Chapter 28

19.8K 596 112
                                    

HINATID KAMI NI CAIDEN sa bahay bago siya umalis para puntahan ang hospital na sinasabi ni Maki.

Nakaupo ako sa mahabang sofa dito sa sala, katabi ko si Maki na pilit kong pinapatahan sa pag-iyak. Damang-dama ko ang hinagpis niya sa pagkawala ng matalik niyang kaibigan.

Halos isang oras siyang umiiyak sa tabi ko, mabuti nalang at niyaya siya ni Brick makipaglaro kaya medyo tumahan 'to pero hindi nagsasalita.

Tumayo ako para pumunta ng kusina dahil nauuhaw ako. Nawala narin ang hilong nararamdaman ko kanina. Panay din ang text ko kay Caiden pero kahit isang reply ay wala akong natanggap galing sakanya.

Kumuha ako ng malamig na tubig saka ko isinalin 'to sa baso at uminom. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana at iniisip si Kenjie. Kahit ako ay nasasaktan sa pagkawala ng batang 'yun.

"Ma'am Kira.."

Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Amanda. Pumasok siya sa kusina kaya inilapag ko ang hawak kong baso saka humarap sakanya. "Ano yun?" Tanong ko dahil nakikita ko sa mukha niya na may gusto siyang sabihin sa' kin. Nasalikod din ang dalawang kamay niya na parang may tinatago 'to.

"Ahm.. may nakalimutan po akong ibigay sa'yo, Ma'am Kira. Nakita ko lang po 'to kanina habang inaayos ko ang dala naming bag ni Brick." Sabi niya saka inilabas ang isang kamay niya mula sa kanyang likuran.

Napadako ang tingin ko sa hawak niya at halos nanlaki ang mata ko at agad inabot 'to. "Yan po 'yung white cloth na nakapalibot kay Brick n'ong inuwi siya ng kuya ko. Tanging Kira lang ang nak burda sa gilid ng cloth at walang pangalan ng baby." Saad niya kaya agad kong ibinuka ang cloth at nakita ang tinahi kong pangalan dati n'ong pinagbubuntis ko ang anak ko.

"Tinago po kasi namin 'yan baka sakaling may maghanap kay Brick at may maipakita akong katunayan kung sino mang magulang ang maghahanap sakanya," dagdag na sabi ni Amanda kaya napaluha ako.

"Thank you, Amanda. Salamat at itinago mo 'to para samin. Alam ko kasing ilalayo ang anak ko kaya gumawa nilagyan ko ng pangalan ang malaking cloth na 'to. Tandang-tanda ko 'to." Saad ko habang hinahaplos ang pangalan ko na naka burda sa cloth.

"Walang anuman po, Ma'am Kira. Masaya po ako na mabubuo narin po ang pamilya ni Brick. Pero sana po, Ma'am Kira.. sana po madalaw parin po namin si Brick." Saad niya saka yumuko. "Napamahal narin po kasi siya samin kaya medyo malungkot din po na may halong saya." Dagdag niyang sabi kaya ngumiti ako sakanya.

"Bukas ang bahay namin sainyo, Amanda. Kahit ang nanay mo.. pwede siyang pumunta dito para bisitahin si Brick. Malaki ang utang na loob ko sa pamilya ninyo, Amanda. Kaya hangga't nabubuhay ako.. tatanawin ko 'tong utang na loob sainyo. Hindi niyo pinabayaan ang anak ko, inalagaan niyo siya na para niyong kadugo, kaya maraming salamat do'n, Amanda." Nakangiti kong sabi.

Ngumiti siya sa 'kin, kaya hindi ko napigilang hindi yakapin si Amanda.

"Ako na po magluluto ng pagkain, Ma'am Kira. Magpahinga nalang po muna kayo, hindi po ba nahihilo ka?" Tanong niya sa 'kin.

"Oo kanina, pero nawala naman na. Hindi kasi ako pwedeng umakyat sa kwarto lalo na't kailangan kong damayan si Maki," sagot ko kay Amanda.

"Sino po ba si Maki, Ma'am Kira?" Tanong niya sa 'kin.

"Sila 'yung mga naging kaibigan ni Caiden. Dalawang bata yan sila eh, si Maki at si Kenjie.. kaso nga lang may nangyaring trahedya. Gusto ko pa naman sanang ipakilala si Brick sa dalawang bata." Malungkot kong sabi. Hanggang ngayon kasi hindi parin ako makapaniwala na wala na si Kenjie. Sobrang bilis ng pangyayari, kung alam ko lang na mangyayari 'to, sana pala hindi namin pinayagan ang dalawang bata na umalis sa bahay n'ong araw na 'yun. Nagsisisi ako kung bakit hindi ko sila pinigilan. Sana pala hindi namin sila hinatid malapit sa seaside.

Assassin Series 8: Caiden Dela VegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon