NAGISING AKO NA PARANG may humahaplos sa legs ko. Minulat ko ang mga mata ko at halos mapa-atras ako ng makita ko si Mattias.
Mahapdi parin ang mga sugat kong tinamo dahil sa asido na sinaboy niya sakin.
Ngumisi siya sakin saka 'to umupo sa sahig habang nakatitig parin sakin. "Parang kulang yata ang sinaboy kong asido sa'yo." naka ngisi niyang sabi kaya mas lalo akong kinabahan.
"Tama na, Mattias. Pagod na ako. Patayin mo nalang ako," seryoso kong sabi sakanya.
"Bakit ko naman gagawin yun sa mahal kong asawa ha?" lumapit siya sakin sabay haplos sa mukha ko kaya pilit kong nilalayo ang mukha ko.
"Kaya ka nasasaktan sakin dahil hindi ka sumusunod sa gusto ko. Lagi mo din akong iniiwasan, Ashley." malumanay niyang sabi. Nakayuko lang ako dahil ayaw kong makita ang demonyo niyang mukha.
"Alam mo namang mahal na mahal kita, diba?" tanong niya sakin.
Inangat ko ang mukha ko saka ako nagsalita. "Anong alam mo sa salitang mahal, Mattias? Yung daanin ba sa dahas.. yun ba ang sinasabi mong mahal?" seryoso kong sabi sakanya.
"Lahat nakukuha ko, Ashley. Kahit pa daanin ko 'to sa dahas. Wala akong pakialam, ang importante ay makuha ko ang gusto ko at kasama ka na don sa gusto ko. Kaya nga kita inagaw sa asawa mo," saad niya saka ibinaba ang kamay niya.
"Finally, wala na akong ka agaw sa'yo." naka ngisi niyang sabi na parang nasisiraan ng bait.
Ngumiti ako ng nakakaloko kaya tumingin sakin si Mattias. "Kahit anong gawin mo.. si Caiden lang ang mamahalin ko, Mattias. Hindi ko nga makalimutan kong ilang ulit akong umungol habang umuulos sakin si Caiden," pang-aasar ko sakanya. Nag-iba ang hitsura ni Mattias na para bang ano mang sandali ay sasakmalin niya ako.
Gagalitin ko siya hanggang sa patayin niya ako. Yun nalang ang naiisip kong paraan para matapos na ang paghihirap ko.
"Magdamag naming ginagawa yun nong magkasama kami. Habang ikaw nababaliw sa paghahanap sakin, ako naman ay sarap na sarap sa pinagsaluhan namin ni Caiden," pang-aasar ko ulit.
Mabilis na tumayo si Mattias sa harapan ko saka ako sinakal sa leeg. Nahihirapan akong huminga ngunit hindi ko ito pinapahalata sakanya para mas lalo niya akong sakalin.
"Ginagalit mo talaga ako ha!!" sigaw niya sakin habang nanglilisik ang mata nito sakin.
"Ughh." daing ko ng mas hinigpitan ni Mattias ang pagkakasakal sakin. Kahit nahihirapan akong huminga, nagawa ko paring ngumisi kay Mattias. "M-masakit ba? S-inasabi ko l-ang ang totoo," nahihirapan kong sabi.
"Papatayin nalang kita!" galit niyang sabi at mas lalo akong sinakal sa leeg. Naluluha na ang mata ko dahil sa higpit ng ginagawa niyang pag sakal sakin. Ito na ang hinihintay ko, ang mawala ako sa mundo. Mukang makukuha ko narin sa wakas ang kapayapaan.
"Boss.."
Binitiwan ni Mattias ang leeg ko saka 'to lumingon sa tauhan niya na biglang sumulpot.
Hinahabol ko ang hininga ko habang hinahaplos ko ang leeg ko. Ubo ako ng ubo habang nakatitig lang ako sa sahig.
"What is it?" galit na sigaw ni Mattias.
"May nahuli na po kami mula sa Siege, boss." saad ng tauhan niya. Pilit kong inangat ang mukha ko nong narinig ko yun.
"Good. Ipasok niyo dito. Gusto kong makita ng mahal kong asawa kung pano ako pumatay ng tao," saad niya habang nakatitig sakin.
Biglang bumukas ang pintuan at mula doon ay may dalawang lalaki na naka gapos ang mga kamay sa katawan nila habang nasa likod nila ang mga tauhan ni Mattias. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko ang dalawang lalaking yun na may mga pasa sa mukha.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 8: Caiden Dela Vega
Romance||R-18🔞|| [✅Complete] ⚠️Matured Content (Under Editing) Caiden Dela Vega, the hottest soldier and a group member of Crimson Blade Assassination.