NASA LABAS AKO NG building habang hinihintay ko si Caiden. Wala pa kasi siya kaya nagtataka ako kung bakit late siya ngayon. Kapag nag o-out ako sa work ko ay nandito na siya naka abang sa labas ng building pero ngayon ay wala siya.
Kanina pa din naka uwi ang kaibigan kong si Lyka na simahan ako kanina sa paghihintay sa driver ko. Pero pinauwi ko na siya dahil alam kong pagod din siya ngayong araw.
Nag kamot ako sa ulo ko saka tinignan ang cellphone ko kung nag reply ba sakin si Caiden. Ngunit wala man lang kahit isang reply ang lalaki. Sabi pa naman niya sakin kaninang umaga ay may sasabihin daw siya sakin.
Napabuga nalang ako ng hangin saka naisipang mag commute nalang pauwi. Naglakad ako papuntang kalsada at akmang tatawid sana ng may humintong kotse sa harap ko.
Hindi naman ako kinabahan dahil isa 'to sa kotse na pag mamay-ari ni Mattias. Baka kasi nasiraan ang kotseng ginagamit ni Caiden kaya ibang kotse ang pinang sundi niya sakin.
Naka ngiti akong lumapit sa kotse saka binuksan ang pintuan ng passenger seat. Agad nag laho ang ngiti ko sa labi ng makita ko ang taong nag mamaneho n'on.
"Mattias.." mahinang sambit ko sa pangalan niya.
"Mukang dissapointed ka yata na ako ang sumundo sa'yo, wife." naka ngisi niyang sabi.
Napalunok ako ng ilang beses habang naka titig sa mukha ni Mattias. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o hindi, nandito na ang bangungot ko sa buhay.
"Get in!" madiin niyang sabi kaya agad akong pumasok sa kotse.
Para akong estatwa na naka upo sa passenger seat habang pinapakiramdaman ko ang galaw ni Mattias. Sabi ko na nga ba.. maaga siyang uuwi.
"A-akala ko gabi ka pa makaka-uwi." saad ko.
"I miss you already, wife." sagot niya habang naka tuon ang mga mata niya sa daan.
"A-anong gusto mong lutuin ko para sa dinner natin?" nauutal kong tanong sakanya.
"Let's eat outside, wife." sagot niya sakin kaya tumango nalang ako.
Hindi ko alam pero bigla akong nanghina, hindi dahil nandito na ulit si Mattias. Nanghihina ako dahil inaasahan ko na si Caiden ang susundo sakin. Gusto ko sanang mag tanong kay Mattias kung nasaan si Caiden pero hindi ko nalang tinuloy dahil baka lagyan na naman niya ng meaning yun at baka patayin si Caiden katulad ng ginawa niya sa unang driver ko.
Nakarating kami ni Mattias sa isang mamahaling restaurant. Para lang akong robot na sumusunod kay Mattias. Pati yata pagkain ko ay hindi ko na malasahan, iniisip ko parin kung nasaan si Caiden.
Hanggang sa maka uwi kami sa bahay ay para akong robot. Ganito talaga pakiramdam ko sa t'wing kasama ko si Mattias.
Mas lalo akong nag-alala dahil hindi ko nakita si Caiden. Nandito ang mga tauhan ni Mattias pero siya lang ang wala. Iniisip ko tuloy na baka tinanggal siya ni Mattias. Baka kasi may nag sumbong na naman na tauhan ni Mattias at kung ano-ano na naman ang ginagawang kwento para manira.
Dumeritso ako sa kwarto at siniguradong naka lock 'to. Kinuha ko ang phone ko at agad tinignan kong nag reply ba si Caiden sa mga text ko. Pero kahit isa ay wala man lang akong na tanggap.
Umupo ako sa kama habang iniisip parin si Caiden. Napa sabunot nalang ako sa buhok ko saka humiga sa kama. Pinipilit kong matulog kahit hindi pa ako nag ha-half bath. Iniisip ko kasi ang gusto sanang sabihin ni Caiden sakin. Kaninang umaga ko pa talaga gustong malaman ang sasabihin niya.
Hindi ko namalayan ay unti-unti akong hinihila ng antok hanggang sa tuluyan akong naka tulog.
Kinabukasan, nagising nalang ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Wala akong pasok ngayon kaya ayos lang na tanghali akong magising. Ayaw ko din naman makita ang pag mumukha ni Mattias kaya itutulog ko nalang.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 8: Caiden Dela Vega
Romance||R-18🔞|| [✅Complete] ⚠️Matured Content (Under Editing) Caiden Dela Vega, the hottest soldier and a group member of Crimson Blade Assassination.