NASA KUSINA AKO at nag luluto ng pananghalian. Linggo ngayon kaya nandito lang ako sa bahay, gusto ko sanang lumabas ng bahay ngunit hindi ko nalang ginawa at baka may mag sumbong pa sakin kay Mattias.
Nang makita kong luto na ang ulam na niluluto ko ay agad kong pinatay ang kalan. Kumuha narin ako ng mangkok para mag sandok ng ulam.
Inilapag ko yun sa lamesa saka ako umupo sa upuan at agad nag simulang kumain.
Magana akong kumain ngayon dahil wala akong demonyong nakikita sa bahay. Sana nga ay hindi na ito bumalik dito o hindi kaya ay matagalan ito sa ibang bansa.
Muntik na akong mabilaukan ng biglang sumulpot si Caiden sa harap ko kaya napa-ubo ako sabay tapik sa dibdib ko.
"Ayos ka lang ba, Ma'am Ashley?" tanong niya sakin habang inaabot sakin ang isang basong tubig.
Agad kong tinanggap yun saka 'to ininom. Masama kong tinignan si Caiden saka ako nagsalita. "Bigla ka kasing sumulpot," saad ko.
"Pasensya na po, Ma'am Ashley. May iaabot lang po sana ako sa'yo," saad niya saka inabot sakin ang hawak niyang folder.
Tinanggap ko naman ito saka ko ito binuklat para tignan ang laman. Nakita ko namang para kay Mattias ito kaya isinara ko ulit ang folder saka inilapag ito gilid ng lamesa.
"Ako na ang bahala don," saad ko kay Caiden saka bumalik sa pagkain.
Aalis na sana siya sa harap ko ng maisipan ko siyang alokin ng pagkain. "Kumain kana ba?" tanong ko sakanya kaya napatigil ito sa pag hakbang.
Lumingon siya sa gawi ko bago siya sumagot. "Hindi pa po, Ma'am Ashley." sagot niya.
"Umupo ka," saad ko sabay turo ko sa bakanteng upuan na nasa harap ko.
Tumayo ako saka kumuha ng plato, kutsara at tinidor. Inilapag ko yun sa lamesa saka ako tumingin kay Caiden na nakatayo parin sa gilid.
"Sabayan mo na akong kumain," saad ko sakanya.
"Baka po magalit sakin si sir Mattias kung sasabay po akong kumain sa'yo, Ma'am Ashley." sabi niya na halatang nag dadalawang isip.
Bumuga naman ako ng hangin saka hinila ang upuan saka seninyasan siya ulit. "Hayaan mo na yun. Wala naman tayong ginagawang mali," saad ko saka ako bumalik sa upuan ko.
Umupo naman si Caiden sa katapat kong upuan saka tumingin sa pagkain. Halata sa mukha niya na nag dadalawang isip siya kung kakain ba siya o hindi.
Inabot ko ang serving spoon na nasa kanin saka ko nilagyan ng kanin ang plato niya. "Sige na, kumain ka na," saad ko. Wala naman 'tong nagawa kaya kumuha nalang siya ng ulam.
Sumubo siya ng pagkain at para bang natigilan ito bigla. Nagtataka naman ako kung bakit ganun ang reaction niya.
"May problema ba?" tanong ko sakanya.
Napakurap-kurap 'to habang naka titig sakin. "Ahm.. pwede po bang.. sa labas nalang po ako kakain," saad niya.
"Sige," tipid kong sagot. Agad siyang tumayo habang dala-dala niya ang plato palabas ng kusina. Naiintindihan ko naman siya kung bakit ayaw niyang sumabay sakin kumain.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 8: Caiden Dela Vega
Romance||R-18🔞|| [✅Complete] ⚠️Matured Content (Under Editing) Caiden Dela Vega, the hottest soldier and a group member of Crimson Blade Assassination.