Chapter 10

22.2K 512 38
                                    

NAKA HANDA NA ako sa gagawin kong pagtakas kay Kira sa bahay ni Mattias. Kanina pa ako panay text kay Kira ngunit kahit isang reply man lang ay wala akong na tanggap kaya mas lalo akong nag-aalala sa asawa ko.

Hindi pa sana ngayong gabi ang gagawin kong pag takas sakanya pero dahil sa hindi ko siya makontak ay pinilit ko si Ruwi na ngayon gawin ang plano ko.

Hindi sumama sakin ang kaibigan kong si Ruwi dahil ayaw payagan ng asawa niya. Si Salem naman ay hindi pwede dahil may emergency daw sa hospital niya na kailangan ay nandoon siya. Si Lucifier naman ay ayaw iwanan ang asawa niya lalo na't kapapanganak lang ng asawa niyang si Heart. Si Raizen naman ay nasa bakasyon kaya hindi ko mahingian ng tulong. Ang iba ko pang mga kaibigan ay wala dito sa Pilipinas.

Kaya ang pinasama sakin ni Ruwi ay si Lord at may isa pa akong kasama na walang ginawa kundi matulog, kahit nakatayo siya ay kayang-kaya niyang matulog. Wala akong tiwala kay Lord at mas lalo na dito kay Lorcan na nag hihilik pa habang naka sandal sa pader natutulog.

"Maasahan ko ba talaga kayong dalawa?" tanong ko kay Lord dahil alam kong hindi sasagot si Lorcan.

Ngunit nagulat ako ng makita kong umayos ng tayo si Lorcan sabay tingin sa gawi ko. May kinuha ito sa bulsa niya saka hinagis sakin na mabilis ko namang nasalo.

Agad kong tinignan ang cellphone na hinagis niya sakin saka ako nag-angat ng tingin para pagalitan sana si Lorcan.

"Kung ako sa'yo.. kumilos kana. Kanina pa ginagawang human punching bag ni Mattias ang asawa mo," walang emosyon niyang sabi kaya agad kong pinindot ang screen ng cellphone. Nag play ang video at halos mapamura ako ng makita kong sinasakal ni Mattias ang asawa ko sa leeg gamit ang sinturon.

"Fuck! Let's go! I have to save my wife," sabi ko at agad pumasok sa backseat.

Pumasok naman si Lorcan sa driver seat habang si Lord naman ang nasa shotgun seat.

"Tinatanong mo kanina kung maasahan mo ba kami diba?" maangas na tanong sakin ni Lorcan kaya medyo nainis ako.

"Oo. Bakit aangal ka?" maangas ko ding tanong sakanya kaya mahinang natawa si Lord.

"Aangal sana, pero naalala kong hinabilin ka ni ate Ruwi sakin kaya makaka lusot ka muna sakin," sagot niya saka binuhay ang makina ng kotse.

"Hold on tight, Mr. Loverboy." saad niya saka pinatakbo ng mabilis ang kotse.

"Putangina ka! Wala akong seatbelt dito sa backseat." sigaw ko sakanya dahil sa gulat ko. Byaheng imperno yata 'to dahil sa bilis niyang mag maneho. Nilulusotan pa talaga niya ang dalawang ten wheeler truck na nasa unahan namin kaya mas lalo akong kinabahan. Hindi ko alam kung saan na pulot ni Ruwi ang dalawang lalaking 'to. Ako lang yata ang natatakot dahil kampanteng naka upo si Lord sa shotgun seat at hindi man lang ikinabit ang seatbelt sa kanyang katawan.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng huminto ang sinasakyan namin sa harap ng bahay ni Mattias. "May balak ka bang patayin ako?" reklamo ko kay Lorcan dahil sa bilis niyang mag maneho.

"Wala pa sa ngayon," sagot niya kaya mas lalo akong nairita.

"Sasama kaba?" tanong ni Lorcan kay Lord.

"Yeah. Bored ako kaya makikipag laro na muna ako," sagot ni Lord sa tanong ni Lorcan.

"Tara na, Mr. Lover boy." tawag sakin ni Lorcan saka binuksan ang pintuan ng driver seat.

Bumaba nadin ako sa kotse habang hawak ang isang baril. Nauna akong naglakad sakanila habang ang dalawa kong kasama ay naka sunod sakin.

Kinasa ko ang hawak kong baril saka ako tumingin sa dalawang lalaki na naka sunod sakin. Kumunot ang nuo ko ng mapansin kong wala man lang silang dalang baril.

Assassin Series 8: Caiden Dela VegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon