GANADO AKONG NAGLULUTO dahil pumayag si Maki at Kenjie na dito matulog sa bahay. Si Kira naman ay tuwang-tuwa sa dalawang bata, she even ordered clothes para may bagong damit ang dalawang bata.
I talked to Maki and Kenjie earlier and I offered again my house for them. But, they didn't want to accept my offer. Maging ang asawa kong si Kira ay nalungkot sa sagot ng dalawang bata. Wala naman akong magagawa dahil 'yun ang gusto nila.
Tanging ang magagawa ko nalang ay icheck sila araw-araw kung saan man sila titira sa kalsada. Ayaw din kasi nilang tanggapin ang orphanage na sinasabi ko sakanila. Ayaw daw nilang umalis sa kalsada at baka daw balikan sila ng mga magulang nila.
Napansin yata ni Maki ang lungkot namin ni Kira kaya pumayag silang dalawa ni Kenjie na dito sila matulog ngayong gabi.
Habang nagluluto ako ay katext ko si Magnus at nagpapabili ako sakanya ng mga dessert. Naubos na kasi ang stocks ko sa bahay dahil lang kay Kira. Hindi naman siya mahilig sa mga matatamis pero ngayon ay kaya niyang umubos ng isang container ng ice cream. Maging ang mga ayaw niyang chocolates dati ay pinabili niya sa' kin at halos dalawang araw lang niya.
Naririnig ko pa ang tawa ni Maki at Kira sa sala kaya naglakad ako palabas ng kusina para silipin ang ginagawa nila. Napangiti nalang ako dahil sinusukatan pala ng damit ni Kira si Maki at nilalagyan niya ng polbo ang likod ng bata kaya panay ang tawa ni Maki, si Kenjie naman ay tahimik na naka-upo sa katapat nilang upuan, nakabihis narin 'to habang suot parin ang itim na sunglass niya.
Bumalik ako sa kusina at baka masunog pa ang niluluto ko. Baka magkabukol ako ng wala sa oras.
I felt my cellphone vibrate on the back of my pants. Kinuha ko 'to at tinignan kong sino ang tumatawag. Sinagot ko naman agad nang makita ko ang pangalan ng caller.
"Hello, Sweetheart!" Bungad ko sa kabilang linya. Ngunit, agad akong napangiwi ng may humampas sa ulo ko. Nilingon ko agad ang may gawa no'n at nakita ang asawa ko na masamang nakatitig sa' kin. Fuck! Ito na nga ba sinasabi ko eh, pahamak talaga ang pangalan ng gagong 'to.
"May ibang babae ka ba, Caiden?!" Galit niyang sigaw sa' kin kaya napatayo ako ng deritso.
"Wala, langg—
"Wag mong susubakan mag sinungaling sa' kin kundi ihahampas ko sa ulo mo 'tong kawaling hawak ko." Galit niya sabi kaya halos napamura ako sa isipan ko. Kaya naman pala masakit 'yung pagkakahampas niya sa ulo ko dahil kawali pala 'yun. Sa asawa ko lang pala matatamasa ang bukol na hinahanap ko.
"Sagot!! May ibang babae ka ba? At talagang sweetheart pa ang tawagan niyo!! Porke't ba ganito ang balat ko sa braso ay ipagpapalit mo na ako!" Naiiyak niyang sabi.
Agad akong umiling habang sinusubukan siyang hawakan ngunit umatras lang 'to. "Kahit kailan hindi ko magagawang mambabae, langg—
"Hindi!! Eh, sino 'yang tinatawag mong sweetheart?? Wag na wag ka talagang magsisinungaling sa' kin, Caiden. Kanina pa ako nasa likod mo kaya rinig na rinig ko." Sabi niya habang nanlilisik ang mata niyang nakatingin sa' kin.
Inilapag niya ang hawak niyang kawali sa mesa saka 'to umalis sa harapan ko. Susundan ko na sana ang asawa kong naka inom yata ng tuyo at dumeritso yata sa utak niya.
Bigla kong naalala na kausap ko nga pala ang gagong 'yun kaya tinignan ko muna ang screen ng cellphone ko kung pinatay ba niya. Ngunit nakita kong hindi niya pinatay ang tawag kaya inilapit ko ang cellphone ko sa isa kong teynga.
"Fuck you ka! Pahamak 'yang pangalan mo. Wag ka talag magpapakita sa' kin kundi sasakalin talaga kita." Banta ko sakanya saka ko pinatay ang tawag na hindi hinihintay ang sagot ni Mapait na puso.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 8: Caiden Dela Vega
Romance||R-18🔞|| [✅Complete] ⚠️Matured Content (Under Editing) Caiden Dela Vega, the hottest soldier and a group member of Crimson Blade Assassination.