NAMAMASADA AKO sa taxing ni regalo sakin ni Lucifier habang naka suot ng earpiece ang isa kong teynga. Nakikipag usap kasi ako kay Atticus na kanina pa ako kinukulit na daanan ko daw ang babaeng pulis na sinisinta niya. Gusto niya kasing makasiguro na walang umaaligid-aligid sa babaeng pulis. Kung maka bantay sa babae ay akala mo'y girlfriend niya.
Wala akong choice kundi daanan ang si P01 Suãrez kung saan siya naka assign mag patrolya. Pinagbantaan kasi ako ng gago na susunugin daw niya ang bahay ko kapag hindi ko siya sinunod.
Bilib na talaga ako dito kay Atticus.. ang lakas ng radar. Kung nasaan ang babae nandoon din siya, maliban nalang ngayon dahil siya ang pinapunta ko sa Spain para asekasuhin ang negosyo namin.Hindi na ako magtataka kung susunod siya sa mga yapak ng kaibigan ko na may mga asawa na. Hanggang ngayon ay hindi ko parin na sasabi sakanila na may asawa ako dati. Wala narin namang saysay dahil patay na ang babaeng minamahal ko.
Hanggang ngayon nga ay suot-suot ko parin ang wedding ring namin ng asawa ko. Kapag nasa mission kami ng mga kaibigan ko ay hinahaplos ko lang ang wedding ring na para bang humuhugot ako ng lakas. Hanggang ngayon ay hindi ko parin pinapakawalan ang alaala namin ni Kira. Kahit pa nga, alam kong hindi ko na siya makakasama pa kahit kailan.
Five years narin ang lumipas simula ng mawala ang babaeng mahal ko sa sunog. Hindi ko pinapahalata sa mga kaibigan ko ang lungkot na nararamdaman ko, kaya panay ako tawa sa t'wing magkakasama kami. Sanay akong magkunwari na ayos lang ako, na masaya ako.. kahit ang totoo ay lugmok na lugmok na ako sa kalungkotan.
Wala narin akong planong magmahal ulit. Pinangako ko sa puntod ng asawa ko na hindi na ako magmamahal hangga't nabubuhay ako.
Halos masunog ang katawan ng asawa ko at ang tanging palantandaan ko nalang ng mga panahon na 'yon ay ang wedding ring namin mag-asawa. Kinuha ko 'yon at ginawang pendat sa kwentas ko para lagi ko paring kasama ang asawa ko.
Pumupunta parin ako sa Afghanistan at laging dinadalaw ang puntod niya. Hindi ko makakalimutan ang unang babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Kaya kahit tumingin pa ako sa ibang babae ay hindi ko magawa. Walang makakapantay sa asawa ko, walang makakapalit sakanya sa puso ko.
Palapit ako ng palapit sa patrol car kung saan naka sakay si P01 Suãrez. Lumingon lang ako sa sasakyan nila saka mabilis na nag maneho ng taxi.
"Okay na! Nadaanan ko na. Kasama niya ang isang matandang pulis, okay! Hindi binata. Muka kang tanga!" saad ko kay Atticus na nasa kabilang linya. Napaka seloso talaga ng gago kahit wala naman silang relasyon ng babae. Kung maka-bakod ang gago parang may label sila ng babae.
Bumuga naman ito ng hangin at agad nawala sa kabilang linya. Hindi man lang nagpasalamat sakin ang gago.
Ka partner ko si Atticus sa negosyo sa mga iba't-ibang uri ng guns. Nag su-supplay din kami sa red market ni boss Lucian maging sa goberno sa iba't-ibang bansa.
Naghahanap ako ng pasahero dahil bored na naman ako sa buhay ko. Mabuti nalang din pala binigyan ako ni Lucifier ng taxi, atleast hindi ako mabuburyo sa buhay ko. Minsan nalang din kasi sila sumasama sakin kapag nagyaya akong makipag inuman. Mga under ba naman kasi sa mga asawa nila lalo na 'to si Salem na naabotan ko pang naglalaba ng damit ng asawa niya. Natawa pa ako nong araw na yun dahil nakita kong may black eye siya sa mata at nong tinanong ko kung saan niya nakuha ay natawa nalang ako sa sagot niya. Sinuntok lang naman daw kasi siya ng asawa niya ng mag paalam siyang makikipag inuman kay Lucifier. Kaya wala akong choice kundi umalis nalang at baka mabugbog pa si Salem ng asawa niya.
Isa din 'tong si Lucifier na kaliit-liit ng asawa pero takusa sa misis niya. Maging si Nuroi ay hindi ko narin mayaya dahil TAGA daw siya sa bahay nila, taga-hugas, taga-bantay ng bata, taga-luto, taga-laba. Ito namang si Caleb ay bumalik sa visayas, hindi ko alam kung anong pinagkaka-abalahan ng gago.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 8: Caiden Dela Vega
Romance||R-18🔞|| [✅Complete] ⚠️Matured Content (Under Editing) Caiden Dela Vega, the hottest soldier and a group member of Crimson Blade Assassination.