HUMAHANGOS akong pumasok sa bahay habang palinga-linga sa paligid at baka masundan ako ng lalaking 'yon.
Mabuti nalang talaga natakasan ko siya kanina. Sobrang natakot talaga ako kanina dahil sa higpit ng hawak niya sa kamay ko.
Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok ng bahay. Nakayuko ako habang naglalakad ng may nagsalita sa itaas ng hagdan.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong niya sakin. Nag echo pa ang boses niya sa loob ng kabahayan kaya napa-angat ako ng tingin.
"Ahm.. nasiraan ang sasakyan ng sumundo sakin. Kaya n-nahirapan akong sumakay kanina." saad ko habang nakatingin sakanya na bumaba ng hagdan.
"Siguraduhin mo lang na hindi mo ako niloloko, Ashley. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag nalaman kong may lalaki ka." malamig niyang sabi sakin.
Dahan-dahan akong tumango sakanya dahil ayaw kong makulong na naman sa loob ng kwarto. Ayaw ko narin maramdaman ang mga pananakit niya sakin sa t'wing nagkakamali ako.
Lumapit siya sakin saka mahigpit na hinawakan ang pisngi ko gamit ang isang kamay niya. "Sino ang mga kasama mo kanina?" tanong niya sakin. Lagi nalang ganito, sa t'wing uuwi ako ay lagi niyang tinatanong kung sinong kasama ko at kung saan ako nagpupunta.
"Mga workmates ko lang ang kasama ko." sagot ko agad at hindi pinapahalata na kinakabahan ako.
Binitawan niya ang pisngi ko saka ito sumimsim sa basong dala niya na may lamang alak. "Where's my kiss, wife?" naka ngisi niyang saad sakin.
Kahit ayaw ko man siyang halikan ay inilapit ko parin ang mukha ko sa mukha niya saka mabilis na dinampian ng halik ang labi niya. "Should we eat dinner outside?" tanong niya sakin na agad kong ikina-iling.
"Dito nalang. Ako nalang ang magluluto." saad ko. Ayaw kong kasama siya sa labas dahil naiilang ako sa mga men in black na naka palibot sa t'wing lumalabas kami.
Isa siyang drug lord kaya natatakot akong kasama siya kapag nasa labas kami. Three years na kaming kasal ni Mattias pero kahit kailan ay hindi ako nagpa galaw sakanya. Hindi ko kaya, dahil wala naman akong gusto sakanya.
Kaya sa t'wing pinipilit niya akong makipag talik ay umaayaw ako, kaya lagi niya akong binubog-bog. Halos puno ng pasa ang mga katawan ko dahil sa sobrang inis niya sakin. Minsan pa nga ay sinasakal niya ako sa leeg sa sobrang galit niya sakin.
Pinaparusahan din niya ako at laging kinukulong sa kwarto at hindi pinapakain ng ilang araw.
Lagi akong nagmamakaawa sakanya na maghiwalay na kami ngunit mas lalo lang siyang nagagalit at sinusuntok ang tyan ko. Gustong-gusto ko ng umalis sa poder niya pero hindi pwede. May mahalaga akong dapat alamin kay Mattias kaya lagi kong tinitiis ang pananakit niya sakin.
"Magluluto na ako," saad ko saka ako umalis sa harap niya at tinungo ang kusina.
Habang naglalakad ako ay pinupunasan ko ang labi ko gamit ang palad ko. Ayaw ko siyang halikan, ngunit kapag hindi ko naman ginawa 'yon kanina ay baka masampal lang niya ako ng malakas.
Hanggang ngayon ay maraming pasa ang katawan ko dahil nabugbog na naman niya ako nong nakaraang araw.
Nag hahanda ako ng lulutuin ng yumapos ng yakap sa beywang ko si Mattias. Inaamoy niya ang leeg ko kaya agad akong lumayo sakanya at kumawala sa yakap niya.
"Nag hihiwa ako, baka pwedeng wag mo muna akong yakapin." saad ko saka nag-iwas ng tingin. Ngunit napatingin ako sakanya ng marinig ko ang pagkabasag ng basong hawak niya.
Madilim ang mukha niya habang nakatitig sakin kaya napa-atras ako. Agad niyang hinila ang buhok ko ng malakas kaya napa ngiwi ako sa sakit. Feeling ko matatanggal ang anit ko sa ginawa niyang paghila ng buhok ko. "Nauubos na ang pasensya ko sayo Ashley." inis niyang saad saka sinuntok ng malakas ang tyan ko.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 8: Caiden Dela Vega
Romance||R-18🔞|| [✅Complete] ⚠️Matured Content (Under Editing) Caiden Dela Vega, the hottest soldier and a group member of Crimson Blade Assassination.