Chapter 22

18.7K 494 89
                                    

KASAMA KO NGAYON sila Salem, Raizen, Andrei, Lucifier at Theo para hanapin ang nawawalang anak ko. Si Kira ay iniwan ko muna sa bahay nila Ruwi, alam ko kasing safe siya do'n. Hindi ko siya sinama dahil sobrang init ng sikat ng araw.

Dalawang grupo ang nagtulong-tulong sa paghahanap sa lalaking nagligtas sa anak ko. Ang isang grupo ay sila Doc. Percival, Lorcan at si Magnus. May isa silang kasama pero hindi ko alam kung tatawagin ko ba ang pangalan niya, pati sila Lucifier ay hindi nila masambit ang pangalan niya. Putangina kasi, paano namin masasambit kong ang pangalan niya ay Sweetheart.

"Ang lakas ng trip ng mga magulang mo para pangalanan ka ng .." Saad ni Salem na hindi matuloy-tuloy ang sasabihin.

Masamang nakatingin ang lalaki kay Salem at ipinakita lang ang gitnang daliri niya. "Eh, sa 'to ang pinangalan ng mga magulang ko eh," inis niyang sabi.

"Tigilan niyo na nga 'yan si Sweetheart. Nakakasakit kayo ng damdamin," saad ni Percival kaya mahina akong natawa. Mukang sanay na 'to tawagin ang lalaki.

"Last week nga, pumunta kami ni Sweetheart sa mall. Nawala kasi siya sa likuran ko kaya tinawag ko ang pangalan niya. Lahat nag tinginan samin ng lumapit si Sweetheart sa' kin. Siguro akala ng mga tao jowa ko ang gagong 'yan," dagdag pang sabi ni Percival na dinuro pa si Sweetheart. Nalukot naman ang mukha niya sa sinabi ni Percival.

"Wala na kayong magagawa sa pangalan ko," saad ni Sweetheart.

"Okay, tama na yan! Saan na naman tayo pupunta ngayon?" Pag-iiba ni Raizen sa usapan.

"Putangina naman oh! Nababawasan ang kagwapuhan ko dahil sa sikat ng araw." Mahangin na sabi ni Salem.

"Pasalamat ka wala dito ang kambal ko baka binara ka na naman no'n." Sabat ni Lorcan habang umiinom sa binili niyang palamig sa kanto.

"Grabe naman talaga ang init ng araw eh," saad naman ni Magnus na nagpapaypay pa sa sarili niya gamit ang kanyang kamay.

"Kung hindi ka ba naman kalahating tanga alam mong mainit nag leather jacket ka pa!" Pambabara ni Lucifier kay Magnus.

"Fuck you! Hari ng kadiliman." Sagot niya habang pinapakita ang gitnang daliri niya.

"Guys, mainit talaga ang panahon dahil kasama niyo ako. Alam niyo na! Nag-uumapaw ang kagwapuhan ko lalo na ang hotness ko. Kaya wag na kayong magtaka," mahanging sabi ulit ni Salem.

"Manahimik ka!" Sabay-sabay naming sabi maliban kay Salem na nalukot ang mukha.

"Tara na! Magsimula na tayo ulit maghanap sa pisteng lalaking 'to." Saad ni Theo habang hawak-hawak ang picture nang lalaking hinahanap namin.

"Caiden, pare! Hindi 'to libre ahh, baka akala mo libre." Saad ni Percival.

"Tawagan ko na ba si boss Lucian?" Pananakot ko sakanya.

"Hindi sasagot 'yun bebe time nila ni boss Ruwi." Sagot niya saka naglakad.

"Oo nga. Libre mo kami ng pares," sabat naman ni Andrei.

"Fine! Ililibre ko kayo pagnahanap na natin 'tong lalaking 'to." Saad ko habang naglalakad kami para pumunta na naman sa isang barangay.

"Maghiwalay-hiwalay ulit tayo. Group ng hotness do'n sa barangay Pilo. Ang group ng handsome do'n sa San Sebastian." Saad ni Salem na nilagyan ng pangalan ang bawat grupo. Kami ang team handsome kasama ko si Raizen, Theo, Andrei, Lucifier at syempre si mahangin. Sa team hotness naman si Percival, Sweetheart, Magnus at Lorcan.

Assassin Series 8: Caiden Dela VegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon