AGAD NA TUMAKBO ANG ASAWA kong si Kira pati narin si Maki papunta kay Ruwi na karga-karga si Kenjie.
Pumasok din si Matamis na puso na may ngiti sa labi, habang ang isang kamay niya ay may hawak na lolipop. Naglakad 'to papunta sa 'kin saka itinaas ang kamay niya na parang nakikipag apir sa 'kin kaya agad kong inangat ang kamay ko.
"Ayos ba ang drama ko, sir?" Tanong niya habang naka saludo pa sa 'kin.
"Maayos ang drama mo. Pero si Caiden hindi." Sabat ni Ruwi sa usapan namin ni Matamis na puso habang binababa si Kenjie.
"Oo nga. Sinabi ng huhuliin muna natin ang babae. Para malaman natin kung saan nagtatago si Mattias." Sabat din ni Salem na inaagaw ang hawak ni Lord na chuckie.
Hindi nalang ako sumagot habang nakatitig parin kay Amanda na nag mamakaawa na ngayon samin.
"Parang awa niyo na. Hindi ko talaga alam ang sinasabi niyo. Hindi ko din kilala ang Mattias na sinasabi niyo." Umiiyak niyang sabi.
"Tumigil ka na nga! Huling-huli ka na nga, nag de-deny ka pa. Talaga kayong mag babae oh. Kapag kasalanan niyo denedeny niyo, pero kapag lalaki na ang may kasalanan wala ng explain, sampal na agad." Saad ni Magnus.
"Oo nga. Kayo talagang mga babae. Huling-huli na nga nag de-deny pa. Kaya hindi na talaga ako mag-aasawa. Baka lokohin lang din ako ulit." Sabat naman ni Lord na dinawit ang sawi niyang pag-ibig.
"Tumigil nga kayong dalawa. Pareho kayong mga virgins!" Sabi ni Ruwi.
"Ahm.. nandito pa ako, ate Ruwi. Never been kissed, never been touched." Sabi ni Lorcan na itinaas pa talaga ang isang kamay.
Hindi ko alam kung paano napunta sa love life at virgins ang usapan namin. Mga animal talaga 'tong mga 'to. Nasa seryoso kaming usapan pero napunta sa kung saan.
"Anong plano mo sa babaeng yan?" Tanong ni Ruwi sa 'kin.
"Lapatan ng latigo para umamin," sagot ni Matamis na puso.
Lumingon ako kay Matamis na puso saka ako nagsalita. "Anong balita sa totoong magulang ni Brick?" Tanong ko.
"Papunta na sila dito, sir." Sagot sa 'kin ni Matamis na puso.
"Itali muna natin 'to. Mahirap na baka makagat kaming dalawa ni Magnus." Sabi ni Lorcan na may hinugot na tali sa likod ng pantalon niya.
Tumingin ako kay Kira, Maki at Kenjie na nagyayakapan. Lumapit ako sakanila saka ako lumuhod sa harap ni Kenjie.
Hinawakan ko ang dalawang kamay ng anak ko saka ko 'to dinampian ng halik. "Finally, nahanap ka din namin." Naiiyak kong sabi saka hinahaplos ang buhok ng anak ko.
N'ong na bangga sila Kenjie at Maki ay agad silang tinakbuhan ng nakasagasa sakanila. Mabuti nalang at laging binabantayan ni Sweetheart ang dalawang bata kaya agad niyang dinala sa hospital.
Sa tulong ni Percival ay naging maayos ang kondisyon ng dalawang bata. Doon ko nalaman ang ginawang dna test ni Percival sa 'kin at kay Kenjie. Iba kasi talaga ang pakiramdam ko sa bata kaya inutusan ko siyang ipa-dna test kaming dalawa.
Nang malaman ko ang resulta ay dinala ni Percival si Kenjie sa bahay ni Ruwi at do'n ay itinuloy ang gamutan niya. Si Percival narin ang naging doctor ni Kenjie kaya kampante ako na ligtas ang anak ko. Si Sweetheart naman ay siniguro na nasa ligtas na lugar si Maki kaya lagi niya 'tong sinusundan.
Habang ako ay sinasakyan ang mga drama ni Amanda. Nalaman ko din na dinukot lang din pala 'to si Brick sa mga totoong magulang niya. Pinagbantaan pa talaga ang bata na kapag hindi sumunod sa pinapagawa ay papatayin ang mga magulang niya. Hindi six years old ang edad ni Brick, kundi eight years old na talaga siya.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 8: Caiden Dela Vega
Romance||R-18🔞|| [✅Complete] ⚠️Matured Content (Under Editing) Caiden Dela Vega, the hottest soldier and a group member of Crimson Blade Assassination.