41 - Brother

4.1K 75 2
                                    

Chapter Forty-one

Nang makauwi kami ng bahay ay naunang umakyat patungo sa guest room sina Papa Mael at Shaun, kasama si Noah. Shaun's father will be staying here in our house tonight. Malungkot daw kasi sa mansiyon niya dahil halos hindi na umuuwi doon si Shaun magmula ng magkabalikan kami. Ang rason naman ni Shaun.. kung nasaan daw ang palay, dapat nandun din ang manok. Loko loko talaga!

Just as I was about to climb in the first step of the staircase, our doorbell rang. Dahil tulog na ang mga kasama namin sa bahay ay si Mama na ang nagbukas ng pintuan. Malakas ang kutob kong sila na ang pinakahihintay kong bisita.

"Sino bang bibisita sa atin ng ganitong oras--" naputol ang pagsasalita ni Mama ng bumungad sa kanya ang bisitang nasa labas ng pinto.

"Good evening, Fatima!" the man in his early fifties greeted her. He looks exactly like my previous boss, Engr. David Khan. He is his older version, because he's his father.. and he is my father, too.

Nang malaman ko ang tungkol dito ay kaagad kong kinausap si David. Inamin niya sakin na alam niya na din, just three months ago. Hindi niya lang alam kung paano sasabihin sakin. Before David sent me to the Aldeguer party, alam na naming dalawa na magkapatid kami sa ama. Engr. David Khan is my older brother.

Pinapasok ko sila sa loob at pinaupo sa sofa dahil nanatiling nakatulala si Mama. My mother was still in the state of shock. She was speechless. "Alam niyo naman siguro kung ano ang ipinunta nila dito, Ma," pukaw ko sa kanya. "Nalaman ko ang tungkol dito when I accidentally found the adoption papers that Papa Edgar signed to let me use his surname." Ang tinutukoy ko ay ang kinilala kong ama, si Edgar Cruz.

"I was so brokenhearted when I found out that Papa Edgar was not my biological father, because I loved him so much like a real father," I continued.

"Because he was your real father! Hindi man kayo magkadugo ay nagpakaama naman siya sayo! Yon ang mahalaga, Charity!" bulalas ni Mama. I can feel that she was just holding back her emotions. She stared coldly at the man beside David. "Hindi mo na dapat hinanap pa ang taong yan!"

"Hindi ko naman dapat siya hahanapin pa eh!" sagot ko. "Nabuhay naman kasi ako ng maraming taon na wala ang tunay kong ama. But then, I saw his picture in your old album. At the back of my newborn picture! I even thought it was David, but then it was an old and almost fading photo so its impossible. Naging curious ako dahil doon. Nagpaimbestiga ako.. only to find out that he was your ex-boyfriend."

"He did not even become my boyfriend," Mama corrected me. Napakunot ang noo ko dahil sa kanyang sinabi. "From the very start, he did not become mine. He was just the man who made me pregnant." My mother's words were full of bitterness and hostility.

Nanatiling tahimik at nakayuko lamang ang tunay kong ama. I have seen him in magazines because he's a famous rich engineer and businessman like my brother, but this was the first time that I have seen him in person. He's the spitting image of my brother. "Ano, Rafael?! Magsalita ka! Nasa harapan mo na ngayon ang anak na tinalikuran mo noon!" puno ng galit na untag sa kanya ni Mama.

I was astonished. Tinalikuran? I suddenly felt resentment towards this man. My mother's rage was very natural.. at kilalang-kilala ko siya, hindi siya gagawa ng kasinungalingan upang siraan lamang ang ibang tao. "Alam mo ba kung bakit hindi ka napanagutan niyang ama mo noon ha, Charity?! Kasi isa siyang sinungaling at manloloko! Pamilyado na pala siyang tao at ginawa niya akong kabit! Huli na ng nalaman ko, buntis na ako sayo."

"Kababata ko at bestfriend si Edgar. Siya ang sumalo sa lahat ng responsibilidad na tinalikuran ng tunay mong ama. Siya ang nagpakaama sayo," she continued. "Ito ang dahilan kung bakit hindi ko na sinabi pa sayo ang tungkol sa tunay mong ama! Nangako kami noon ni Edgar sa isa't isa na ililihim sayo ang tungkol sa pagkatao mo. Ayaw naming masaktan ka kapag nalaman mong tinalikuran ka ng tunay mong ama!"

My mother started crying because of too much pain and hatred. Nilapitan ko siya upang yakapin. Sa wakas ay nag-angat na ng tingin si Engr. Rafael Khan. His eyes were full of regrets, guilt and shame. He was staring sadly at us.

"I'm sorry. I know this has been long overdue, and I know I don't deserve to say this to you.. but I'll still try. Patawarin niyo ako, Fatima.. C-Charity. Alam kong walang kapatawaran yong ginawa kong panloloko sayo noon, at ang pagtalikod ko sa inyo ng anak natin. Maniwala ka, habangbuhay kong dala-dala yong guilt dahil sa ginawa kong yon." To our surprise, the high and mighty Engr. Rafael Khan slowly kneeled infront of us. "Kahit na hindi niyo ako patawarin, sapat na sakin na maipaalam ko sa inyo na labis kong pinagsisihan ang ginawa kong kapabayaan. Pero nagpapasalamat parin ako at mayroong taong sumalo sa inyo at gumawa sa lahat ng mga bagay na hindi ko nagawa." His strict-looking eyes is now full of tears, looking at us with plea.

Kumilos si David upang daluhan ang ama. Dahan-dahan niya itong hinatak patayo. "Tama na yan, Pa. Hindi na natin maibabalik pa ang panahon. Ang mahalaga, pinagsisihan na ninyo ang inyong ginawa." Binalingan niya kami. "What he said was true. He was living in regret through these years. Katunayan nga, hindi na naayos pa ang pagsasama nila ng Mama ko after knowing that he had a child with you, Tita Fatima."

Nagpatuloy si David. "Humihingi na rin ako ng tawad sa inyo para sa nagawa ng Papa ko. Patawarin ninyo siya kung naging mahina siya." He glanced at his wristwatch after a while. "Nasabi na ni Papa ang lahat ng mga dapat niyang sabihin sa inyo. Iuuwi ko na siya at kailangan niya pang uminom ng gamot."

When I nodded, David slowly guided his father out of our house. Tahimik lamang ito at nakatulala. Hinatid ko lamang sila hanggang sa may pinto. I just nodded at my real father when his tear-streaked face glanced at me one last time. Nang tumalikod na sila ay doon na naman naglaglagan ang mga luha mula sa aking mga mata. I don't know what to say.. I don't know how to react.. Kung magagalit ba ako sa kanya, may magagawa pa ba yon? Maibabalik pa ba noon ang mga nasayang na panahon? Maitatama pa ba noon lahat ng mga pagkakamaling nagawa niya? Matatanggal pa ba ng galit ko ang lahat ng sakit na idinulot niya sa Mama ko?

~~~

May mas masaket pa pala na chapter! 💔😥

Ayoko sabing magsulat ng ganito eh! Naiiyak din ako! 😭😭😭

Wag niyong kalimutang mag vote ha? Update ulit ako bukas. Salamat!

Bawal na Pag-ibig (SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon