MABILIS KONG SINUNDAN ANG puting van na sinasabi sa' kin ni Maki na kumuha kay Kenjie at sa iba pang mga bata.
Kasama ko ang mga kaibigan ko sa loob ng kotse habang binibigyan ako ni Atticus ng instruction kong saan na ang location ng van.
Nang makita ko ang sasakyan ay hindi ko masyadong dinikitan 'to. Hindi namin pinapahalata na sinunsundan namin ang van, mahirap na baka may gawin pa sa mga bata. Kung wala lang talagang mga bata sa loob ng sasakyan ay kanina pa namin 'to inambush.
Kaya tanging ang magagawa ko nalang muna ay sundan ang sasakyan kung saan hihinto, baka kasi marami pa silang batang nakuha kaya dapat kaming mag-ingat.
Nakatutok lang ang mga mata ko sa van habang may dalawang kotse na nasa unahan ko.
"Uso parin pala ang kuhaan ng mga bata ngayon? Tangina! Naalala ko tuloy n'ong na kidnap ako. Sobrang cute ko kasi n'ong bata pa ako kaya siguro ako dinukot ng mga tauhan ni Rodjan." Mahanging sabi ni Salem na naka upo sa passenger seat.
"Tumigil ka nga! Umaandar na naman ang kahanginan mong hayop ka!" Sabat ni Lucifier na binatukan pa sa ulo si Salem.
Hindi nalang ako sumali sa usapan nila dahil nag-aalala ako kay Kenjie. Wala talagang pinipili ang mga masasamang tao kahit pa nga may kapansanan ang bata. Naiinis tuloy ako.
Kumaliwa ang van kaya sinundan ko parin 'to. Medyo tahimik na ang lugar at maraming mga puno sa paligid. Siguro ay nandito ang hideout nila.
Hanggang sa huminto ang van sa isang lumang building kaya inihinto ko sa di kalayuan ang sasakyan namin habang pinagmamasdan ang lumang building.
"Aba, mahihirap na mandurukot, lumang building lang ang afford," naka ngising sabi ni Salem.
Nakatuon lang ang mga mata ko sa puting van nang bumukas ang pintuan no'n at lumabas ang dalawang lalaki. Hinila nila ang mga bata palabas ng van na walang tigil sa kakaiiyak. Hindi ko inalis ang tingin ko dahil hinihintay ko na ilabas nila si Kenjie.
May lumabas na tatlong lalaki galing sa lumang building at pinagbubuhat ang mga kawawang bata. Narinig ko ang galit na boses ng lalaki habang may hinihila 'to sa loob ng van, galit na galit ang boses ng lalaki dahil siguro ayaw lumabas ng bata sa loob ng van. Naalarma ako ng malakas na hinila ng lalaki ang bata dahilan para makaladkad ang bata at napsubsob 'to sa lupa.
"Kenjie!" Sambit ko sa pangalan ng bata ng makita kong siya ang hinihila ng lalaki. May dala 'tong maliit na bag na lagi kong nakikitang dala niya n'ong nakilala ko silang dalawa ni Maki.
Naririnig ko ang iyak ni Kenjie kaya parang pinipiga ang puso ko dahil sa iyak niya. Napabuga ako ng hangin at agad na binuksan ang pintuan ng driver seat at mabilis akong lumabas para lapitan ang lalaking hawak si Kenjie. Hindi ko kayang marinig ang iyak niya, para bang double ang nararamdaman kong sakit na hindi ko maintindihan. Basta ang alam ko lang ay ayaw kong umiiyak si Kenjie.
Mabilis akong naglakad patungo sa harap ng building at wala akong pakialam kung tinatawag ako ni Theo para pabalikin sa loob ng sasakyan namin.
Nandidilim ang paningin ko sa lalaking humila kay Kenjie dahilan para mapasalampak ang bata sa lupa.
Pumasok ako sa sirang gate kaya agad lumingon
sa' kin ang lalaking may hawak kay Kenjie na halata sa mukha niya ang pagkagulat.Tumakbo ako ng mabilis papunta sa lalaki na nag angat ng baril para sana barilin ako. Mabilis kong sinipa ang hawak niyang baril saka ko sinuntok ng malakas ang leeg niya.
Natumba 'to sa lupa habang namimilipit sa sakit ng leeg niya.
Agad akong lumuhod sa harap ni Kenjie para magpantay ang mukha namin dalawa. "Kenjie.." tawag ko sakanya kaya tumigil 'to sa pag-iyak.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 8: Caiden Dela Vega
Romance||R-18🔞|| [✅Complete] ⚠️Matured Content (Under Editing) Caiden Dela Vega, the hottest soldier and a group member of Crimson Blade Assassination.