MADILIM ANG PALIGID ng magising ako. Bumangon ako sa kama at napagtanto na nakatulog pala ako kanina sa sobrang pagod ko sa trabaho. Sobrang busy namin kanina sa office kaya pagka uwi ko sa bahay ay agad akong humiga sa kama.
Naglakad ako kung saan ang switch ng ilaw saka binuksan 'to. One week narin mahigit simula ng umalis si Mattias dito sa bahay. Kaya medyo nalulungkot ako at baka ilang araw nalang ay baka umuwi na siya dito sa bahay. Tapos na ang maliligayang araw ko na wala siya, araw-araw na naman akong matatakot at hindi makaka-kain ng maayos.
Naisipan kong pumasok sa banyo para mag half bath muna saka ako pupunta ng kusina. Mabilis lang ang ginawa kong half bath at agad akong lumabas ng banyo saka nag suot ng ternong pantulog.
Bumaba ako sa hagdan at agad tinungo ang kusina. Nagugutom na talaga ako kaya gusto kong kainin ay yung mabilis lang lutuin.
Ngunit, agad akong natigilan ng makita ko mula sa bintana si Caiden na naka upo sa labas habang naka tingin sa kalangitan. Nakatalikod ito sa gawi ko kaya hindi niya ako makikita.
Lumabas ako ng kusina para puntahan sa labas si Caiden. Pwede naman kasi siyang umuwi sa bahay niya dahil tapos na naman ang trabaho niya.
Nang makalabas ako ay agad akong lumapit sa naka talikod na si Caiden. Naramdaman niya yata ang presensya ko dahilan para lumingon ito sa gawi ko.
"Bakit hindi ka pa umuuwi, Caiden?" kunot nuo kong tanong sakanya.
Tumingin lang siya sakin saka siya ulit tumingin sa kalangitan. "Death anniversary ng asawa ko ngayon," sabi niya sa mahinang boses.
Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko. Napag desisyonan ko nalang na umupo sa tabi niya saka tumingin din sa kalangitan.
"Sabi mo magka mukha kami ng asawa mo," saad ko.
" Yeah," sagot niya habang naka tingin sa kalangitan. "Pero magka-iba kayo sa boses lalo na sa kilos." saad niya saka tumingin sakin. Nagulat ako ng hawakan niya ang mukha ko gamit ang daliri niya. "May nunal ang asawa ko dito, kaya hindi kayo magka pareho." naka ngiti niyang sabi.
Naka hinga naman ako ng maluwag ng tanggalin niya ang daliri niya sa pisngi ko. "Sa tingin ko.. masaya na ang asawa mo ngayon kung nasaan man siya ngayon," saad ko saka umayos ng upo.
"Sana nga.. dahil ako, hindi ako masaya. Nangungulila parin ako sa pagka wala niya. Hanggang ngayon.. hindi ko magawang palitan siya kahit alam kong wala na talaga siya," malungkot niyang sabi.
Natahimik ako habang nakatitig sa kalangitan. Gusto kong damayan si Caiden, naawa kasi ako sakanya.
"Balita ko uuwi na si boss Mattias bukas ng gabi, Ma'am Ashley," sabi ni Caiden kaya natigilan ako.
"Talaga? U-uwi na siya?" nauutal kong tanong. Hindi ko matanggap na nandito na naman si Mattias sa bahay.
"Yun ang sabi sakin ng isang tauhan niyo, Ma'am Ashley." sagot ni Caiden.
Hindi ako sumagot, feeling ko bigla akong nanghina ng malaman ko yun. Wala na.. hindi na naman ako makaka kilos ng maayos sa bahay na 'to. Kung pwede nga lang wag ng umuwi pa si Mattias dito eh. Ngunit alam ko namang hindi mangyayari yun.
"Pumasok kana po sa loob, Ma'am Ashley." sabi sakin ni Caiden kaya tumango ako.
"Umuwi ka na din. Maaga kang pumunta bukas ha! Gusto kong umalis ng maaga sa bahay eh," naka ngiwi kong sabi.
"Sige po!" sagot niya kaya tumayo ako sa pagkaka upo ko.
"Sige. Ingat ka pauwi!" sabi ko sabay talikod sakanya.
Pumasok ako ng bahay saka dumeritso sa hagdan, nawalan ako ng ganang kumain sa nalaman ko kaya matutulog nalang ako.
Akmang pahakbang na sana ako sa unang baitang ng hagdan ng marinig kong bumukas ang pintuan ng main door.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 8: Caiden Dela Vega
Romance||R-18🔞|| [✅Complete] ⚠️Matured Content (Under Editing) Caiden Dela Vega, the hottest soldier and a group member of Crimson Blade Assassination.