A/N: Kay Kenjie ang special chapter na 'to.
Naglalakad kaming dalawa ni Xanth sa hallway habang pinag-uusapan ang engagement party ni Ryder.
Kung hindi ba naman kasi gago, pumasok kasi 'to sa isa sa mga bisita ni Rehliza. Kaya sa engagement ang bagsak ng gago.
"Kamusta naman ang bunso mong kapatid, kuya?" Tanong sa 'kin ni Xanth.
"Tigilan mo ako, Xanth. Wala kang makukuhang sagot sa 'kin." Seryoso kong sagot.
"Nagtatanong lang naman. Bibigyan ko sana ng chocolate at flower ang bunso mong kapatid." Sabi niya kaya masama ko siyang tinignan.
"Ipalunok ko 'yang flowers at chocolate mo makikita mo." Banta ko sakanya kaya mahina siyang natawa.
Nakarating kami sa gate habang panay kwento
sa 'kin si Xanth na ang cute daw ng kapatid ko. Malapit ko na siyang batukan dahil naiinis ako. Ayaw na ayaw ko kasing may lumalapit sa kapatid ko na ibang lalaki, kahit kaibigan ko pa 'yan.Napatigil ako sa paghakbang ng may nakita ako sa kabilang kalsada. Napatigil din si Xanth sa paghakbang at agad akong inakbayan sa balikat.
"Masakit ba?" Tanong niya sa 'kin na halatang natutuwa sa nakikita.
Naikuyom ko ang kamao ko habang nakatingin sa dalawan taong malapit sa 'kin. Si Maki at si Trie.
Nahihirapan ako sa t'wing nakikita silang dalawa na masaya. Naging kaibigan namin ni Maki si Kassydy Austrielle Verzabal, nakilala namin 'to ng sinama kami ni papa para sa auction. Hanggang sa lumaki kami ni Maki ay naging malapit kami kay Trie.
Unti-unting nahuhulog ang loob ko sakanya, I admitted to myself that I really like Trie. I don't want to confess my feelings to Trie because I don't want to ruin our friendship.
Pero, putangina! Nagulat nalang ako ng ibalita ni Maki na sila na ni Trie. Hindi ako makapag react ng araw na 'yun lalo na't nasa harap kami ng pagkainan at tuwang-tuwa si mama. Simula no'n lagi ko na silang hindi nakakasama. Kahit gusto kong kumain kasama si Trie, hindi ko na magagawa dahil boyfriend siya ng kapatid ko.
Iginagalang ko ang relasyon nila kaya kusa akong lumayo. Pero kahit ganun, masakit parin palang makita ang babaeng mahal ko na may kasamang iba at ang mas masakit pa no'n, alam kung masaya ang babaeng mahal ko sa kapatid ko. Lagi kong sinasabi na sana ako nalang ang kasama niya. Sana ako nalang ang ka holding hands niya at sana ako ang laging kausap niya.
Lumingon si Trie sa gawi namin ni Xanth at agad na kumaway sa 'kin habang naka ngiti, maging si Maki ay lumingon din sa gawi namin.
"Kenjie.." tawag sa 'kin ng kapatid ko.
Kumaway ako sakanilang dalawa saka sumenyas lang sa kapatid ko na agad niyang ikinatango.
Iniwas ko ang tingin ko sakanila saka inakbayan si Xanth na halatang nag-aalala sa 'kin. Alam niya kasing may gusto ako kay Trie, wala akong malilihim dito kay Xanth dahil may teynga 'to sa mga pader.
"Punta nalang tayo sa restaurant ni uncle Lucifier." Sabi niya. Tumango nalang ako at nagpatianod kay Xanth.
May restaurant kasi malapit dito sa school na pag-aari ni uncle Lucifier.
Nilakad lang namin 'yun ni Xanth hanggang sa makarating kami sa restaurant. Nakita ko agad si Faye na mag-isa lang sa table habang may binabasang libro.
Pumasok kami ni Xanth sa restaurant at nakita namin sa dulo ang iba pa naming mga kaibigan. Tinapik ko lang ang balikat ni Xanth kaya nauna 'tong naglakad papunta sa table nila Koen, Ryder, Vince, Lufhier at ni North.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 8: Caiden Dela Vega
Romance||R-18🔞|| [✅Complete] ⚠️Matured Content (Under Editing) Caiden Dela Vega, the hottest soldier and a group member of Crimson Blade Assassination.