Chapter Twenty-six
Charity
Nang dumating kami sa Hongkong ay sinundo kami sa airport ng organizers ng conference na aatendan ni Sir David. They ushered us to a luxurious five-star hotel. First time kong nakaapak sa ganito kagandang hotel kaya naman ay manghang-mangha ako.
Magkatabi lamang ang room namin ni sir. Kaagad kong nilibot ang aking kwarto the moment I stepped inside. Napakaganda ng queen-size bed. Nang mahiga ako ay napakalambot at napakabango nito. Mahimbing akong makakatulog nito mamaya. Napakaluwag at napakalinis naman ng CR, at mayroon din itong jacuzzi! I excitedly tried it kahit na medyo gabi na at malamig ang panahon upang maligo. I just turned on the heater. Mabuti na lamang at mahilig akong manood ng movies kaya medyo may idea ako sa mga pang-mayamang amenities na gaya nito.
After taking a bath and slipping into a casual attire, lumabas na ako ng room ko upang bumaba. Naghanda daw kasi ng buffet ang organizers para sa dinner. Pagkakataon ko na itong muling makakain ng pangmayamang dishes. Nagpapasalamat ako at isinama ako dito ni Sir David, kahit papaano ay nakatakas ako sa reality. Naiisip ko parin si Shaun paminsan-minsan, pero tiwala akong darating din ang panahon na makakalimutan ko siya. Matatagalan nga lang kasi minahal ko siya ng sobra.
"Cha! Sandali, hintay!" Paglingon ko ay si Sir David pala, kalalabas lang ng kwarto niya.
"Sir!" I greeted him. Mukhang naligo din siya dahil basa ang kanyang buhok. His manly scent instantly filled my nose the moment he came near me.
He smiled at me. "Diba sinabi ko sayo, David nalang ang itawag mo sakin?"
"Alright, Kuya David," I teased him.
He glared at me. Medyo nahahawa na sa ugali ko itong boss ko dahil palagi kaming magkasama. "Si Shaun nga na tito mo, first-name basis kayo. Tapos ako, kuya?!" he jokingly replied.
Now its my turn to glare at him. "Siyempre, boyfriend ko yon!"
Tumawa siya at pasimpleng inakbayan ako. Nagpatay-malisya na lamang ako at hinayaan siya. "Edi mag-aapply akong boyfriend mo para first-name basis na din tayo."
Sinimangutan ko siya. "Hindi ako naghahanap ng boyfriend."
Tuloy ang sagutan namin hanggang sa nakarating kami sa banquet hall. At inaamin ko, nakatulong si David upang kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam.
The next day..
9 AM ang start ng first day ng conference ni Sir David kaya maaga pa akong nagising upang maghanda ng mga kakailanganin namin mamaya. I made sure his laptop was fully charged kasi ito ang gagamitin ko upang mag-take down ng notes. Yes, ipinahiram niya sakin ang kanyang laptop.
After taking a bath, I dressed myself in a baby blue turtleneck cardigan and a light gray plain trousers. I paired it with a dark blue flat shoes. I accented my attire with a simple silver necklace. Actually, it was the locket necklace that Shaun gave me. Pagbibigyan ko ang aking sarili ngayon na isuot sa huling pagkakataon ang mga bagay na ibinigay niya sakin.
After this, I am planning to pack everything he gave me and send it back to him. Bahala na siya kung itatapon niya, basta isinauli ko na sa kanya. Napag-isip-isip ko kasi na baka panahon na upang i-let go ko siya. Kasi ubos na ubos na ako, naibigay ko na lahat-lahat sa kanya. I was even willing to forget my pride just to be with him, pero wala eh.. ayaw niya na sakin. Siguro ang pinakamabuting gawin na lamang sa ngayon ay ang pakawalan siya.. gaano man ito kasakit para sa akin.
I shaked my head to remove him from my thoughts. Ayoko munang mag-isip ng bad vibes ngayong nandito ako sa Hongkong. I must focus on the conference. After tying my hair into a high ponytail, I accentuated it with a dark blue bow.. and I'm off to go.
Nagkasabay pa kaming lumabas ni Sir David ng kwarto. He instantly smiled upon seeing me. "Good morning, Cha!" he greeted me.
I smelled his manly perfume even from a distance. He was sporting a dark blue poloshirt paired with white trousers and a white rubber shoes. He still looks handsome even in a casual attire. Nginitian ko siya ng matipid. "Morning, sir!"
"You look lovely today," he complimented while staring at my attire. "Soulmates talaga ata tayo, we have matching clothes today!"
Namula ako sa nauna niyang sinabi, but I glared at him to hide it. "Soulmates o gaya-gaya ka lang?!"
"Whoa!" he looked at me with amusement. "Paano kita magagaya kung magkasabay lang tayong lumabas ng room?"
"Aminin mo na, Cha! Soulmates talaga tayo!" pangungulit niya sakin ng hindi ako umimik. Ganito pala ang pakiramdam ng may kasamang makulit, nakakaimbyerna! Kung bakit ba kasi nahawa pa to sa ugali ko, parang nag-backfire tuloy sakin yong mga kalokohan ko noon!
"Oo na."
Namilog ang kanyang mga mata. "You mean, sinasagot mo na ako?!"
Hinampas ko nga. "Sabi ko, oo na soulmates na tayo, manahimik ka lang!"
He exaggeratedly covered his mouth. "Sabi ko na nga ba, Charity! Tama ako, may lihim na pagtingin ka sakin!"
I rolled my eyes at him. Hay naku, nakaka stress! Kung gaano siya kaseryoso noon, ganun naman siya kakulit ngayon. Sabagay magtataka pa ba ako, eh pinsan nga pala to ni Pocholo. Nagmamadali akong naglakad pababa sa banquet hall, leaving him behind.
Hingal na hingal si David ng maabutan niya ako sa banquet hall. I was already preparing coffee for us. Mayroon kasi silang serve yourself coffee corner. "Hoy, pikon! Ba't ka nang-iiwan?!" singhal niya sakin.
"Shhh!" saway ko sa kanya. "Manahimik ka nga, boss! Wa poise ang lalaking madaldal!" Napatingin sakin ang isang secretary din ata na kasabay kong nagtitimpla ng kape. Namamangha siguro siya na ganun ako makipag-usap sa boss ko. Kung ganito ba naman ka-isipbata ang boss mo, sinong secretary ang hindi maiimbyerna?!
Luckily, sumunod naman siya. He is now well-behaved, sitting seriously in our table. Para siyang isang tunay na professional kapag ganito.. hindi mo aakalaing may saltik din pala siyang tao.
~~~
Team #DaveCha na ba tayo? 😁🤭
Please comment down your reactions and don't forget to cast your vote by clicking the ⭐ below. Thanks a lot! 😘
BINABASA MO ANG
Bawal na Pag-ibig (SPG) COMPLETED
RomanceThe story of how young Charity dela Vega-Cruz fell inlove with her uncle, Shaun Ysmael dela Vega. WARNING❗: THIS STORY CONTAINS MATURE SCENES. Disclaimer: This is written in Taglish, or a mix of Tagalog and English. This is raw and unedited, so expe...