Chapter 14

21.8K 470 20
                                    

SPG~

TWO WEEKS NA KAMING magkasama ni Caiden dito sa tagong bahay na 'to. Araw-araw ay lagi akong masaya sa piling ng totoo kong asawa. Gabi-gabi ko 'to laging pinagdarasal na sana makasama ko ulit si Caiden. Mabuti nalang at tinupad ng panginoon ang hiling ko.

Naglalaba kaming dalawa dahil niyaya ako ni Caiden maglaba. Wala naman kasi kaming magawa dito sa bahay dahil bawal kaming lumabas ng bahay at baka ma-locate ni Mattias ang pinagtataguan namin.

Mas mabuti ng mag-ingat kaysa naman makuha niya ako ulit. Ayaw ko ng maranasan ulit ang mga pananakit niya sakin.

Sinabi ko din kay Caiden n'ong araw na ikinasal ako kay Mattias ay tinutukan ako ng baril ng mga tauhan niya para pumirma ako. Kaya kahit labag sa kalooban ko ay pumirma ako para lang hindi ako saktan ni Mattias.

Hindi ko alam kung legal ba ang kasal na ginawa niya. Pinalitan niya ang pangalan ko saka niya ako pinakasalan kaya pati tuloy ako naguguluhan. Basta ang alam ko ay si Caiden lang ang asawa ko. Ako si Mrs. Kira Dela Vega, ang asawa ni Caiden Dela Vega.

"Langga.."

Naputol ang pag-iisip ko ng marinig ko ang boses ni Caiden. Pinindot pindot pa talaga niya ang pisngi ko gamit ang isang daliri niya kaya nalagyan tuloy ang pisngi ko ng bubbles.

"Ano yun, langga?" tanong ko sakanya saka ko siya nginitian.

"Kanina ko pa tinatanong kung ipaghihiwalay ko 'to," naka nguso niyang sabi sakin sabay pakit ng pink na damit ko. Tinuro niya ang isang planggana na may lamang tubig at nakalagay do'n ang mga de color na damit.

"Hindi mo naman ako pinapakinggan, langga. Masyadong malalim ang iniisip mo," tampo niyang sabi sakin.

"Sorry, langga ko. May naalala lang ako bigla," saad ko sa asawa ko.

"Si Mattias na naman ba?" seryoso niyang tanong sakin.

Bumuntong hininga ako dahil kahit anong pilit sakin ni Caiden na wag alalahanin ang mga mangyayari palang ay hindi ko talaga magawa. Ang daming pumapasok sa isipan ko at lahat yun ay hindi maganda.

"Sorry, hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko," naka yuko kong sabi sa asawa ko.

Umupo siya sa harap ko saka niya hinawakan ang magkabilaang pisngi ko at inangat 'to. "Wag mo ng isipin ang demonyong yun. Nandito na ako para protektahan ka, kaya hindi kana dapat matakot langga," saad niya saka hinaplos ang pisngi ko.

Dahan-dahan akong tumango saka ngumiti sakanya. "Balnawan mo na yun, langga, para matapos na tayo," utos ko sakanya saka ko tinuro ang planggana na may lamang damit.

"Yes, boss." sagot niya sakin, sumaludo pa talaga 'to sakin saka siya tumayo sa harap ko.

Bumalik ako sa pagkukusot ng damit at pag natapos ako ay inaabot ko kay Caiden para mabalnawan na niya 'to.

Daily routine na namin 'to, nag tutulongan kaming dalawa sa gawaing bahay. Ayaw pa nga niya sana akong payagan maglinis ng bahay dahil reyna daw niya ako, kaya dapat daw siya lang ang gagawa ng gawaing bahay. Hindi ko naman matiis na hindi siya tulongan lalo na't na bo-boring din ako sa bahay kapag wala akong ginagawa.

Pagkatapos namin sa gawaing bahay ay mag bo-bonding lang kaming dalawa, manonood ng horror movies dahil yun ang paborito ko. Ayaw naman yun ni Caiden, ayaw pa kasing umamin na takot siya sa multo.

Pagkatapos n'on ay nauuwi kami sa kama, hinahayaan ko lang din naman si Caiden sa ginagawa niya sakin. Buong puso kong tinatanggap yun lalo na't mahal na mahal ko siya. Sobrang miss na miss ko na ang asawa ko kaya sinusulit ko ang bawat oras na magkasama kaming dalawa.

Assassin Series 8: Caiden Dela VegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon