Chapter Twelve
Charity
Katatapos lang ng graduation rehearsals namin ni Zari. Pauwi na sana ako ng pigilan niya ako.
"Teka, bes, coffee shop muna tayo. Libre daw ni kuya!" yaya niya sakin.
Nagdadalawang-isip ako ng malamang kasama namin si Zion. "Parang nakakahiya namang magpalibre sa kuya mo, bes."
"Hay naku! Dati pa naman tayong nagpapalibre sa kanya eh, ngayon ka pa nahiya," aniya. "Kung tungkol sa nangyari noong nakaraan, wag mo ng isipin yon. Wala lang kay kuya yon. Malaki na yon para magmukmok sa isang pambabasted lang."
"Sige na, bes! Minsan na nga lang kitang makasamang lumabas dahil palagi kang nagmamadaling umuwi. Hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan mo sa inyo," pangungulit niya pa sakin.
Bigla naman akong nakonsensya. Totoo na nitong mga nakaraang araw ay palagi akong nagmamadaling umuwi para makasama si Shaun. Hindi na tuloy kami nakakapag-bonding ni Zariah.
"Oo na, sige na!" pagpayag ko. "Pero sandali lang at itetext ko muna ang jowa ko. Magpapaalam lang ako."
"Ayy, sanaol!" biglang bulalas niya, kinikilig pa. "Naninibago naman ako sayo, bes. Ganyan ka pala kapag nagka-jowa!"
"Kailan mo ba kasi ipapakilala sakin yan ha? Gwapo ba yan?" pang-iintriga niya pa. She is so curious kung sino ba talaga ang secret boyfriend ko.
I smiled at her mysteriously. "Oo naman, sobrang gwapo!"
Napasimangot siya. "Siyempre, boyfriend mo yan eh. Talagang gwapo yan para sayo. Pero naniniwala ako sa taste mo, alam ko namang hindi ka pipili ng lalaking pipitsugin lang."
"Hindi ko siya pinili, bes. Kusa akong na-inlove sa kanya," banat ko.
"Edi, ikaw na!" she said bitterly. She is staring at me like I'm an alien.
I just laughed at her. "Mag-boyfriend ka na din kasi! Ga-graduate na tayo sa college, NBSB ka pa din," tudyo ko pa sa kanya.
"Kilala ko ba yang boyfriend mo na yan? Magbigay ka naman ng clue!" pag-iwas niya sa topic. Lihim na lamang akong napailing. Kahit hindi siya magsalita, alam kong hindi parin nakaka-move on si Zari kay Shaun.
Kaya mas lalong hindi ko muna pwedeng sabihin sa kanya ang tungkol sa relasyon namin ni Shaun. Baka hindi ako mapatawad ni Zari. I don't wanna lose such a good friend like her. "Oo, kilalang-kilala mo siya, bes. Gwapo siya saka matangkad. Yon lang muna ang maibibigay kong clue sa ngayon."
She heaved a sigh. "Okay, I respect your decision. Basta wag na wag ka lang niyang sasaktan, kundi ha-huntingin ko talaga siya! Babalatan ko siya ng buhay at ipapakain sa buwaya!"
Mas dumoble ang guilt na aking nararamdaman. I'm so sorry, Zari.. Kung malalaman mo lang ang totoo ngayon, baka ako ang balatan mo ng buhay.
I composed a text message for Shaun..
Me: Hi, mahal! Hindi muna ako makakauwi ng maaga ngayon kasi nagyayang mag-coffee si Zari. Libre daw ni Zion. Na-guilty naman akong hindi pagbigyan kasi ilang araw ko na siyang iniindian sa mga lakad namin.
Mabilis na nag-reply si Shaun. Nasa bahay na siguro siya ngayon.
Shaun: Ok, mahal! Ingat ka! Uwi agad pagkatapos. I love you!
Napangiti nalang ako, sabay compose ng reply..
Me: I love you, too! 😘
Inilagay ko na sa aking bag ang cellphone. "Tara na!" ako na ang nagyaya kay Zari.
"Sa wakas!" nakasimangot niyang saad. Kanina pa pala siya nakatingin sakin. "Akala ko matagal ka pang makikipagharutan diyan sa secret bf mo eh! May pangisi-ngisi ka pa diyan!"
"Ang bitter mo talaga, bes! Sagutin mo na kasi si Pocholo," I teased her. Pocholo is our classmate since high school na matagal nang may pagtingin kay Zari, kaya hanggang dito sa college ay sinusundan siya. Kaklase din namin ito sa lahat ng subjects hanggang ngayong 4th year. Ibang klase ang tibay nito! Si Pocholo ang pinakamalakas ang loob na stalker na nakilala ko.
Zariah glared at me. "Wag mo nga akong asarin dun! Di ko siya type!"
Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang inaayawan ni Zari kay Pocholo. Hindi naman ito pangit. Ang totoo nga, isa ito sa campus heartrobs namin. He is tall, maganda ang pangangatawan, maputi at makinis ang balat, and most of all.. chinito! May lahing Chinese kasi si Pocholo. Member ito ng school varsity at president ng student organization. Consistent dean's lister din ito, at ito ang summa cum laude ng batch namin. Halos lahat ng female population sa university namin, may crush sa kanya. Well, excluding me and Zariah. Ewan ko kung bakit hindi niya type yon, eh ang swerte nga niya at sa kanya nahumaling si Pocholo Ferrer!
Anyway, pagkarating namin sa coffee shop ay naroon na si Zion. He seems normal when he saw me. Binigyan niya parin ako ng isang tipid na ngiti na palagi niyang ibinibigay sakin kapag nagkikita kami.
"Zy, salamat pala dito sa libre," pag-uumpisa ko ng topic. Nakikita ko kasing medyo awkward siya sakin.
"Wala yon," aniya. "Actually, I asked Zari a favor to bring you here para makausap kita."
Napalingon ako sa bestfriend ko. She gave me a peace sign. Kaya pala todo pa-konsensya sakin.
"Ano bang gusto mong pag-usapan?" I asked him casually.
"I just want to thank you.. salamat sa pag-basted mo sakin." Napakunot-noo ako dun, but I decided to let him continue talking. "Although at first, inaamin kong sobra akong nasaktan. Pero yong pangyayaring iyon din ang nagbukas sakin ng opportunity upang makilala ko iyong babaeng totoong nagmamahal sakin."
Zariah and I both gasped with that.
"At gusto kong makilala ninyo siya," Zion said while looking at the door of the coffee shop. He stood and started walking towards the lady who just entered the establishment. Inakbayan niya ito at hinila papunta sa kinaroroonan namin.
"Girls, meet Brianna, my girlfriend," pagpapakilala niya dito. Which is not necessary, dahil kilalang-kilala namin ito. She was their neighbor!
"Hello, Zari! Charity!" Ate Bry greeted us. Yes, ate because she is two years ahead of us. I didn't expect she would be Zion's first girlfriend.
We stayed in the coffee shop for a little more time, nagkumustahan kami at nag-usap ng iba't ibang topic. Nakilala ko na din si Ate Bry dahil sa dalas kong pumunta kina Zari since high school. Minsan ay ito pa ang tumutulong sa amin noon sa mahihirap na assignments, lalo na sa Math. Pasado alas sais ng gabi na kami nagdesisyong umuwi.
Life is really full of surprises.. napaisip ako habang nakasakay ng tricycle pauwi na sa amin. Kaya pala palaging pumupunta si Ate Bry kina Zari noon, may lihim na pagtingin pala kay Zion. I am happy for the both of them, lalong-lalo na kay Zy. Para ko na din kasi siyang kapatid, kaya masayang-masaya ako ngayong nakahanap na siya ng sariling kaligayahan.
Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang si Shaun ang boyfriend ko?
Pero atleast, medyo nabawasan na yong tinik sa dibdib ko ngayong araw. May magandang kinalabasan naman pala yong ginawa kong pambabasted kay Zion.
Si Zari nalang ang problema ko ngayon. I need to push her more to Pocholo. Nakikita ko namang totoo ang pagtingin nito sa kanya. Alam kong magiging masaya siya dito.
~~~
Please click the ⭐ icon below 👇 to support my story. Thank you so much! ❤
BINABASA MO ANG
Bawal na Pag-ibig (SPG) COMPLETED
RomansThe story of how young Charity dela Vega-Cruz fell inlove with her uncle, Shaun Ysmael dela Vega. WARNING❗: THIS STORY CONTAINS MATURE SCENES. Disclaimer: This is written in Taglish, or a mix of Tagalog and English. This is raw and unedited, so expe...