KINALADKAD AKO NI Mattias pababa ng sasakyan habang naka piring ang mga mata ko. Nasasaktan ako ngunit, hindi ako makapalag sakanya dahil masyado siyang malakas sakin.
Sinuntok din niya ako kanina sa tyan kaya medyo nanghihina ako.
Huminto si Mattias sa paghila sakin, narinig ko nalang ang pagbukas ng pintuan saka ako ulit kinaladkad ni Mattias. Halos magkatumba-tumba ako dahil wala akong makita.
Tinanggal ang piring sa mga mata ko kaya napakurap-kurap ako ng ilang beses para luminaw ang paningin ko. Ngunit, agad akong napasalampak sa sahig ng mabilis akong sinampal ni Mattias.
Nalalasahan ko pa ang dugo sa gilid ng labi ko sa lakas ng sampal ni Mattias sakin. Halos mamanhid ang pisngi ko sa sobrang lakas ng sampal niya sakin."Sinusubukan mo talaga ako, Ashley!" galit niyang sigaw sakin saka ako sinipa ng malakas sa binti. Napa-daing ako dahil sa lakas n'on kaya agad kong iniharang ang dalawa kong kamay para salagin ang mga sipa ni Mattias.
"Hindi ako si Ashley. Ako si Kira! Ako si Kira Dela Vega," umiiyak kong sigaw kay Mattias habang pinipigilan ko ang mga sipa niya. Ayaw ko na, pagod na pagod na ako sa mga pananakit niya sakin. Hindi ko alam kung sisikatan pa ba ako ng araw bukas.
"What did you say?" malamig niyang saad saka 'to tumigil sa pagsipa sakin at umuklo sa harap ko.
Hinawakan niya ng mahigpit ang likod ng buhok ko saka hinila 'to ng malakas para titigan ang mukha ko. "Ikaw si Ashley Meg Villarreal," galit niyang sabi sakin sabay hawak ng mahigpit sa pisngi ko.
"Hindi. Hindi Villarreal ang surename ng asawa ko kundi Dela Vega. Mananatili akong Dela Vega kahit patayin mo pa ako, Mattias. Ang taong tulad mo ay hindi dapat minamahal!" matapang kong sabi sakanya. Kung ito na ang huling araw ko sa mundong 'to, dapat lang na maging matapang ako kahit sa huling pagkakataon.
"Matapang. I see. Bakit.. inaasahan mo ba na maliligtas ka ng lalaking yun?" tanong niya sakin. Unti-unting umangat ang sulok ng labi niya habang naka tingin sakin ng nakakaloko. "Pano ka maliligtas ng lalaking yun.. kung pinaulanan ko ng bala ang katawan niya?" saad niya habang naka ngisi 'to sakin na parang demonyo.
"Hayop ka talaga! Napaka hayop mo! Kailan kaba mawawala sa mundo!!" sigaw ko sakanya kaya mas lalo siyang tumawa.
"Matatagalan pa, wife. Masyado kang atat mabyuda," saad niya saka binitawan ang pisngi ko.
"Oh, may naalala pa pala ako," saad niya saka ngumisi ulit sa harap ko. "Naalala mo ba ang kaibigan mong si Lyka?" tanong niya sakin. Bigla akong natulos ng marinig ko ang pangalan ng kaibigan ko, wag naman sana.
"A-anong ginawa mo sa kaibigan ko?" tanong ko habang kinakabahan.
Bumuga siya ng hininga habang nagkakamot ng isang kilay niya. "Gusto mong malaman?" tanong niya saka inayos ang buhok ko. Hindi ako sumagot habang iniiwas ko ang mukha ko sa kamay niya.
"Pinatay ko. Masyadong matabil ang dila niya kaya pinutulan ko ng dila. Actually, naka display ang dila niya dito, gusto mong makita?" tanong niya. Mas lalo akong naiyak sa mga sinabi ni Mattias. Ang nag-iisa kong kaibigan.. pati siya ay dinamay ni Mattias.
"Kinamumuhian kita, Mattias. Sana mamatay kana! Sana mawala kana sa mundong 'to. Bakit.. bakit pati ang kaibigan ko dinamay mo!! Bwesit ka!!" galit kong sigaw saka ko siya pinag susuntok sa dibdib niya. Wala na akong pakialam, ang mahalaga nalang sakin ay maiganti ang kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 8: Caiden Dela Vega
Romance||R-18🔞|| [✅Complete] ⚠️Matured Content (Under Editing) Caiden Dela Vega, the hottest soldier and a group member of Crimson Blade Assassination.