NAKALABAS NA KAMI ng hospital ni Caiden, at todo ang pag-alalay niya sakin. Kahit kagagaling lang din niya sa opera dahil sa balang natamo niya, mas inuuna pa niya ang kapakanan ko.
Habang nakasakay kami sa kotse, may naka palibot din samin para protektahan kami hanggang sa makapasok kami sa isang subdivision.
Ang sabi sakin ni Caiden n'ong isang araw, hindi daw makakapasok si Mattias sa subdivision na 'to lalo na't pagmamay-ari 'to ng pamilyang Vandeleur. Doon ko lang napagtanto na sila ang tinutukoy ni Mattias n'ong galit na galit 'to sa pagka ubos ng mga tauhan niya.
Nasa bahay na ako ni Caiden at todo asekaso siya sakin imbes na mag pahinga siya.
Nakatayo ako sa harap ng malaking salamin habang titig na titig sa mukha ko. Ang pangit na ng mukha ko dahil sa kabilang pisngi ko.
Ang mga braso ko ay nagkulubot na ang iba, ang iba naman ay pagaling palang. Nalukungkot ako, sa nangyari sa sarili ko. Kahit ako ay napapangitan sa hitsura ko. Hindi ko nga magawang makipag-usap ng matagal kay Caiden lalo na kapag titig na titig siya sa mukha ko. Nahihiya ako, dahil sa asidong tinapon sakin ni Mattias kaya nagka ganito ang balat ko.
Wala na ang makinis kong balat, napalitan na 'to ng kulubot at sunog na balat. Medyo nakakatulong din ang binigay na gamot sakin ni Doc. Herreros kaya naiibsan n'on ang hapdi nang magising ako dahil sa biglaan kong pagkahimatay.
Natigilan ako ng biglang sumulpot si Caiden sa likod ko. Niyakap niya ako mula sa likuran ko habang titig na titig 'to sa mukha ko.
Yumuko nalang ako dahil nahihiya ako, nawala na ang kompyansa ko sa sarili ko kapag kaharap ko ang asawa ko. Feeling ko.. hindi ako nababagay sakanya.
"May problema kaba, langga?" tanong niya sakin.
Nakatitig lang ang mga mata ko sa simento at hindi sinasagot ang tanong ni Caiden.
"Hey! May masakit ba sa'yo?" tanong niya ulit sakin sabay hawak sa baba ko para iangat ang mukha ko.
Nagkasalubong ang tingin naming dalawa habang nakaharap kami sa salamin.
"Ang pangit ko na, Caiden," malungkot kong sabi habang nakatitig parin sa salamin. "Feeling ko.. hindi ako nababagay sa'yo," dagdag kong sabi. Tinanggal ko ang mga braso ni Caiden na nakayakap sa beywang ko saka ako humarap sakanya.
"Tignan mo ang mukha ko, halos malapnos ang isa kong pisngi dahil sa ginawa ni Mattias. Kahit ako.. Caiden, nandidiri sa hitsura ko. Kaya dapat lang na maghanap ka nalang ng iba, yung hindi ganito ang hitsura. Baka pagtawanan ka lang sa labas kapag nakita ka nilang maya kasamang pan— uhmm..Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng mabilis akong hinalikan ni Caiden sa labi. Napahawak ako sa balikat niya habang tinutugon ko ang halik na iginawad niya sakin.
Si Caiden ang unang pumutol sa halik na pinagsaluhan namin at agad na dinampian ng halik ang pisngi ko na nalapnos.
"Maganda ka, Kira. Hindi lang sa panlabas na anyo kundi pati narin saiyong kalooban. Kaya bakit ako maghahanap ng iba kung ikaw lang naman ang nag-iisang Kira ko. Aanhin ko sila kung hindi naman ikaw. Mamahalin kita.. hanggang sa mawala ako dito sa mundong ibabaw. Kung ang sinasabi mo naman na pagtatawanan ako ng mga tao.. eh di, tumawa sila. Wala naman akong pakialam sakanila, ikaw lang ang mahalaga sakin, Kira. Kaya wag mong sasabihin sakin na maghanap ako ng iba, Kira. Dahil kaya kong buhusan ng asido ang mukha at braso ko para hindi ka malungkot sa hitsura mo," seryoso niyang sabi sakin.
Napanguso ako sa harapan niya kaya agad niyang dinampian ng halik ang labi ko. "Wag mo ng isipin yan, okay? Mahal na mahal kita, langga. Lagi mong tatandaan yan," malambing niyang sabi kaya napangiti ako.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 8: Caiden Dela Vega
Romance||R-18🔞|| [✅Complete] ⚠️Matured Content (Under Editing) Caiden Dela Vega, the hottest soldier and a group member of Crimson Blade Assassination.