Chapter 27

18K 464 42
                                    

HINDI AKO MAPAKALI HABANG inaayos ang mga pagkain sa lamesa. Dumating kasi kanina si Amanda kasama ang anak kong si Brick.

Nakiusap kasi ako kay Amanda na kung pwede ay dito na muna siya tumira kasama si Brick para lang masanay ang bata samin ni Caiden. Gusto ko na talagang makasama ang anak ko kaya kahit ano, gagawin ko mapalapit lang siya samin.

Tinawag ko sila para kumain kami ng sabay-sabay. Pinipilit pa ni Amanda si Brick na tumabi samin ni Caiden, pero ayaw talaga ng anak namin.

Ngumiti nalang ako kay Amanda saka siya sinenyasan na ayos lang.

Habang kumakain ako ay panay ang titig ko sa anak kong si Brick na tahimik na kumakain sa tabi ni Amanda. Nilalagyan ko din ng ulam kapag nakikita kong ubos na ang ulam niya.

Tahimik naman si Caiden sa tabi ko na kumakain din habang nakatitig din kay Brick. Kailangan lang muna namin bigyan ng kunting panahon si Brick na mag adjust. Alam kung nahihirapan siya kaya ayaw ko siyang pilitan.

Naramdaman kong hinaplos ni Caiden ang tyan ko kaya lumingon ako sa gawi niya. Kaninang umaga na kompirma namin na buntis nga talaga ako. Agad nagpatawag ng obgyne si Caiden at pinapunta nalang dito sa bahay dahil sa nahihilo ako kanina.

Doon namin nalaman na mag two-two months na ang tyan ko. Kaya sobrang saya namin ni Caiden. Nadagdagan pa ang saya namin lalo na't nahanap na namin ang anak namin na si Brick.

Plano sana namin ni Caiden na puntahan sila Maki at Kenjie mamaya para ipakilala ang anak namin. Nagbabakasakali kami na maging kaibigan nila si Brick para magkaroon siya ng rason para ngumiti at magsalita. Ayaw niya kasing makipag usap samin, maging si Amanda ay sinasagot lang niya ng tango at iling.

Nakangiti ako sa anak ko habang pinagmamasdan siyang iniinom ang chocolate na hinanda ko kanina. Pinuno ko din kanina ang ref namin ng mga pagkain para sa anak ko.

Nang matapos kaming kumain ay agad na nilinis ni Caiden ang pinagkainan namin. Tinulongan siya ni Amanda dahil nahihiya daw 'to na walang gagawin sa bahay habang nakikitira daw siya dito.

Lumapit ako kay Brick at sinubukan kong hawakan ang kamay niya. Napangiti agad ako ng hawakan niya ang kamay ko saka 'to bumaba sa upuan kaya inalalayan ko siya.

"May ipapakilala kami sa'yo, Brick. Alam ko matutuwa ka sakanila." Naka ngiti kong sabi.

Nakatitig lang sa' kin si Brick at agad yumuko. Unti-unting nawala ang ngiti ko kaya tumikhim ako para mawala ang lungkot ko. Hinaplos ko ang buhok niya kaya nag-angat 'to ng tingin sa' kin.

"Gusto mo bang makipaglaro sa ibang bata?" Tanong ko kay Brick. Nakwento kasi sa' kin ni Amanda na mahilig daw makipaglaro si Brick sa mga ka edaran niya ng basketball. Kaya plano sana namin ni Caiden na sunduin sila Maki at Kenjie. Para kahit papano ay may makakalaro siya.

Lumapit samin si Caiden saka hinawakan ang beywang ko kaya napalingon ako sakanya. "Gusto mo pumunta tayo sa seaside?" Tanong ni Caiden kay Brick kaya agad 'tong ngumiti saka tumango.

Napangiti nalang ako dahil nakangiti ang anak namin.

"Sama ka samin, Amanda?" Tanong ko.

"Sige po, Ma'am Kira." Sagot naman agad niya
sa' kin.

Magkahawak kamay kaming tatlo na lumabas ng bahay. Nakasunod naman samin si Amanda.

Pinagbuksan ako ni Caiden ng pintuan sa passenger seat at inalalayan niya akong pumasok sa loob ng kotse. Binuksan din ni Amanda ang pintuan ng backseat kaya agad na inalalayan ni Caiden si Brick na pumasok sa loob ng kotse.

Umikot si Caiden papuntang driver seat saka pumasok sa loob ng kotse. Agad niyang binuhay ang makina at pina-usad 'to para puntahan namin si Kenjie at Maki.

Assassin Series 8: Caiden Dela VegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon