MAAGA AKONG NAGISING para ipagluto ng agahan si Kira. Tinitigan ko muna ang mukha ng asawa ko saka ko 'to dinampian ng galik sa nuo.
Umupo ako sa kama saka ko inayos ang kumot sa katawan ni Kira. Dahan-dahan akong bumangon sa kama na walang saplot kahit isa.
Dumeritso ako ng banyo para maligo muna bago ako magluluto ng agahan. Mabilis lang ang ginawa ko at agad akong lumabas ng banyo.
Kinuha ko muna ang cellphone ko na nasa bedside table saka ako dahan-dahang lumabas ng kwarto. Ayaw kong magising si Kira dahil alam kong pagod na pagod 'to kagabi. Hindi ko kasi siya tinantanan kagabi. Ihi lang ang pahinga niya saka ko siya aangkinin ulit.
Naglalakad ako papuntang kusina at agad kong ipinatong ang cellphone ko sa mesa. Lumapit ako sa harap ng refrigerator saka ko 'to binuksan para maghanap ng pwedeng lutuin.
Ngunit, napatigil ako sa paghahanap ng lulutuin ng biglang nag ring ang cellphone ko na nasa table. Isinara ko muna ang pintuan ng ref saka ako naglakad patungo sa lamesa para kunin ang phone ko.
Sinagot ko agad ang tawag na hindi ko man lang tinitignan kung sino ang tumawag.
"Hello," bati ko sa kabilang linya ngunit, wala akong sagot na nakuha.
Inilayo ko ang cellphone sa kaliwang teynga ko para tignan kung sino ang tumawag. Kumunot agad ang nuo ko ng makita kong unregistered number ang caller kaya pinatay ko nalang 'to saka ko inilapag ulit ang phone ko sa lamesa.
Hahakbang na sana ako ng tumunog ulit ang phone ko kaya agad ko 'tong dinampot. Tinignan ko na muna kung sino ang tumatawag bago ko 'to sinagot.
"Hey, Lord." bati ko sa kabilang linya.
"Umalis na kayo dyan, Caiden!" sigaw niya sakin dahilan para kumunot ang nuo ko.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko saka ako naglakad papunta sa hagdan para puntahan ang asawa kong si Kira.
"Fucker! May tumawag ba sa'yo ngayon-ngayon lang?" tanong niya sakin.
"Yeah. Akala ko nga ikaw," sagot ko habang tinatakbo ko ang kwarto namin ni Kira.
"Damn it! Na-trace kayo ni Mattias. Ano mang oras ay makakapasok siya sa underground. Mattia's tracker cracked the code, Caiden. Kailangan niyong maka-alis dyan!" saad ni Lord sa kabilang linya.
Binuksan ko ang pintuan ng kwarto namin ni Kira. Lumapit ako sa asawa ko na mahimbing na tutulog sa kama. "Langga! Langga, gumising ka," pukaw ko kay Kira. Iminulat niya ang mga mata niya sabay upo sa kama.
"Bakit, langga ko?" tanong niya sakin saka tinaggal ang kumot na naka takip sa katawan niya. Nag-iwas ako ng tingin dahil nabubuhay ang pagkalalaki ko.
Tumayo ako saka ako naglakad papunta sa cabinet para kumuha ng damit ni Kira. Bumalik ako sa kama at ako na mismo ang mag bihis kay Kira na halatang naguguluhan sakin.
"Ano bang nangyayari?" tanong niya sakin saka bumaba sa kama.
"Nahanap tayo ni Mattias, kaya kailangan nating maka-alis sa lugar na 'to," saad ko.
"Ano? Papano?" tanong ni Kira na halatang takot na takot.
Inagaw sakin ni Kira ang hawak kong panty niya saka 'to na mismo ang nag suot. Inabot ko sakanya ang fitted pants kaya agad sinuot ni Kira 'yon.
Umuklo ako sa sahig saka ko sinilip ang ilalim ng kama namin dahil dito ko tinago ang mga baril na dinala nila Lord at Lorcan sakin.
"Natatakot ako, Caiden." malungkot na sabi ng asawa ko saka yumakap sakin.
Hinawakan ko siya sa beywang saka ko siya iginiya palabas ng kwarto habang ang isa kong kamay ay may hawak na baril.
"Ayaw kong makuha ni Mattias ulit, pero.. kung yun lang ang paraan para makaligtas ka sakanya, sasama ako ng matiwasay sakanya, Caiden," saad ni Kira.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 8: Caiden Dela Vega
Romance||R-18🔞|| [✅Complete] ⚠️Matured Content (Under Editing) Caiden Dela Vega, the hottest soldier and a group member of Crimson Blade Assassination.