Chapter 4

21.6K 526 46
                                    

DALAWANG ARAW AKONG ikinulong ni Mattias sa kwarto ko. Hindi niya binibigyan ng pagkain o kahit tubig man lang. Maging ang cellphone ko ay kinuha niya din sakin.

Kanina, may kumatok sa pinto ng kwarto ko at nag sabi na pwede na daw akong lumabas. Kaya agad akong tumayo sa kama para lumabas dahil gutom na gutom na ako.

Bumaba ako ng hagdan habang nag mamasid sa paligid at baka makita ko si Mattias. Hanggang ngayon ay namamaga parin ang mata ko, may namuo nga yatang dugo sa mata ko dahil pulang-pula ito.

Nang makita kong walang tao sa sala ay agad akong tumakbo papunta sa kusina. Ngunit agad akong natigilan ng makarating ako don at nakita ang isang lalaki.

Napakurap-kurap ako habang nakatitig sakanya, bumaba ang tingin ko sa suot niya saka ko napag tanto ang suot niyang uniporme na katulad sa mga tauhan ni Mattias.

Nakita ko sa mukha ng lalaki ang pag-aalala niya habang pinagmamasdan ang mukha ko. "Dadlhin kita sa hospital," saad niya na ikina-iling ko agad. Hindi ko alam kung bakit siya nandito, si taxi driver na may luntiang mata ay nasa harap ko ngayon.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya.

"Ako ang bagong driver. Kahapon lang ako nag umpisa," sagot niya kaya tumango nalang ako.

"Lagi ka bang.. sinasaktan ng asawa mo?" mahinang saad niya habang nakatitig sakin.

Mapait akong ngumiti sakanya saka ako naglakad papunta sa harap ng ref. "Sanay na akong mabugbog ng asawa ko," sagot ko saka binuksan ang ref para mag hanap ng makakain.

"Bakit hindi mo isumbong sa mga pulis," saad niya.

"Matagal ko ng ginawa 'yon. Pero lagi lang akong nahuhuli ng asawa ko kaya binubog-bog lang din naman niya ako ulit." Walang buhay kong sagot.

"Hindi ka niya dapat sinasaktan," seryoso niyang sabi.

Hindi ko nalang siya sinagot saka ako umupo sa upuan para kumain. Kailangan kong bilisan ang kilos ko para maka balik ako sa kwarto ko. Ayaw kong makita si Mattias at baka saktan na naman niya ako ulit.

Itinali ko ang mahaba kong buhok para walang harang kapag kakain ako. Napansin ko naman ang lalaki na titig na titig sakin kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

"Saan mo nakuha yang peklat mo sa leeg?" tanong niya sakin kaya agad akong napa hawak sa leeg ko kung saan ang tinutukoy niya.

Lumingon ako sakanya at akmang sasagot sana ng biglang sumulpot si Mattias sa kusina. "What are you doing here?" tanong niya sa lalaki.

Agad yumukod ang lalaki kay Mattias saka ito nagsalita. "Pasensya na po sir, nauhaw lang po ako kaya pumasok po ako sa kusina," sagot niya.

"May ibang kusina para sa inyong mga tauhan ko, hindi kaba sinabihan ni Lendon?" walang emosyong sabi ni Mattias.

"Nasabihan po sir, nakalimutan ko lang po. Pasensya na po talaga," sagot ng lalaki.

Ayaw kong maki sali sa usapan nila at baka sabihin na naman ni Mattias na may relasyon kami ng lalaki. Ayaw kong may mamatay na naman ulit dahil lang sa selos ni Mattias.

"Labas!" sigaw ni Mattias sa lalaki na agad namang naglakad palabas ng kusina.

Kinakabahan ako habang pinapakiramdaman ang galaw ni Mattias. Hindi ko tuloy alam kung kakain pa ba ako o hindi nalang sa takot ko sakanya.

Umupo siya sa katabi kong upuan saka niya inayos ang buhok ko at inipit 'yon sa gilid ng teynga ko. "Kung hindi mo lang sana ako ginagalit, Ashley, hindi sana kita mabubogbog," saad niya.

Assassin Series 8: Caiden Dela VegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon