while my bestfriend was glaring at me. Kung si Medusa lang siya, kanina pa ako naging bato sa talim ng tingin niya sakin.

She came here in my house early in the morning just to vent out her frustrations. Natawa ako kasi napakababaw ng problema niya!

"Bes, naman. Napakadami niyo ng pinagdaanan ni Shaun, tapos ngayon ito lang ang pinoproblema mo?!" sabi ko ng makabawi mula sa pagtawa. "Edi ikaw na ang mag-propose sa kanya!"

"Ayoko nga! Babae ako noh! Itatakwil ako ng mama ko!" nakasimangot niyang tanggi.

I rolled my eyes at her. "Baka kasi madami lang iniisip si Shaun kaya hindi niya naisip yan. Alam mo na, nangarag siya sa paghahanda para sa muli ninyong pagkikita. Alam mo naman yon, natutuliro kapag nandiyan ka," pagtatanggol ko kay Shaun sa kanya. OA kasi itong beatfriend ko, baka kung anu-ano na naman ang pumasok sa isip.

"Siguro nasanay lang siya na palagi lang akong nandito para sa kanya. Matagal nga siyang nawala, pero pagbalik niya heto parin ako naghihintay sa kanya," bitter na saad ni Charity.

Nakukunsuming ginulo ko ang aking buhok. Ke aga-aga, magiging love guru pa ako nito! "Cha, sa tingin mo ba, bakit natagalan si Shaun makabalik sa inyo ni Noah? Dahil inisip niya na baka hindi mo na siya tanggapin ulit, na baka galit ka sa kanya. He was full of insecurities! Kaya hindi totoo yang sinasabi mong at-ease siya na nandiyan ka palagi para sa kanya."

Nang hindi siya umimik ay nagpatuloy ako. "Bes, a relationship is a partnership, dapat kayong dalawa ang kikilos. Hindi rin dapat nagbibilangan kayo ng kung sino ang mas nasaktan o kung sino ang mas nagsakripisyo. Ang mahalaga, mahal niyo parin ang isa't isa sa kabila ng mga pinagdaanan ninyo."

"Saka 21st century na ngayon, Cha. Hindi na mahalaga kung sino sa inyong dalawa ang mag-propose," dagdag ko pa.

To my shock, bigla siyang tumayo mula sa sofa namin. "Oh, saan ka pupunta?!"

"Magpo-propose kay Shaun!" determinado biyang saad.

Nawindang ako. "Teka lang! May singsing ka na ba?!"

Napatingin siya sakin. "Kailangan pa ba noon? Saka na, wala pa akong budget!"

Napasimangot ako. "Kuripot talaga nito!" bubulong-bulong kong wika habang sumusunod sa kanya palabas ng bahay namin.

"Natural! May anak na ako eh!" singhal ni Cha, narinig pa pala ang aking ibinubulong.

"Teka, bes! Seryoso ka talaga?! Ngayon na? As in agad-agad ka magpo-propose kay Shaun?!" I exclaimed when I saw her get in her red lamborighni that is parked in my garage.

"Oo nga, ba't ko pa patatagalin?! You just gave me an idea, might as well use it," she answered. Napatampal ako sa aking noo!

"Teka lang, hintayin mo ko! Sasama ako!" Pumasok akong muli sa aking bahay upang magbihis. Pagbalik ko sa garage ay nandun parin si Cha, nakayuko sa steering wheel ng kanyang sasakyan.

"May naisip ka na bang pakulo para sa proposal mo?" untag ko sa kanya kaya napaangat ang kanyang ulo.

"Wala, tatanungin ko lang siya ng diretso," sagot niya. Napailing na lamang ako. Hay, naku!

Charity

Nang makarating kami ni Zariah sa bahay ko, dali-dali akong bumaba ng kotse. Hindi ko alam kung nandito pa si Shaun, pero dito ako muna unang dumiretso.

Pagpasok ko ay nakita ko si Shaun na nakaupo sa sofa namin. Mabilis akong naglakad palapit sa kanya. "Shaun Ysmael Aldeguer!"

Sa kanyang pagkagulat ay lumuhod ako sa kanyang harapan. "Pakasalan mo ko! I won't accept no for an answer," I demanded.

Bawal na Pag-ibig (SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon