TATLONG ARAW NA kaming magkasama ni Caiden sa bahay na 'to. Natatawa nalang ako sakanya dahil ayaw niya akong pakilosin. Ang gusto niya ay siya lang ang gagawa ng gawaing bahay, dahil ayaw daw niya akong mapagod.
Ganito naman talaga siya simula ng maging mag-asawa kami dati. Hindi parin siya nagbabago.
Nakaupo lang ako sa stool habang pinapanood si Caiden na nag luluto ng pananghalian namin. Bago siya nag luto ay ginamot muna niya ang mga sugat ko, mabuti nalang at medyo gumagaling na ang mga pasa ko.
Para akong naka hinga ng maluwag dahil nandito na sa tabi ko si Caiden. Hindi katulad dati na halos araw-araw akong takot na takot. Kahit nga pagkain ko ay kinakabahan ako kapag nasa paligid lang si Mattias. Ngayon para akong nabunutan ng tinik. Tanging hiling ko lang na sana ay hindi na ako mahanap pa ni Mattias. Ayaw ko ng bumalik sakanya, sigurado ako.. papatayin niya ako kapag nahanap niya ko.
Ayaw ko sanang madamay si Caiden, pero kahit anong pilit kong gawin, na punta parin kami sa siwasyon na 'to.
Kapag nakahiga ako sa kama ay iniisip ko ang muli naming pagkikita ni Mattias. Kapag nangyari yun ay sasama ako sakanya ng kusa kaysa naman masaktan si Caiden at ang mahal ko pa sa buhay na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung saan tinatago ni Mattias.
Susulitin ko nalang ang mga araw na magkasama kami ni Caiden habang hindi pa ako nahahanap ni Mattias. Sigurado ako na pinapakalat na niya ngayon ang mga tauhan niya para lang mahanap ako. Maimpluwensyang tao si Mattias kaya nasisiguro ako na mahahanap niya ako.
"Are you hungry?" tanong sakin ni Caiden dahilan para maputol ang pag-iisip ko sa mga mangyayari.
"Hindi pa naman," naka ngiti kong sagot sakanya. Naka hubad baro pa talaga 'to habang may suot na black apron.
"Mabuti naman at gumagaling kana sa pagluluto," saad ko habang naka tingin parin sa mga kilos niya.
"Ako pa ba, langga. Araw-araw kitang lulutan at pagsisilbihan," sagot niya kaya napa-iling nalang ako.
Nakasunod lang tingin ko kay Caiden na kumuha ng plato saka niya 'to inilapag sa lamesa. Akmang tutulong sana ako sakanya ng pigilan naman niya ako. Wala akong nagawa kundi umupo nalang ulit habang hinihintay na maluto ang ulam na niluluto niya.
Bumalik si Caiden sa paghahalo saka siya kumuha ng kutsara para tikman ang niluto niya. Lumingon siya sakin habang naka ngiwi kaya mahina akong natawa.
"Langga, pwede bang ikaw ang mag timpla," naka nguso niyang sabi kaya tumango ako sakanya.
Tumayo ako sa pagkaka-upo saka ako lumapit kay Caiden. Tinikman ko na muna ang luto niya para malasahan ko muna. Napa-ngiwi din ako dahil sobrang alat ng niluto niya.
"Sorry, langga. Nabuhos ko ang asin kanina eh," saad niya habang nagkakamot sa likod ng ulo niya.
Pati ako ay napakamot nalang din sa ulo.Mabuti nalang at nagawan ko pa ng paraan ang niluto niya kundi mag luluto talaga siya ng panibagong ulam.
Si Caiden na ang nag sandok ng ulam habang ako ay naka upo na sa pwesto ko. Inilapag ni Caiden ang sinandok niyang ulam sa harap niya hinila ang upuan na nasa harap ko at inilipat yun sa tabi ko. Umupo siya at agad nilagyan ng kanin at ulam ang plato ko.
"Kumain ka ng marami, langga." saad niya habang nilalagyan ng sabaw ang kanin ko.
"Kumain ka na din, langga ko." saad ko dahilan para mabitawan ni Caiden ang kutsarang hawak niya.
"What the!" saad niya habang nakatitig sakin.
Kumain nalang ako habang si Caiden ay hindi makapaniwalang naka titig parin sakin. Mukang nagulat yata ng tawagin ko siyang langga ko. Malamang, kinikilig na naman siya dahil sabi niya sakin kinikilig daw siya kapag tinatawag ko siyang langga ko.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 8: Caiden Dela Vega
Romance||R-18🔞|| [✅Complete] ⚠️Matured Content (Under Editing) Caiden Dela Vega, the hottest soldier and a group member of Crimson Blade Assassination.