Chapter 11

21.7K 491 80
                                    

NAGISING AKO NA parang may malamig na dumadampi sa mukha ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at bumungad sakin ang mukha ni Caiden. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala habang may hawak 'tong ice bag habang dinadampi sa mukha ko.

"Kamusta na pakiramdam mo, langga?" tanong niya sakin, bakas sa boses niya ang pag-aalala habang hinahaplos ang buhok ko.

"Medyo maayos na," sagot ko saka inilibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto.

"Nasaan tayo?" tanong ko kay Caiden.

"Nasa isang tagong bahay tayo na pag-aari ng kaibigan ko," sagot niya sa tanong ko.

"Paano kung mahanap tayo ni Mattias dito?" nag-aalala kong tanong, alam kung papatayin ni Mattias si Caiden kapag nahanap niya kami dito. Maging ako ay papatayin din ni Mattias. Naalala ko pa nong sinabi niyang gigilitan niya ako sa leeg kapag tumakas ako sakanya.

"Don't worry, ang bahay na 'to ay nasa ilalim ng lupa," sagot niya na ikina-kunot ng nuo ko.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

Hindi naman siya sumagot sa tanong ko bagkos ay lumapit siya sakin saka hinawakan ang braso ko na may mga pasa.

Dinampian niya ng ice bag 'yon kaya napasunod ang mga mata ko sa ginagawa niya. "Papatayin ko talaga ang Mattias na 'yon," saad niya sa galit na boses.

"Masyadong madaming tauhan si Mattias para gawin mo ang pinaplano mo," saad ko.

"Wala akong pakialam kung marami siyang tauhan, langga. Kayang-kaya ko siyang patayin ano mang oras. Kailangan ko lang na maitago kita kapag ginawa ko 'yon," sabi niya saka tumingin sakin.

"Hindi mo dapat sinapit 'to, langga. I'm sorry kung ngayon lang ako dumating. I'm sorry kung wala ako sa tabi mo para ipagtanggol ka sa hayop na 'yon." malungkot niyang sabi sakin. "Kung alam ko lang na buhay ka." dagdag niyang sabi.

"Pwede mo bang sabihin sakin.. kung anong nangyari nong nasunog ang apartment na tinitirhan natin sa Afghanistan?" tanong niya sakin na ikina-tango ko.

Bumuntong hininga ako habang iniisip ang mga nangyari sakin.
"Nong araw na yun.. umalis ako sa apartment natin para sana mag grocery dahil paubos na ang stock natin. Ngunit, nasa hagdan palang ako ng makita ko si Mattias," panimula ko.

"Magkakilala ba kayong dalawa?" tanong niya sakin.

Dahan-dahan akong tumango. "Siya ang pinagkaka utangan ng tiyahin ko. Balak sana ng tiyahin ko na ibigay ako kay Mattias para pambayad sa utang niya. Dinagdagan pa ni Mattias ang perang ibinigay sa tiyahin ko dahil nagustuhan ako ni Mattias. Kaso hindi tumupad ang tiyahin ko sa usapan nila ni Mattias at ibenenta ako ng tiyahin ko sa matandang arabu kaya ako napadpad sa Afghanistan dahil tumakas ako sa airport ng makarating kami sa Saudi. Sinabi ko na sa'yo diba na may tumulong sakin na babae nong tumakas ako kaso nawala siya sa paningin ko at hindi ko alam kung saang lugar niya ako dinala," mahabang sabi ko.

Bumuntong hininga ako habang hinihilot ang sentido ko. "Hindi ko inaasahan na mahahanap ako ni Mattias ulit. Kaya laking gulat ko nang araw na 'yon ng makita ko siyang nakatayo sa may hagdan. Siya din ang may pasimuno sa pag sunog ng apartment na 'yon nong makuha niya ako ng tuluyan," malungkot kong sabi habang inaalala ang mga nangyari sa nakaraan.

"Hawak niya hanggang ngayon ang tiyahin ko, pinagtatangkaan niya ako na papatayin niya ang tiyahin ko kapag tumakas ako sakanya. Napilitan din akong pumayag sa kasal dahil pinag babantaan niya ang buhay ng tiyahin ko. Pinapakita niya sakin ang video na binubogbog ng mga tauhan niya ang tiyahin ko at.." hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko dahil naiiyak ako kapag naalala ko ang mga pinagdaanan ko sa kamay ni Mattias.

Assassin Series 8: Caiden Dela VegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon