NAKA ABANG AKO sa labas at hinihintay na lumabas si Ashley. Nakita ko siya agad kasama ang kaibigan niya kaya binuksan ko na ang pintuan ng backseat.
Naka sunod lang ang tingin ko kay Ashley na nag papaalam sa kaibigan niya saka ito tuluyang naglakad papunta sa deriksyon ko.
Yumukod ako sakanya ng makalapit siya sakin saka ko siya inalalayan maka pasok ng kotse. Isinara ko ang pinto saka ako naglakad papunta sa driver seat.
Binuksan ko ang pintuan saka ako pumasok at agad binuhay ang makina ng sasakyan. Tumingin ako kay Ashley mula sa rear view mirror at napansin ang mga pasa niya na malapit ng gumaling.
"Ma'am Ashley, pwede ba akong.. magtanong sa'yo?" saad ko kaya napa angat siya ng mukha at nagka salubong ang tingin namin mula sa rear view mirror.
"What is it?" sagot niya saka ibinalik ang tingin sa hawak niyang libro.
"Bakit hanggang ngayon ay hindi mo parin iniiwan si boss?" tanong ko na ikina-tigil niya.
"What do you mean?" kunot nuong tanong niya.
"Ang sabi mo ay lagi kang binubogbog ni boss kaya nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon ay hindi mo parin siya iniwan," saad ko.
Hindi siya naka sagot sa tanong ko, expected ko na yun lalo na't bago palang niya ako nakilala. But, I want to know her reason, kung bakit siya nag titiis sa pananakit ni Mattias sakanya.
Nag focus nalang ako sa daan ng makita kong yumuko si Ashley. Ibig sabihin lang n'on ay ayaw niyang pag-usapan. Ayaw ko naman siyang pilitin kaya hindi na ako nagsalita pang muli.
"Hawak niya ang mga magulang ko," biglang saad ni Ashley kaya tumingin ulit ako sa rear view mirror.
Nagkasalubong ulit ang tingin namin kaya inalis ko ang tingin ko sa rear view mirror.
"Itinago niya ang mga magulang ko kaya kailangan kong mag-tiis para malaman ko kung saan niya tinatago ang mga magulang ko," malungkot na sabi ni Ashley.
Hindi ko maiwasang hindi tumingin sa mukha niya. Halos magkamukha sila ng asawa ko, kaya siguro gustong-gusto ko siyang tulungan. Naaawa ako sakanya lalo ng nakita ko ang mukha niya na namamaga. Kung pwede ko lang sana patayin si Mattias ay baka matagal na siyang inu-uod ngayon. Ngunit nangako ako kay Ruwi na hindi ako gagawa ng hakbang at baka may masirang plano. Mukang tama si Ruwi, ibig sabihin lang nito ay may kailangang makuha si Ashley kay Mattias kaya siya nag titiis.
"Gusto mo bang tulungan kita?" tanong ko.
"Hindi na! Ayaw kong may taong madamay na naman sa problema ko. Kaya salamat nalang sa concern mo," saad niya kaya napa buga ako ng hangin.
"Pero kung magbago ang isip mo, Ma'am Ashley, willing akong tumulong sa'yo, sabihan mo lang ako at gagawin ko ang utos mo," saad ko.
"Salamat," tipid niyang sagot kaya tumingin ulit ako sa rear view mirror para pagmasdan siya.
Nakayuko na naman kasi ito habang nagbabasa ng libro. Palipat-lipat ang tingin ko sa daan at sa rear view mirror para pagmasdan ang ginagawa niya.
Hanggang sa nakarating kami sa harap ng gate ng bahay. Bumukas ang gate kaya pina-usad ko ang sasakyan papasok.
"Caiden.." tawag niya sakin kaya napalingon ako sa gawi niya.
"Ano yun, Ma'am Ashley?" tanong ko.
"Pwede bang.. atin atin lang 'to. Ayaw kong mahuli ako ni Mattias kaya sana wag mong ipag sasabi kahit kanino,"
"Wala akong pagsasabihan, Ma'am Ashley, pangako yan," sagot ko kaya napa-ngiti siya. Damn it! Pati ang ngiti ng asawa ko ay parehong pareho kay Ashley.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 8: Caiden Dela Vega
Romance||R-18🔞|| [✅Complete] ⚠️Matured Content (Under Editing) Caiden Dela Vega, the hottest soldier and a group member of Crimson Blade Assassination.