35 - Noah

3.9K 65 6
                                    

Chapter Thirty-five

I saw my son's round eyes widened when he saw who was with me when I got home. Inimbita ko kasi si Shaun na pumasok muna sa bahay namin pagkahatid niya sakin.

"Papa!" he greeted his father at iniangat ang kanyang dalawang kamay upang magpakarga dito. It was the first time that I heard Noah saying those words. The way he said it, parang kilalang-kilala niya talaga si Shaun. He was very comfortable with him.

Yumuko si Shaun upang kunin at kargahin ang kanyang anak. He showered him with kisses all over his face. My son giggled. Ngayon ko lang din ito nakitang ganito kasaya.

"Papa already did his promise, son. Bati na kami ng Mama mo," kwento ni Shaun sa anak namin.

Namilog ang mga mata ni Noah. "Really po?"

"Yes, anak," masayang sagot niya.

"So it means, makakasama ka na namin po dito sa bahay, Papa?" my son asked.

"No, anak," I interrupted them. "Papa has his own house and he lives there."

Biglang nalungkot si Noah. "Pero bakit po yong mga classmates ko, kasama nila sa bahay yong Papa nila? Saka ito din po ang naghahatid sa kanila sa school?" My heart clenched with what my son said. It is so heartbreaking for a mother to know that her little child feels this way.

Kinuha ko si Noah mula kay Shaun at pinaupo ko ito sa aking kandungan. "Ganito nalang, anak. Papa can come here every morning and bring you to school. Ako naman ang susundo sayo sa hapon. And if you want, he can sleep here during weekends with you."

"Really, Mama?!" my son's face suddenly lit up. "Thank you po!" He kissed both my cheeks, my forehead, and lastly, my lips. My little Noah grew up to be a very sweet boy. Just like his father who is now staring at us fondly.

"Don't worry, anak. Pagbubutihin ko ang panliligaw sa Mama mo. Para sa susunod, magkakasama na tayong lahat doon sa bahay ko," ani Shaun. Pinandilatan ko nga, kung anu-ano ang sinasabi sa anak ko. Pero kinindatan niya lang ako, na nagpabilis sa tibok ng aking puso. Parang bumalik ako sa pagiging teenager, ano ba to?!

"Ano po ang panligigaw?" nabubulol na tanong ni Noah sa ama.

"Panliligaw, anak," Shaun corrected him. "Ito ay ang pagsuyo ng isang lalaki sa babaeng kanyang minamahal sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanyang tunay na pag-ibig at malinis na hangarin dito," paliwanag nito. Parang naging makata bigla ang lalaking to!

Napakamot sa kanyang buhok ang aking anak. "Hindi ko maintindihan po, Papa."

"I'll show your Mama how much I love her," mas pinasimple niya ang sinabi, ngunit nakatitig siya sa aking mga mata habang nagsasalita. Napakalakas ng kabog ng aking dibdib. Wag kang marupok, Charity! Wag ka munang bibigay!

"Love po? Ako po Papa, I just kiss Mama to show her my love," inosenteng sabi ni Noah.

Bigla namang nagliwanag ang mukha ni Shaun dahil sa sinabi ng anak namin. "Kiss din kaya kita, Mama? Para malaman mo na love na love kita!" may nakakalokong ngiting baling niya sakin. Naku! Sinabi ko na nga ba! Basta kalokohan talaga!

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Hindi pwedeng mag-kiss ang manliligaw palang. Saka na pag sinagot na kita!"

Zariah

I planned to surprise my bestfriend today by visiting her in her office. Pero ako ang na-surprise sa ikinuwento niya sakin.

"Really, bessy?! Nagkita na kayo ulit ni Fafa Shaun?" kinikilig kong tanong sa kanya. "So, ano na? May aasahan na ba akong pangalawang inaanak? Maghahanda na ba ako ng regalo sa binyag?"

"Nanliligaw palang siya sakin." Nalaglag ang aking panga. I stared at Charity from head to toe.

"Virgin ka teh?!" histerikal kong saad. Kung kailan kayo nagkaanak, saka ka nagpaligaw! Jusko! Ba't di mo sinunggaban agad?!"

"Eh siya din naman ang nakakuha sa virginity ko ah!" rason niya. "Saka gusto ko namang maranasan ang maligawan noh! Nahuli nga lang.."

"Oh, anong naging reaksyon ng inaanak ko ng makilala ang tatay niya?" I curiously asked.

"Kilalang-kilala siya ng anak ko, bes," she answered.

That awakened my curiousity. "What do you mean?"

"He has been there all the time. Alam niyang nabuntis niya ako, pero hindi siya nagpakita sakin," kwento niya. "He was there during my prenatal checkups. He has pictures of me, kahit yong mukha na akong nakalunok ng malaking pakwan. Siya din pala yong palaging nagpapadala kay mama ng isang basket ng saging na pinaglilihian ko noon. He also has a framed picture of Noah's 3D ultrasound. Kahit noong panganganak ko, may picture siyang kasama kami ni Noah noong nakatulog ako."

I was literally shocked. "Ohh.. Eem.. Gee! You mean, he has been stalking you for five years now?!" hindi makapaniwalang tanong ko.

Dahan-dahan siyang napatango. "Parang ganun na nga. Kakuntsaba niya pala ang Mama ko. Kapag nasa trabaho ako ay siya daw ang nagbabantay kay Noah. Kaya pala hindi nagtatanong ang anak ko tungkol sa kanyang ama, kilala na niya pala ito."

"I still can't believe this, bes. Patay na patay talaga sayo si Shaun!" I exclaimed. "So ano ngang peg mo ngayon? Bakit may panliligaw pang drama?"

I heard her heaved a deep sigh. "Ewan ko, Zari. Maybe I just want to have time to think about this. Nakakatakot na rin kasing sumugal ulit kapag nasaktan ka na noon."

Nakakaunawang tiningnan ko siya. "Bakit, ano pa ba ang gusto mong patunayan niya? Hindi pa ba sapat ang ilang taon na nagdusa kayong pareho ng magkalayo sa isa't isa? Isn't it enough that Shaun bravely came back to you para panindigan kayo ng anak niya?"

Hindi nagsalita si Charity, halatang pinag-iisipan ang aking sinabi. Kaya nagpatuloy ako. "Remember that you are not just thinking about yourself now, Cha. May anak na kayo. Isipin mo si Noah at ang sayang maidudulot mo sa kanya kapag nabuo ang pamilya ninyo. Pero ang tanong, mahal mo pa ba si Shaun?"

She slowly looked at me. "Oo naman. Hindi naman nawala yon eh," mabilis at tila siguradong-sigurado niyang sagot. Napangiti ako.

"Kung ganun, wag mo nang pahirapan pa si Shaun. Sunggaban mo na agad! Ikaw din, baka mapagod yon. Limang taon kayong nagkahiwalay tapos ngayon pahihirapan mo pa," pananakot ko sa kanya. Tila epektibo naman kasi napaisip siya. "I'm sure naman na liligawan ka parin ni Shaun kahit kayo na. Hindi nga pumalya sa pagbibigay sayo ng flowers sa loob ng five years eh."

Kinuha ko mula sa dala kong bag ang isang yellow na envelope at iniabot iyon kay Cha. Ito talaga ang sadya ko. "Oh ayan, invitation mo sa kasal ko. Maid of honor kita ha? Dapat sa susunod, ikaw naman ang magbibigay sakin ng invitation."

~~~

May SPG na kaya sa next chapter?! Abangan! 😁

I need your votes. Click the ⭐ now for me to update tommorow. Thank you! ❤

Bawal na Pag-ibig (SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon